Kabanata 17

1301 Words
"Excuse me, Miss." Lumingon ako at dali daling nagtungo sa customer. "Can I have a glass of water here?," pasuyong sabi ng isang eleganteng customer. "Sure sir," nakangiti kong sagot at nagsalubong ang aming mga mata. Maamo siyang tignan, parang pinalaking may respeto sa sarili at ibang tao. Mukha siyang kagalang galang at medyo kaidaran ko rin siguro kung mukha ang pagbabasehan. Matikas ang hulma ng pangangatawan niya, nakasuot ng itim na coat at itim na slacks, pormal na pormal ang suutan. Mukha siyang model. Medyo mahaba ang buhok nito, kasing haba ng isang short hair na babae. Matangos ang kanyang ilong dahil may pag ka mahaban at pointed ito na siya namang bumabagay sa hulma ng mapanga niyang mukha at bilugan at itim niyang mga mata. Hindi ko pa tapos ma scan ang buong pagkatao niya ay natigil ang malalim kong panghuhula ng pagkatao nang sabihin niyang ~ "Miss, is everything okay?" Nahimasmasan ako ay halata sa mukha ko ang hiya dahil ngayon ko lang na pagtanto kung gaano ito ka pogi at matipuno. Isang purong pinoy na hindi kaputian pero hindi rin kaitiman, ngunit nangingibabaw ang kagwapuhan niya dahil sa maamo niyang mukha at masayahing aura. Ngumiti ito at tumingin sa malayo animo'y hinuhulaan kung anong problema ko. "Miss, Sophie?" ika nito. Nagulat naman ako nang banggitin nito ang pangalan ko. "Yes po?" tanong ko, hindi ko rin alam kung bat ako nagtanong. "Is there any problem?" confused na tanong nito na parang hindi na ako masabayan sa pagka lutang ko. Kaiinom ko lang din naman ng kape pero bakit hindi ako masyadong makapag isip ng maayos. "Ahh... Eh... Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ko habang nagkakamot ng ulo sa hiya. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Napaka amo ng mukha, para siyang malaking anghel. Dagdag pa rito ang malumanay niyang boses na aakalain mo ay inaalagaan ka nito. Tumingin siya sa akin at ngumuso ito sa harap ko. Nang hindi ko nagustuhan ang ginagawa nito ay inulit niya ulit ang pag nguso sa akin. Hindi ko alam kung mababastusan ba ako sa aksyon niyang ito. Eh bigla bigla ba namang ngumuso sa harap ko kahit na hindi ako nagbibigay ng motibo. Akala siguro ng lalaking ito ay nakuha niya na ang loob ko dahil sa mga ngiti at amo ng mukha niya. Pwes nagkakamali siya, hindi ako ganon kadaling makuha dahil may dignidad ako. "Excuse me sir, hindi po ata tama ang ginagawa niyo." Matapang kong sabi sa kanya at inayos na ang sarili para tumindig ng may dangal. "Hindi po ata tama yang ginagawa niyo sir, alam ko pong kagalang galang po kayo pero sana po, matutunan niyo rin pong galangin ang isang tulad ko kahit na ganito lang po ang trabaho ko." Tumayo ito at lumapit ng bahagya sa akin. Isang talampakan nalang ang pagitan naming dalawa. Pilit ko ring inaabot ang dulo ng kanyang baba ngunit hanggang dito nalang talaga ang kaya ng tangkad ko. At nang ganito na ito kalapit ay talagang tumingala ako para panindigan ang posisyon ko. Ngumunguso pa ako at bakas ang pagkamatayog at palaban ko. Ngunit nabali ito nang banggitin niyang ~ "Your name's on your badge." "Ayan oh," nguso muli nito sa dibdib ko. At bigla naman akong yumuko sa hiya at nakita nga ng naduduling kong mga mata ang badge ko na nakasulat pa ang pagka laki laking pangalan: SOPHIE. "So, can I have my water now? SOPHIE?" Bulong nito habang nakaliyad paharap sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang kumaripas ng takbo papunta sa kitchen area at kumuha ng tubig. 'Bakit kasi ganun ang pag sabi niya kanina, para kasi siyang humihingi ng kiss sa akin' 'Malay ko ba kung tinuturo niya lang pala ang name ko sa dibdib ko.' Bulong ko sa sarili ko. Nalimutan ko nga palang ito ang gawain ng mga Pilipino, ang mag turo ng mga bagay bagay o direksyon gamit ang ating mga bibig. Bat ba hindi ko ito naisip at nag over react ako sa actions ni sir. Ang bait niya pa man din. Nagulantang muli ako ng sigawan ako ni Jane sa kitchen. "Huy Sophie, anong binubulong bulong mo diyan?" tanong nito habang nag piprito sa di kalayuan. "Ah, wala lang~" naabala ang isipan ko nang maamoy ko ang sunog ng pinipritong manok ni Jane. "Ikaw anong ginagawa mo Chef at sunog na yang manok mo?" Pasungit kong tanong sa kanya na may ngiti sa aking mukha. "AYYYYY!!!" sigaw nito ng malakas sa loob kaya naman ay nagulantang ang mga malapit lang sa kitchen at nagsi punta ang ilan sa loob. "Anong meron?" "Anong nangyari?" Atat na tanong ng mga ito, ngunit ako ay kalmado lang at itinuro ang sunog na luto ni Jane gamit ang nguso ko. At dahil dito ay napansin kong pati na rin ako ay ganito na rin ang pamamaraan ko ng pag turo ng direksyon. "Ow sh*t" yung tubig nga pala na hinihingi nung customer. Dali dali akong kumuha ng tubig sa refrigerator at lumabas na para i serve ito. Ngunit nang pagkalabas ko ay may kasama na ito sa table. Nakaharap sa akin ang customer na lalaki at nasisilayan ko naman ang likuran ng babae, literal na likuran dahil naka backless dress ito. Habang naglalakad ako ay malayo pa lang ay tanaw ko na ang kaputian at ang makinis na likuran ng babae. Siguro ay girlfriend niya ito. Hindi sa pagiging bitter pero medyo na disappoint lang ako dahil meron na palang kasintahan ang gwapong customer na ito. "Here's your water sir." Nakangiti kong bati sa kanya at ngumiti naman ito kahit di ko inaasahan dahil sa pangyayari kanina. Gusto ko lang din na maging professional kaya kinapalan ko na ang mukha ko para ngumiti man lang. Mabuti na lamang ay hindi ito nag reklamo sa aming restaurant dahil sa inasta ko kanina. Napalingon ako sa kasama nitong babae ngunit hindi ko matanaw ang mukha niya dahil nakayuko ito at nakatakip ang buhok niya sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. Tinitigan ko pa ito at may pumukaw nga ng pansin ko. Napadpad ang tingin ng aking mga mata sa bandang kamay nito. Isang bracelet ang kumuha ng atensyon ko. Napaka gandang bracelet na mabilis na pumasok sa alaala ko na kamukha nito ang bracelet na bigay ni Ethan nung gabing may nangyari sa amin sa kasal ni Camille. "Is there anything you'd want to say?" tanong ni sir sa akin at napalingon naman ako sa kanya para ngitian lang siya. "Ahehehe, wala po sir curious lang po ako sa bracelet." tugon ko naman. "And why are so curious about my bracelet?" Tanong ng babaeng kaharap ni sir customer. Napalingon ako sa kanya at na kumpirma kong siya nga ang babaeng kinaiinisan ko sa lahat ng babae sa buong mundo. Si Sophie. Ang babaeng nanlait sa pagkatao ko noong kasal ni Camille.Ang babaeng nasa loob ng kotse na itim. Siya ang babaeng kapangalan ko na. "How dare you look at my bracelet." "You can't buy this. You don't have the right to look at my bracelet. This can buy you and your family." dagdag niya. Parang alam ko na tuloy ang pahuhuntungan nito, lalaitin nanaman ako ng taong ito gaya ng pang husga sa akin na dinamdam ko talaga. "Sophie!" medyo pasigaw na tawag ni sir kay sa malditang babaeng ito at hinawakan ang kamay niya sa hapag, at medyo pinisil ito. Bakas sa mukha ni sir ang hindi pagkagusto sa mga salitang binitawan ng kapangalan kong si Sophie, at pinutol niya ang namamagitang awkwardness. "Uhm, haha. I'm sorry, my girlfriend had a tiring day, so she is probably not in the right mood. I'm sorry, Sophie." Nahihiyang sabi nito sa akin na parang napilitan lang siyang gawin para i save ang mukha ng girlfriend niyang mataas ang pride.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD