"Sophie, is everything alright?"
"Sophie."
"Sophie, tell me if something's bothering you." Napalakas ang hila sa akin ni Mike nang malapit na kami sa harap ng clinic.
"Mike masakit."
"Please, let my hands go." Pagmamakaawa ko na paluha na sa sitwasyon.
Napatingin ito sa kanyang paghawak sa akin at tila natauhan. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ganun na lamang ang naging reaksyon ni Mike sa sitwasyon e pwede niya naman akong kausapin ng hindi nananakit at nanghihila ng kamay.
"Oh. I'm sorry," sagot nito.
"I just want to know if you're~"
"I'm okay." Pinutol ko na ang pag uusap namin ng may malamig na tingin sa kanya.
Hindi ko na rin pinatapos kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin dahil hindi ako komportable sa sitwasyon kung nasaan ako ngayon at ang gusto ko lang ay magamot ang naghihikamos na mga tuhod ko.
Kaya naman ay naglakad na ako ng matulin kahit pa pa ika ika ako sa paglalakad at binuksan ko na ang pintuan ng clinic at ni lock ito para hindi na makapasok si Mike at mangulit muli.
Ngunit humabol pa ito sa harap ngunit buti na lamang ay naisara ko na kaagad ang pintuan para patigilin siya.
Pagkasara ko ng pinto ay tumayo lang ako doon at huminga ng malalim kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.
Bawat paghinga ko ay may katumbas na mabibigat na damdaming gusto kong ilabas.
Isang malaking bagahe sa dibdib ko ay ang pang mamaliit ni Sophie Dizon na yan na kahit noong isang buwan pa ay tumatatak na sa isipan ko at ngayon ay naulit nanaman. Ngunit hindi ko ma kontrol ang emosyon ko dahil madali lang akong maging emosyonal at masaktan sa mga masasakit na salitang ibinabato sa akin ng tao simula nung magkasakit si Mama, parang lalo akong napanghinaan ng loob at mas naging emosyonal nang magkasakit si Mama.
Dala dala ko na ito simula non, at mas naging maiwas na rin ako sa mga gulo, pero kung di kaya ng konsensya ko na may nakikitang naaapi ay tutulong talaga ako.
Pero nabaliktad ang sitwasyon ngayon, imbis na ako ang gumanti sa mga taong mapanakit at nambababa ng kapwa nila ay ako pa rin ang napatumba ng kagaya nila, kagaya ni Sophie Dizon. Isang bruhang walang batid ng kagandahan ang kanyang kaugalian at purong kasakiman ang mga ito. Nais niya lang kasing tingalain siya ng tao dahil sa mataas na naabot niya sa buhay.
Ganito na ba talaga ngayon, na kung may naabot ka sa buhay ay may karapatan ka nang mamaliit ng tao at hindi na kayang maging sensitive at magkaroon ng sympathy para sa mahihirap na taong katulad ko?
Hiling ko'y sana hindi naman lahat ng mga successful na tao ay ganito, ngunit base sa sariling karanasan ko ay halos lahat ay naging ganito na ang pag uugali. Dala na rin siguro ng social media, gusto na ata lahat ng tao na sumikat, maliban sa akin.
Dahil ang tanging hiling ko lang ay ang mapagamot si Mama at maging masaya kaming dalawa, kahit pa mahirap ang buhay namin. Gusto ko lang siyang makasama ulit na masigla pa, kahit sa maliit lang na panahon.
At habang dinadamdam ko ang mga kaisipang ito ay may bigla namang nag punas ng mga luha ko.
Isang banayad, malambot, at maliit na kamay ang nasa kanang pisngi ko.
Nang idilat ko ang aking mga mata ng bahagya ay natatakpan ng malabong luha ko ang mukha ng mabuting kaibigan na ito at alam ko na agad na si Jane ito.
"Jane." Naghuhumikbi kong salubong sa kanya na siya namang yumakap sa akin ng buong buo.
Tumulo na ng malala ang kanina pang nakaabang na isang baldeng luha. Parang nag aantay lang ito ng taong kayang magpalabas ng mga ito. At buti na lamang ay narito si Jane para saluhin ang mga ito at walang alinlangan na damayan ako.
Pasasaan pa at naging matalik kaming mag kaibigan.
"Okay lang, iiyak mo lang." Payo nito ng malumanay habang tinatapik ng dahan dahan ang likuran ko.
Dama ko ang mahigpit niyang yakap at mainit niyang pagtanggap habang ako ay patuloy pa rin sa paghagulgol.
"Sige lang, iiyak mo lang Sophie." Ulit nito habang hinahaplos ng malumanay ang likuran ko at mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa mga naiisip kong masasakit na salita at panglalait ni Sophie Dizon.
Ngunit nangibabaw pa rin ang mga salita ni Jane na siyang nagpakalma sa akin.
"Ilabas mo na lahat ng bagahe mo at tutulungan kitang magbuhat ng mga yan, kaya sige lang. Nandito naman ako eh." Nakakaiyak na payo niya na siyang nagpakawala ng huling hagulgol ko at siya namang pagkaluwag ng dibdib ko.
Nailabas ko na nga ang mga mabibigat na bagaheng dala dala ko ngunit parang napagod ako paglabas ng mga ito at siya namang nagpadilim ng mga paningin ko.
"Sophie. Sophie."
"Are you okay?" Isang boses ng matikas na lalaki ang naririnig ko sa magkabilaang tenga ko.
"Sophie." Muling ulit nito na siyang nagpagising sa akin mula sa kinahihigaan ko.
Isang mukhang matagal ko ring inintay, isang mukhang akala ko'y hindi ko na makikitang muli, isang mukhang minsan kong naramdaman ang pagmamahal.
"Ethan?" gulat na bati ko sa kanya at napatingin ako sa paligid.
Nasa clinic pa rin kami at mukhang hindi ito panaginip. Dahil kanina lang ay kasama ko si Jane at mukhang nakatulog ako.
"Totoo bang ikaw si Ethan?" Mukhang na weirduhan ito sa tanong ko.
"What do you mean?" sagot niya habang nakatagilid ang mga mata niya na parang hinuhulaan kung ano ang gusto kong iparating.
"Tignan mo, hindi ikaw si Ethan." Mabilis kong sumbat sa kanya.
"Of course I am Ethan, I'm Ethan Kim." Seryosong sagot nito kasabay ng mga kamay niyang kumukumpas na tila totoo nga ang sinasabi niya.
Alam ko kasing tuwing nananaginip ko lang nakikita si Ethan, at ang huli kong kita sa kanya na hindi sa panaginip ay noong nakaraang buwan pa.
At imposibleng makarating siya dito agad, ano naman sanang ginagawa niya dito diba? Hindi kaya panaginip nanaman ito? Posible.
At malaki ang chance na isa itong panaginip, ngunit kahit pa ganon ay napaka natural at parang hindi ako nananaginip, gaya lang noong una ko siyang nakita.
Baka isipin niya na nababaliw na ako kapag sinabi kong panaginip lang ito kaya naman ay kumaripas ako ng takbo sa banyo.
"Teka lang, ah." Nagmamadali kong pakiusap sa kanya, at siya naman itong nakabuka na ang bibig dahil hindi niya ako maintindihan.
Siguro ay iniisip niya ng weird ako.
Ngunit nang tumakbo ako sa banyo ay napansin kong hindi na masakit ang mga tuhod ko. At doon ko napag desisyonang paniwalaang isa lang itong panaginip. Kaya naman kahit alam kong panaginip lang ito ay may mga bagay akong gustong malaman sa kanya at nag ayos na nga ako.
Paglabas ko ay nakaupo pa rin siya sa higaan at inaantay akong makalabas, tanging likod niya lang ang nakikita ko.
"Kilala mo ba ako?" mahina kong tanong sa kanya habang papalapit ako sa higaan.
Nanatili itong nakatalikod na parang hindi ako narinig.
"Pano mo ako nakilala?" Tanong kong muli sa kanya ngunit hindi ito umiimik kaya naman ay naglakad pa ako ng onti para malapitan siya at nang hilain ko siya para makita ang mukha niya ay bigla nalang.
"AHHHHHHHHHH!"