Kabanata 18

1234 Words
"Why don't we introduce ourselves?" sabi nito at nag simula na siyang tumayo. "My name's Earl Gutierrez." "You can call me Earl." sabay abot ng kamay sa akin para makipag shake hands at inabot ko naman agad ito bilang respeto. "Ako naman po si Sophie." nahihiyang pakilala ko, ngunit ramdam ko ang sincere na pagkilala ni sir Earl sa akin dahil na rin sa firm na pag shake niya ng kamay sa akin. Base kasi sa mga experiences ko, lalo na kapag makikipag kilala sa mga tao, kung gusto mo talagang makilala ang isang tao ay makikita ang pagka sincere mo kapag madiin at mahigpit ang pag shake mo ng kamay sa kanila, ibig sabihin lang nito ay nag papakita ka ng respeto sa taong kinakamayan mo. Kaya mabuti ang ganitong gawain lalo na sa mga mayayaman at kilalang mga personalidad. Napalingon si sir Earl kay Sophie at tumayo na rin ito, mukhang may pag babantang nakaabang sa malilisik na matang ibinibigay ni sir Earl sa kanya kaya napatayo nalang ito ng bigla. Tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa, gaya ng pag tingin niya noon sa akin na siyang kinaiinit ng ulo ko. "Don't you know me?" nagmamataas na tanong nito sa akin habang nakahalukipkip ito. Binigyan ko lang siya ng blangkong reaksyon. At mukhang napainit ko ang dugo niya, mabutin naman kung ganon. "I am Sophie Dizon, a superstar model and the girlfriend of Earl Gutierrez, as you should know." Mapagmataas niyang pagpapakilala sa sarili niya sabay nagpatuloy ito sa pag scroll sa kanyang cellphone, mukang mas importante pa ang pag ce cellphone kaysa sa pakikipag kilala sa ibang tao sa kanya. Hindi na rin ako nag expect ng magandang ugali nito simula pa lamang, dahil batid kong may kakaiba sa kanyang aura at ayaw ko na sa kanya unang kita ko pa lamang sa kanya. "Yeah, shes' my girlfriend. And I'm sorry for what she did to you. I know asking forgiveness for her sake isn't delightful, but I'd be glad if you'd accept my offer." Bulong ni sir Earl habang hindi nakatingin si Sophie sa amin. Ang pagtataka ko lang ay hindi man lang ba ako nakilala ng babaeng ito? Matapos niya akong mali-maliitin sa harap ni Ethan noong nakaraang buwan. Dahil ako hinding hindi ko malilimutan ang araw na yun, dahil sobra akong nalungkot at pakiramdam ko ay napaka babang tao ko dahil sa masasakit na salitang binitawan niya sa akin. At isa pa, girlfriend siya ni Ethan. Paanong noong isang buwan pa lang ay si Ethan at siya pa ang magkasama tapos ngayon makikita ko na lamang na meron na siyang bagong nilalandi? Napakakati naman kung ganon ng babaeng ito at walang hiyang lumandi kung pinag sasabay niya ang dalawa. At dahil sa inis ko sa ay may naisip akong gawin para lang sana ay gantihan ang babaeng ito, dahil hindi ako patitinag sa kanya ngayon dahil alam ko na ang isa sa mga bahong tinatago niya. Umupo na si sir Earl at nagsimulang tumingin sa list ng menu. At umorder na ng kanilang makakain. Umalis naman ako ng may ngiti sa aking mga labi, hindi dahil gusto ko silang kumain ng masaya kundi dahil gusto kong painitin pa lalo ang ulo ng malditang si Sophie, hindi nga pala ako itong tinutukoy ko kundi si Sophie Dizon, kapangalan ko lang siya pero malayong malayo ang ugali namin. Pagbalik ko ng counter ay sinabi ko na kay Jane ang order nila na di ko namamalayan na nakatutok lang ang mga mata ko sa table kung saan sila nakaupo at napansin nga ito ni Jane. "Sophie." "Oo si Sophie nga yon," walang malay kong sagot sa kanya. "Ahh, sabi ko na nga ba mukhan pamilyar ang mukha ng babaeng yun kanina e, nung madaan ako sa pwesto nila napalingon ako kaso hindi ko maalala kung saan ko siya nakita." "'Di ba siya yung nabanggit mong nagpahiya sayo? Yung nanglait sayo sa harap ni Ethan? Siya ba yung walang hiyang babaeng yun?" Pagalit na tanong ni Jane at unti unti na itong lumalabas ng counter para medyo lumapit sa table, ngunit buti na lamang ay hinila ko ito pabalik dahil ayaw ko namang mag eskandalo sa harap ng maraming tao, siguro kung palihim ay pwede pa. Iba rin kasi itong si Jane e, parang kambal ko rin ito lalo na kung may kinaiinisang tao o babae. Maswerte nga ako at may kaibigan akong gaya niya na handa akong ipagtanggol kahit pa anong mangyari. Pinakalma ko muna si Jane dahil may mas maganda akong plano kaysa ang mag eskandalo sa harap ng maraming tao. "Shh. Kalma ka lang Jane. Ako ng bahala." Mahinahon kong sabi na may pamatay na ngiti. "Hindi eh, siya yung nanakit ng damdamin mo e, deserve niyang magantihan ng mas malalang masasakit na salita. Ano Sophie papayag ka nalang ba na gawin niya ulit sayo yon?" Naiinis na sumbat ni Jane. "Actually ginawa niya na, kanina lang," sabi ko naman. "Yan na nga ba ang sinasabi ko e, kung magiging malambot ang puso mo para sa lahat at hahayaan mo lang na lait laitin ka ng ibang tao, hindi ka makakalis sa ganitong uri ng pamumuhay." "Isipin mo sana si Mama mo, siya nalang ang meron ka, at kung hahayaan mo pang laitin ka ng ibang tao, sino nalang ang aasahan niya ngayon?" Nagsimula ng maging seryoso si Jane na hindi ko inaasahan. Nang maging ganito na ang atmosphere ng pag uusap namin ni Jane ay saka na ako sumingit para putulin ang seryoso naming usapan. "Jane, kaya ko na to. Magtiwala ka." Mga salitang iniwan ko sa kanya at sabay tapik sa kanyang braso. Nag sisimula na kasi akong mapuno kahit na gusto ko ang pagtatanggol sa akin na ginagawa ni Jane ay hindi ko na nagugustuhan ang tono niya. Nasobrahan niya ata ang mga sinabi niya na hindi na nito na kontrol ang pagiging insensibo nito. Ngunit naiintindihan ko na concerned lamang ito at nais lamang niya na maging matapang ako para sa sarili ko. Marami na ring pinag daaanan si Jane sa buhay, para ko na rin siyang ate dahil sa mga payong binibigay niya sa akin, lahat ng ito ay personal niyang karanasan. Marami na siyang naitulong sa akin, lalo na ang pag bibigay ng payo patungkol sa pagharap sa hamon ng buhay at pakikitungo sa iba't ibang klase ng tao. Nang matapos ang madamdamin naming pag uusap ni Jane ay nagtungo na ako sa kitchen para ihanda ang kanilang order. ~~~ Pagkatapos kong ihanda ang pagkain nila ay hinatid ko na ito sa kanilang table. "Here's your order Ma'am, Sir." "Enjoy your meal." Masaya kong paalam sa kanila at hindi pa rin interesadong tignan ako ni Sophie. Mukhang nakadikit na ang mga mata nito sa kanyang cellphone at nahuhumaling sa kanyang sariling pictures online. ~~~ 15 minutes na ang nakalipas at tahimik pa rin ang restaurant kasama ang mga eleganteng customers na kumakain sa loob. Alas tres na rin ng hapon sakto ay break time ko na at inaya ko na sila Mike at Jane, pero pareho silang tumanggi dahil may iba pa silang ginagawa kaya ako na lamang ang nagpunta sa canteen para mag pahinga at mag meryenda. Nang hihigupin ko na ang kape ko ay biglang may sumigaw ng pangalan ko. "Sophie!" Napalingon agad ako, at si Jane nga ang nagtawag galing sa pintuan. "Halika! Lagot ka!" Pagbabanta nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD