"Dali na, Sophie!" Muling sigaw ni Jane habang bakas sa mukha niya ang pagkahingal na animoy tumakbo ng kilo kilometrong layo para lang sigawan ako.
Hinawakan kong muli ang kape ko at ramdam ko pa rin ang init nito. Tumingin ako ulit kay Jane, at pawis na pawis na nga ito at nakasandal na sa pinto.
Ngunit dahil mahal ko ang kape at gustong gusto ko ng kape ay inuna ko munang bigyan ng atensyon ang kapeng nasa harapan ko kaysa ang naghihingalo at nag aalalang si Jane.
At napahigop na nga ako, pinikit ko ang mga mata ko para damhin ang malasang aroma nito. Ibang klase talaga ang tama sa akin ng kape. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakabuhay ng loob.
Habang lasap na lasap ko ang pag higop ng kape ay bigla namang inagaw ni Jane ang kape ko.
Nakatayo siyang pumorma sa akin at hawak niya sa kaliwang kamay ang paborito kong kape.
"Sophie, pwede ba sumama ka muna sa akin." naghihingalong sabi nito.
"Ano ba kasi yung gusto mong sabihin ha?" Tanong ko na mukhang parang hindi interesado dahil mas nakatingin pa ako sa hawak niyang kape kaysa sa kanya.
"Basta sumama ka na kasi sakin." Nagmamakaawang sabi niya sakin.
"Teka lang patapusin mo muna akong mag kape, alam mo namang paborito ko ang kape Jane eh." Pilit ko ring sabi sa kanya.
Tumingin siya sa akin na parang naaawa at inabot na nga ng dahan dahan sa akin ang kape. Kasabay naman nito ang mga kamay ko sa pag aantay sa pag abot sa mug ng kape, ngunit nang malapit na itong dumampi sa kamay ko ay mabilis niyang niliko ang direksyon ng kape at saka ito nagtungo sa kanyang labi.
Nam-pa prank lang pala si Jane at inikot ikot pa nga ang kape na parang bata dahil gumagawa ito ng tunog ng airplane at halata namang nag lalaro laro ito at nagiging isip bata.
"Ngeeeeeng ngeeeeng ngeeeng" paulit ulit na biro nito sa akin pagkatapos niyang makahigop dito.
Nang mapuno ako ay tumayo nalang ako bigla at tinitigan siya na parang makakapatay ako ng tao.
Dali dali namang nagbago ang mood ni Jane at mukhang nabasa niya ang gusto kong iparating, na kung hindi niya pa ito ibibigay at ibabalik sa akin ay talagang makakatikim ito sa akin ng hindi kanais nais na pagsisisihan niya sa buong buhay niya.
"Ibibigay mo ba yang kape ko o hindi?" Nakakatakot kong tanong sa kanya at tuloy pa rin ang titig ko sa kanya gamit ang nanglilisik kong mga mata.
Wala pang limang segundo ay ura uradang gumalaw ang kamay niya para iabot ng maayos ang aking kape.Blangko lang ang reaksyon niya, para tuloy siyang robot sa paningin ko. Ngunit itinuring ko na itong normal. Dahil may mga pagkakataon din na mas nakakatakot pa ako kaysa kay Jane, at kapag dumarating ang mga ganitong pagkakataon ay walang nakakapigil sa akin, lalong lalo na ang mga naging boss ko noon. Hinding hindi uubra sa akin ang mga estilo ng mga mas mataas ang posiyon sa akin dahil naniniwala ako sa kasabihan na 'patience is the key'.
Nang iabot na sa akin ni Jane ang gamot ko sa pagkabaliw, walang iba kung di ang pagkabaliw sa kape, ay bigla ring nag bago ang mood ko.
Agad agad ko itong ininom at mas lalo akong nagising at energetic para harapin kung ano man ang aberyang nangyayari sa loob ng restaurant.
"Tara!" Masigasig kong aya kay Jane na siya namang umubos sa natirang kape ko.
Pagdating namin sa loob ay naroon na si Mike nakikipag talo sa customer na sumisigaw at nag eeskandalo.
"Call me your manager!" Malakas na demand nito.
At nang makalapit kami ay nakita ko ang masungit na mukha ng isang dalagang babae na siyang nakikipag talo kay Mike.
"Ma'am, calm down, okay? We can't settle things if you are like this. I advise you to calm down first, and then we'll have a constructive discussion." Pakiusap ni Mike at napalingon na nga ito, nag papahiwatig na kailangan ko nang tumulong sa pagpapakalma sa babaeng nag hy-hysterical bago pa lumaki ang gulo sa restaurant na ito.
Naglakad ako papalapit sa kanila na mukhang kayang kayang humandle ng ganitong sitwasyon.
"Ma'am, why don't you tell us what happened?" maamong tanong ko sa kanya ng may distansya para nang sa ganon ay di ko ma invade ang boundary na meron siya.
Tumingin ito nang may panlalait sa kanyang mga mata. Halos pare pareho ang mga pag tingin ng mga nakakasalamuha kong babae, iisa ata sila ng angkan na pinanggalingan.
"And you are?" Maarteng tanong nito.
"My name's Sophie, Ma'am, and I'll be happy to listen and help you with your problem."
"No thanks." Lumapit siya ng bahagya at isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa.
"Why don't you help yourself first? You haven't shone your shoes in a while. Looks like you need to buy a new one." Nakakairitang bulong nito.
At bago pa ito tumalikod at umalis para bumalik sa kanyang upuan ay nagbigay muli siya ng nakakababang pag tingin.
Pero pagkalikod niya ay akala niya tapos na ang laban naming dalawa.
Pwes hindi rito nagtatapos ang laban naming dalawa, lalo na at mukhang dalaga pa ang babae at halata rin sa kanya ay isa siyang social climber at dahil na rin isang matandang lalaking foreigner ang kanyang kasama sa restaurant para kumain.
Hindi rin bagay ang kasuotan niya kahit pa mamahalin ang kanyang mga damit, dahil kayo kong malaman kung nag pipilit lang na mag suot ng magagandang damit kaysa sa natural na nag susuot ng mamahaling damit.
Bago pa ito makalayo sa akin ay dali dali ko itong hinila at lumapit sa kanyang gilid at bumulong.
"Baka gusto mong ilabas ko ang baho mo dito ngayon?" Sabi ko habang nakangiti at tingin sa kanyang kasamang foreigner.
"Bitawan mo nga ako!" Pagpipilit lang pero hindi masyadong malakas, sakto na lang ang sigaw niya hindi tulad ng kanina na napakainit pa ng ulo niya.
"Let go of me. Kapag di mo ako binitawan tatawag na ako ng pulis."
Napangisi lang ako at sinabi sa tabi ng tenga niya pabulong.
"Nakita ko kanina yung ginawa mo girl. Gusto mo bang isumbong kitang nagnakaw ka sa wallet ng boyfriend mong matandanang foreigner."
Hindi na ito nakagalaw ng kanyang mga buto, maski ang pag ihi ko ay naudlot na rin.
"Sumama ka muna sa amin. Pero wag kang pahalata sa boyfriend mo na may problema, sabihin mo lang na kailangan mong gumamit ng restroom."
Kumawala siya sa mahigpit kong hawak sa braso ko para pumunta sa table kung saan nakaupo ang afam niya.
May binulong ito, sabay nag palitan naman sila ng halik.
Alam ko medyo cringe ang mga pangyayaring ito pero siguro ay isa lang to sa paraan niya para maitali sa mga kamay niya ang kanyang boyfriend.