Sumama ng hindi pumapalag at nag eeskandalo ang babaeng kanina lang ay nag sisisigaw at napaka OA ng reaksyon.
Syempre hindi nito maiiwan ang kaniyang Hermes bag na siguradong nakalagay doon ang nanakaw niyang dolyar dolyar sa wallet ng kaniyang boyfriend.
Habang papunta na kami sa restroom, nasa kaliwang gilid ko siya, ay bigla nalang akong nawala sa balance ng aking katawan.
Ang mga paa ko ay naudlot sa paglalakad at natalo sa pagkagulat ng pangyayari.
Napatumba ako sa matigas na sahig, pasalamat nalang at napigilan pa ng mga kamay ko ang pagbagsak ng buong mukha ko sa sahig, kung hindi ay wala na sana akong maihaharap na mukha bukas.
Dama ng mga tuhod ko ang mabigat at masakit na pagbagsak ng mga ito. Isang malaking sakuna ang nabagsakan ko. Mukhang may kahaharapin nanaman akong sakit ng ulo matapos kong makipag talo sa nag eeskandalong babae na kasama ko.
Nang medyo nahimasmasan ako sa pagkagulat ay napatingin ako sa harap ko.
Isang babaeng nakaitim ang sandal na may mataas na takong, pag taas ng mga mata ko ay kita ko ang makinis at maputi niyang balat. At ito na nga ang kinaiinisan kong tao, matagal na, si Sophie Dizon nanaman.
Ano bang gusto ng taong ito at palagi na lamang akong nilalait o di kaya naman ay palaging may ginagawang mali sa akin at puro panglalait at panliliit ang ipinaparamdam nito sa akin.
Hindi pa rin mawala sa ugali niyang nakakairita, mabuti na lamang ay may nakakaintindi sa kanya, si Ethan, na baka ay niloloko niya pa hanggang ngayon, at si sir Earl na mukang nag titiis at nag bubulag bulagan lang sa pakitang taong at pangit na pag uugali nito.
"Uhm, sorry Miss, my legs were hurting kasi e kaya I just stretched it a bit to loosen up yung pagod sa mga feet ko." Nakakairitang sabi nito na may pa ikot ikot pa ng buhok sa kanyang harapan gamit ang kanyang hintuturong daliri na parang batang nag mamalinis.
"Do you have an ice compress? I'll just put it on the part where you bumped hardly my foot." pa cute na dagdag niya.
"Are you okay?" Mabilis na sabi ng isang lalaki at napahawak pa ito sa mga kamay ko para ibangon ako ng maayos.
Nakakaantig siyang panooring mangligtas ng naaaping katulad ko. Ang ganda niyang panoorin.
Para siyang isang super hero na prince charming ng buhay mo. Ililigtas ka ano mang mangyaring masama sayo.
Nagkatitigan ang mga mata namin at tila na magnet na ang mga mata ko nakakaantig niyang mga mata. Bilugan ang mga mata nito at gugustuhin ko nalang tumingin dito kaysa ang pagtyagaan ang sahod ko sa buong araw.
Para itong isang buwan na nag niningning sa gitna ng kadiliman at kahit gaano pa kalayo ang pagitan ng inyong mga mata.
"Sophie?"
"Sophie, are you okay? Babe!"
At nagising ako sa aking imahinasyon. Hindi pala ako ang kinakausap niya at animo'y nananaginip ako ng gising.
Marahil ay masyado akong na aattach sa mga taong may kakaibang mga mata. Nais ko talagang bigyan ng pansin ang mga taong may mga ganitong mga mata. Para akong nanonood ng buwan, gaya nga ng sinabi ko kanina.
"How's your leg? Does it hurt?" Nagmamadaling takbo nito para i check ang paa ng kanyang girlfriend at malambing niyang tanong habang nakaluhod sa sahig at hinahawakan ang paa kung saan 'nabunggo' ko raw, kahit na siya pa ang bumunggo sa akin.
"Sophie, okay ka lang? Can you get up?" Tanong naman ni Mike sa akin at kahit na hindi pa ako nakakasagot ay dali dali niya akong itinayo para tulungan sa pagkaka dapa ko sa sahig.
"Okay lang ako," sumbat ko naman nang tuluyan na akong makatayo.
Napunta pa rin ang tingin ko kung saan nakikita ko kung paano alagaan ni sir Earl ang babaeng si Sophie na boyfriend lang si Ethan noong isang buwan.
Ang kutob ko ay nag che-cheat itong babaeng ito para lang makapasok sa model industry dahil ang may ari ay si Sir Earl Guttierez.
Isa sa pinaka mayaman at successful na talents at model agency ang company ni sir Earl.
At nang matapos nilang maglambingan ay lumingon sa akin si sir Earl.
"Do you have any ice compress? I think she needs to be treated right away."
Pakiusap nito gamit ang kanyang nag aalalang mga mata. Kaunti nalang ay patulo na ang luha nito, halatang puro at sincere mag mahal si sir Earl.
"Yes sir, we do have. I'll just get it and wait for a second." Pakiusap ko kahit pa na masakit ang pagkabagsak ko sa sahig.
Pero bigla namang kumaripas ng takbo si Jane sa amin at sumenyas na siya na ang kukuha ng ice compress.
"Ako na, ako na kukuha." Mabilis na sabi nito at sabay na tumakbo na papuntang clinic para kumuha ng ice compress.
Ngunit dahil sa hindi ko gusto ang nakikita at nangyayari sa paligid ko ay nag pasya ako na sumunod kay Jane upang mabago ang iniisip ko.
"Sunod ako kay Jane, kukuha lang din ako ng ice compress para sa sarili ko." Pilit kong sabi kay Mike na nakahawak pa rin sa braso ko para tuluyan akong alalayan.
Mabuti na lamang ay nabasa niya ang sinasabi ng mga tingin ko kaya naman ay hindi na ito nakipag talo at umo-o nalang ito at inalalayan akong pumunta ng clinic.
Nais ko muna sanang magpa alam kay sir Earl para alam niya namang babalik ako para humingi ng tawad sa girlfriend niya sa nangyari ay napatingin sa akin ang mga malilisik at nang aasar na mga mata ni Sophie.
Nakayakap na pala ito kaagad kay sir Earl ng mahigpit at tanging nakakainis na ngiti niya lang ang nakikita ko wala ng iba.
"Babe, it hurts here oh." Pa baby-ing sabi ni Sophie sa malapit na tenga ni sir Earl, at agad agad namang sumunod si sir para hanapin kung saan ang masakit.
"Is this it? Does it hurt that much?" Tanong nitong muli na halatang nag aalala.
"Ahhh." Mabilis na reaksyon ni Sophie, na alam ko namang hindi totoo. Ngunit bakit kaya hindi malaman ni sir Earl kung totoo ba ang pinapakitang ugali ng babaeng ito sa kanya.
Alam ko namang matalino si sir Earl, pero ang alam ko lang ay hindi ito gaanong magaling sa love life niya dahil mas nag fofocus ito ng malala sa kanilang business.
Wala na akong nagawa kung di ang mainis at uminit ang ulo ko. Maya maya pa ay iika ika na akong maglakas patalikod sa kanila.
Dali dali naman akong hinabol ni Mike para alalayan, pero napalakas ko ata ang pag alis ng kamay ko sa kamay niya dahil sa sobrang inis at tuluyan na akong naglakad papuntang clinic. Mabuti na lamang ay matiyaga ito sa akin at sinamahan pa rin akong makapunta sa clinic ng maayo.