Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung huli naming pag kikita ni Ethan.
Wala man masyadong malaking pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo ay di parin maikukubli na naging masaya ako dahil sa na appreciate ng client ko ang ginawa kong painting sa kanila.
At dahil don ay nakatanggap ako ng mataas na talent fee na hanggang ngayon ay nagpapangiti sa akin.
Ngunit pagkatapos nito ay bumalik pa rin ako sa pag tatrabaho.
Nag ta trabaho buong linggo para kumita. Work sa umaga, gig sa gabi. Walang katapusang trabaho.
Kailan ba matatapos ang pahihirap kong ito? Hindi ko na rin kasi alam kung anong patutunguhan ng buhay ko. Medyo matumal na rin ang mga nag iinvite sa akin ngayon sa mga events para mag paint. Hindi pa rin kasi nag rereply si Camille, yung kaibigan ni Jane na pinaintan ko noong kasal nila.
Baka nalimutan na nila akong iinvite sa birthday niya. Pero ayos lang, pero sana ay maalala pa rin nila ako.
Paubos na rin kasi ang perang natanggap ko mula nung nag painting ako sa wedding event nila dahil na rin sa bills sa hospital ni mama. Kaya halos lahat ay napunta na rin dito. Kaunti na lang ang natira at saktong sakto lang sa isang buwan na wala akong gig.
Habang naka break ako at ineenjoy ang kape ko ay biglang tumabi sa akin si Jane na may dalang ngiti sa kanyang mga mukha.
"Sophie! Good news!" Masiglang bati nito.
Napaharap naman ako sa kanya at sabik na sabik nang malaman ang ibabahagi nitong balita.
"May nangliligaw na sa akin."
"Ang pogi pogi niya, hindi lang yan, Afam pa!"
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa kwento niyang ito o malulungkot dahil ilang ulit na ring naloko si Jane ng mga ka chat niya. Kaya naman ay biniro ko nalamang siya.
"Sigurado ka bang hindi poser yan?" tanong ko na may paninigurado.
"Oo naman! Siguradong sigurado ako! Talagang inistalk ko siya at confirm! Siya na talaga ang para sa akin!" Kinikilig niyang kwento.
Ngunit hindi na nabago ang ganito kay Jane ilang beses niya na rin itong sinabi sa akin kaya naman di na rin ako nagugulat at iisa nalang din ang naging reaksyon ko. Dahil ilang ulit na rin siyang naloko ng mga poser na yan.
Kaya hindi rin ako pala cellphone e. Ginagamit ko lang ito pang contact ng mga tao, sa emergency man o business related at wala ng iba.
Hindi ko ba maintindihan sa mga taong naiinlove online.
Paano ba sila nakaka develop ng kanilang relasyon sa online kung hindi naman sila nag kikita ng personal?
Totoo bang na iinlove sila o hindi kaya bored lang sila kaya feeling nila ay gusto na nilang maging boyfriend girlfriend?
Pero wala naman akong masamang intensyon sa mga nagmamahalan at nakahanap ng relasyon online, siguro posible itong mangyari, hindi ko lang nakikita ang sarili ko sa mga ganitong pag kakataon.
"Yun na ba yung good news mo, Jane?" pakusilap kong tanong sa kanya.
Tumingin siya ng masungit sa akin pero ngumiti rin ito bigla. Ewan ko ba dito kay Jane ang bilis mag bago ng mood minsan.
"Hindi pa yun. HAHAHA"
"Napaka dismissive mo naman. O ito na nga."
"Naalala mo ba yung friend kong si Camille?"
"Oo, bakit?"
"Birthday niya na kasi ngayong darating na sabado~"
Na interrupt ko siya sa tuwa at dali dali akong umayos ng upo at bakas sa mukha ko ang excitement.
"Tapos?" makulit kong tanong.
"So yun na nga, nasabi naman na daw ni Camille sayo na ininvite ka niya noon diba?"
"Oo."
"I coconfirm niya lang daw na this coming Saturday na yung birthday niya."
Napapikit ako sa tuwa at napatakip ng bibig.
Hindi ko maitago ang kagalakang nararamdaman ko ngayon, dahil sa wakas meron nanaman ulit akong pera.
Oo tama. Isa sa mga nagbibigay sa akin ng saya ay kung may pera ako.
Pangit mang isipin ng iba ay hindi ko ito itatanggi dahil talaga namang kailangang kailangan ko ito dahil na rin sa pang hospital ni Mama at para matustusan ko naman ang pang araw-araw kong pamumuhay.
"Look who's having a happy day today." Maingay nasalubong ni Mike.
"Jusko wag mo nang tanungin Mike, mapapahaba nanaman ang break time natin pag sinimulan ni Sophie ang pag kukwento."
"Ay Wow, Jane! Coming from you huh?!" Pabiro kong sabi at napatawa ko rin sila.
"May gig kasi ulit ako, kaya masaya ako ngayon." Maligalig kong sabi kay Mike.
"Wow! That's good to hear! Congratulations, Sophie!"
"Thank you."
"And when's the event?"
"Ah sa~" tinakpan ni Jane ang bibig ko.
"Op op op. Teka nga Mike."
"Ba't ang dami mo naman yatang tanong sa kaibigan ko?" makulit na tanong ni Jane.
Napakamot ng ulo si Mike sa harap namin na parang nahihiya sa sitwasyon, ngunit bigla niyang sinabi.
"Bakit, I and Sophie are also friends naman e. So I can ask questions like that, di ba, Sophie?" Confident niyang sabi at napatingin siya sa akin na animo'y gusto akong pa agreehin sa sinabi niya.
Wala naman akong magawa, gusto ko ring matapos na itong pagiging intribidiba nitong si Jane kaya napasabi nalamang ako ng
"Uhm, oo naman." Sabay inom ng kape ko.
Napatingin naman sa akin si Jane nang nakabuka ang bibig nito, mukhang nagulat siya na kinonsidera ko na rin si Mike bilang isang kaibigan.
Well, kung tutuusin, kaibigan ko na rin naman na siya. Ano ba ang batayan ng isang tao para maging ganap na magkaibigan ang dalawang tao?
Kailangan ba ng sobrang tagal na pinag samahan para lang masabi na mag kaibigan na ang dalawang tao, o kahit yung sandaling nakasama mo lang siya pero naging malalim na agad ang connection niyo, siguro yun sa akin ang depenisyon ko ng pagiging mag kaibigan.
Sa tingin ko ay hindi ito nasusukat sa tagal, kundi sa lalim ng samahang nabuo ng dalawa o higit pang tao.
Napalalim ata ako ng iniisip, anyway, balik na tayo kay Mike at Jane.
"So when's the event again?" tanong muli ni Mike.
"This Saturday na." Malugod kong sagot.
"What event?"
"Birthday."
"Where will it be?" tanong niyang muli.
"Saan nga ba?" tanong ko naman kay Jane na wala na sa table namin.
Nagtaka nalang kami dahil kanina lang ay kausap namin siya, hindi yata namin namamalayan na nakaalis na siya ng wala man lang paalam.
Kaya naman ay dumiretso na ako sa loob para ipagpatuloy ang work at dumiretso na rin ako pauwi.