Kabanata 15

1160 Words
Nang maihatid namin si Jane sa kanila ay nag paalam na ito dahil ay gabi na rin. "Bye, Sophie." "Bye, Mike." Paalam nito habang ikinakaway ang dalawang kamay at nagtungo na ito sa kaniyang apartment. "Dito ka na sa harap," ika ni Mike. "You're making me look like a driver kasi e, hehe," biro pa nito. Kaya naman ay binuksan ko ang pinto at umupo na sa harap katabi ni Mike. Maya maya pa ay pinaandar na ni Mike ang sasakyan at nag pahatid na rin ako. Habang nasa gitna kami ng daan ay nag pa music si Mike. "F you and your Mom and your sister and your job" tunog ng music. Dali dali namang inabot ni Mike ang pihitan ng radio para palitan ang station. Dahil mas naging awkward tuloy ang sitwasyon at napaalala muli nito ang mga nangyari. Makalipas ang ilang sandali ay binasag ni Mike ang katahimikang nakapalibot sa aming dalawa. "Do you still want to talk about dun kay Kuya Ethan?" tanong niya. Oo nga pala, half brother niya nga pala ang magaling na si Ethan Kim. Hindi ko na ito naisip dahil siguro ay lahat na ng mga masasamang pangyayari sa buhay ko ay nalilimutan ko pag nakikita at nakakasama ko si Ethan. Pero bumabalik naman ang lahat ng ito ngayong nalaman kong ginamit niya lang pala ako para sa kalibugan niya. Mas nag init mula ang dugo ko na ayoko ng pag usapan pa siya, pero hindi ito kaya ng bibig ko kaya ay agad kong natanong kay Mike. "Girlfriend niya ba yung kanina?" nahihiya kong tanong. "Ahh, si Sophie. Sophie Dizon" sabay tingin sa akin. Medyo kumunot ang noo ko at napairing ang mga mata ko sa salamin. "Yeah, you have the same name." dugtong pa niya. At kapangalan ko pa talaga ang babaeng yun. Hindi ko na tuloy alam ang iisipin ko, kung maiinis dahil ginamit lang ako ni Ethan dahil sa kalibugan o dahil magkapangalan kami ng girlfriend niya. 'Sophie Dizon, Dizon, Dizon, Dizon.' Paulit ulit na salitang umiikot sa isipan ko. "Kuya has always been distant, to me, and to Mom." Biglang open ni Mike. Bakas sa mga mata niya ang lungkot niya. "Ever since Mom had a new family, which unfortunately my family, his heart turned into stone." "He couldn't stand looking me in the eyes, or even under my presence. He hates me so much that he even tried to end my life one day when we were young." Nabigla ako sa sinabi ni Mike. Hindi ko lubos akalain na magagawa yun ni Ethan, I mean, nagagawa niyang mambabae pero hindi na pumasok sa isip ko na kaya niyang saktan ang half brother niya dahil lang sa sama niya ng loob kay Mike. "I'm sorry," sabi ko habang nakatapik ang kamay ko sa likod niya. Pareho atang kailangan nang pagsasabihan si Mike at Ethan ng mga problema nila. Sabagay hindi na nakakapag taka dahil magkapatid nga talaga sila. "We're here." Sabi ni Mike nang nakangiti para matakpan ang lungkot na bakas sa kanyang mukha. Nag isip agad ako ng gusto kong sabihin kay Mike para ma comfort ko man lang siya. "Pag need mo ng kausap andito lang ako ha?" at ito nga ang nasabi ko imbis na "okay lang yan" dahil alam kong hindi ko dapat sabihin na 'okay lang yan'. Maraming pwedeng ma offend sa mga ganitong payo lalo na kung galing sa mga malalapit na kaibigan o di kaya kapamilya. Mas mabuti nalang na makinig sa mga problema nila kaysa mag comment ng kung ano ano para may masabi lang. At dali dali naman akong lumabas ng kotse at kinuha ang mga gamit ko sa trunk ni Mike saka dumiretso sa bahay namin. Pag pasok ko ay huminga ako ng malalim. Masyadong maraming nangyari pagkatapos ng event sa kasal ng kaibigan ni Jane at wala pa rin nga ang TF ko dahil sabi nila ay isesend nalang daw kinabukasan. Ngunit hindi ko na matiis umuwi kahapon kaya tinext ko nalang si Jane na i bank transfer nalang, ni relay naman ni Jane ang sinabi ko sa kanya at pumayag naman ang magkasintahan. Busy lang daw sila after ng kasal kasi marami pang nilalakad kaya hindi nila maharap. Pero hindi naman sa minamadali ko ang bayad, kaya lang sana, pag may mga ganitong event ay naka advance na sana ang mga bayad para sa mga iiinvite nilang guests o artists, kasi hindi naman lahat ay may perang extra at yung iba ay umaasa lang nga sa mga TF sa parehong araw tulad ko. Habang nag aayos ako ng mga gamit ay biglang nag notif ang cellphone ko. Inabot ko naman ito sa di kalayuan ng tamad na galawan dahil wala na akong natirang energy maghapon. Totoo nga na kapag nasimulan mong pangit ang araw mo ay tuloy tuloy na ito. Ngunit habang binabasa ko ang notification sa cellphone ko ay biglang lumaki ang mata ko at napangiti na ang malungkot kong mukha. "You have received 50,000 pesos from *****. Your new balance is 50,001." Nakakahiya mang sabihin ay piso na lamang talaga ang laman ng online bank account ko. Natatawa nalang tuloy ako. Pero ayos lang dahil nakatanggap naman ako ng ganito kalaking halaga. 50,000 pesos?! Sinong mag aakala na makukuha ko ito sa isang event lang. Dali dali naman akong napatayo, nag sisitalon at kinikilig sa higaan na parang isang bulate na nabudburan ng asin sa tuwa. Para akong nanalo ng lotto sa talent fee ko na ito. Malaki nga talagang magbigay ng tip ang kaibigan ni Jane. Sana lang ay ma invite nila akong muli, kahit pa sa mga birthday nila ay pupuntahan ko talaga. Lulubusin ko na ito dahil sila palang ang unang client na nag bigay sa akin ng ganito kalaking halaga. At nang makalma na ako ay tinitigan ko ulit ang balance ko. 50,000 PHP Hindi pala ako nananaginip, totoo palang hindi na piso ang laman ng bangko ko. Maya maya pa ay may nareceive naman akong message galing sa unknown number. "Thank you for doing a great job. Your work is so beautiful that we would like to invite you again for my birthday. You deserve that kind of amount. And we'll be glad to add more if you want to paint on my birthday. Hoping for your positive response. ~Camille (Jane's friend.)" Tila dininig ng langit ang wish ko. Ito na nga iyon. Ang simula ng pagkakaroon ko ng magagandang event at mataas na talent fee. Sisiguraduhin kong maganda ang kalalabasan ng bawat pinta ko at titiyakin kong magugustuhan ito ng aking mga client. Mukang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko kanina. Pwede pa palang mabago ang takbo ng araw mo, at habang hindi natatapos ang araw ay wag kang susuko na baguhin pa rin ang takbo ng araw mo. Habang may pag kakataon ay kailangan mo lang magtiwala na magiging maayos din ang takbo ng buhay mo, balang araw, hindi man ngayon, pero sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD