Isang mukha na punong puno ng langaw ang tumambad sa aking mga mata.
Punong puno ng dugo ang mukha nito at nagtatamo ito ng mga malalaking sugat at nakikita ko rin ang mga lamang loob na hindi ko kayang pagmasdan ng matagal.
Hindi ito mukha ni Ethan. Isang taong hindi ko kilala ngunit saan nagpunta si Ethan at bakit suot ng taong ito ang damit ni Ethan.
At habang nangangatog ang mga paa ko ay bigla na lamang itong tumalon sa harap ko at lumabas ang samut saring insekto sa kanyang bunganga, mapa gagamba, ipis, langaw, lamok, at kung ano ano pa.
"AHHHHHHHHH!" Malakas kong sigaw at bigla na lamang~
"Sophie! Sophie! Sophie! Are you okay?"
Hindi ko kilala kung sino ang nasa harapan ko at basta ko nalamang niyakap ng mahigpit ito.
Gulat na gulat ako sa pangyayari at hindi ko na maimulat ang mga mata ko dahil sa takot.
Hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ang buong katawan ko sa mga nakita ko.
"It's okay." Sabi naman ng taong kayakap ko.
At nang makalma ako ng kaunti ay dahan dahan niya akong inalis sa pagyakap niya at iniharap sa kanya kahit pa nakapikit ako.
Ayaw ko kasing makita muli ang mukhang nakakatakot na kanina ko lang nakita. Baka mamaya ay ito nanaman ang makita ko. Hindi ko lubos isipin na panaginip lang yon dahil pakiramdam ko ay talagang nakita ko ang kaniyang duguang mukha sa personal.
"You can now open your eyes." Malumanay na sabi nito gamit ang kanyang matikas na boses.
Nakinig naman ako kaagad at dahan dahan kong binukas ang mga mata ko at unti unti kong nakita ang lalaking matikas at matipuno sa harap ko.
"Sir Earl?" nalilitong tanong ko.
Paano ba naman makakapunta si sir Earl dito sa loob ng clinic namin?
Napatingin ako sa pintuan at naka lock naman ito.
Lumingon din siya sa pintuan at mukhang na gets kaagad ang bumabagabag sa isipan ko.
"Ahh. I saw your workmate outside earlier and asked if you were okay. She said you needed rest, but I asked if I could see you so I won't worry." Paliwanag niya.
Mukha namang nagsasabi siya ng totoo at pinaniwalaan ko nalamang ang paliwanag nito. Ngunit kahit anong pag distract ko sa sarili ko ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nakakakilabot na pangyayari kanina.
"So are you okay?" Tanong nito habang kumuha ito ng tubig at inabot kaagad sa akin.
"Uhm, siguro po." Sumbat ko nalang dahil hindi ko rin naman gustong mag kwento sa kanya dahil hindi pa naman kami gaano ganon ka close para makapag share ako ng mga personal na karanasan o di kaya weird na panaginip na kanina ko lang naranasan.
"Did you have a bad dream?" Tanong muli nito na mukhang interesado sa kung anong kwento ang meron ako.
"Ah. Masamang panaginip lang po sir." Sumbat ko habang nag pupunas ako ng pawis.
"You know you can always drop the sir so we can talk informally, so you'll express yourself freely."
Hindi ko alam ang isasagot ko nang tumingin ito ng sincere sa akin habang nakaupo siya sa harapan ko.
"Uhm, nakakahiya po kasi... sir eh."
"Just try it, Sophie. You'll lose nothing, trust me."
"Sige, sir... I mean, sige Earl." Nahihiyang pag try ko nang pagkausap sa kanya ng walang sir.
Ngunit kahit nababalot na ako ng hiya ay natanggal ito dahil napangiti at napatawa ko ng bahagya si Earl.
"Now, would you mind sharing what your dreams were earlier?"
"It seems like your dreams were so bad that I even had to slap you in the face just to wake up." Dire diretsong sabi ni Earl.
Napatingin naman ako ng walang reaksyon sa kanya kaya ang akala niya siguro ay na offend ako sa ginawa niya.
"I'm sorry, that wasn't my intention. I just want to wake you up from your bad dream and~"
"It's okay. It's okay." Sabi ko na may kaunting ngiti dahil hindi niya naman na kailangan pang magpaliwanag.
"Well, it... was... a soft... slap... Wasn't it?" Napapapikit niyang tanong sa akin at napakamot pa nga ito ng kanyang ulo sa hiya.
At isa pa, mukha ngang sinampal niya ako, hindi mahina, dahil kung mahina lang ang pagsampal niya sa mukha ko ay mararamdaman ko pa rin ang mukha ko. Pero hindi ko na maramdaman ito, parang namanhid nga ito dahil sa sobrang lakas e.
Napahawak nalang ako sa pisngi ko at napa nganga para i stretch ang mukha ko.
"Look, I'm really sorry~" Pilit nitong pagmamakaawa na napalapit pa ang mga kamay nito sa mukha ko at mabuti na lamang ay pinigilan ko ito gamit ang pagharang ng mga kamay ko. At napabangon nalang ako mula sa higaan at naglakad papunta sa may sink para maghilamos.
Binuksan ko ang faucet, mabuti na lamang ay malamig ang tubig para mabadbaran ako.
"So are you going to tell me what happened, or I'll just go out and go home already?" Sabi nito at saka inabot ang towel.
Inabot ko naman ang towel para magpunas ng mukha at nagtungo sa may table para mag timpla ng kape.
"Gusto mo ba ng coffee?" Paiwas kong sumbat sa tanong niya kanina.
"Sure, I'd like to have that," naeexcite na sagot niya at umupo na nga sa aking harapan.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung paano ko sisimulan ang usapan namin dahil sa biglaang pagpapakilala nito at biglaang pagpunta nito sa clinic. Kaya naman ay naisip ko nalamang na kamustahin ang girlfriend niyang si Sophie Dizon.
"Si Sophie nga po pala." Tanong ko habang nag titimpla ng kape namin.
"Drop the po please." Sagot niya na parang na offend sa pagiging magalang ko.
"Ah, so kamusta pala siya? Magaling na ba yung paa niya? Naibigay na ba yung ice compress?"
"Woah. Woah. Woah. Isa isa lang." sabi nito. Mukhang nababasa niya ang iniisip ko. Marunong din siguro siyang magbasa ng tao dahil mukhang napapataas ang tono ko nang simula kong tanungin ang girlfriend niya at ganon na rin ang paghalo ko ng kape namin.
"Uhm, I think that's okay?"
"I'm not okay." Pataas na tono kong sabi.
"I mean the coffee. It looks like you've been stirring it for a little while now." Dahan dahan niyang sabi.
Nahimasmasan naman ako at nagulat sa reaksyon ko kaya naman ay binigay ko nalang ang kape niya at napaupo na rin ako sa harap niya.
"Are you okay now?" Tanong niya habang humihigop pa lang ako ng kape.
"Hmm." Sagot ko ng may alinlangan habang nakatitig sa malayo. Mukhang napasobra ang inis ko sa girlfriend niyang si Sophie at pati ang pag uusap namin ng maayos ay naapektuhan.
"You know, I'm sorry for her attitude earlier. I didn't think she would react that way." Pakiusap niya habang hawak ang magkabilaang gilid ng baso na hindi niya pa naiinom.
"Inumin mo na, lalamig na yan." kako naman.
At sumunod naman ito at humigop ng tinimpla ko para sa kanya.
Mga ilang minuto ring puro ang pag higop lang ng kape ang tanging tunog na naririnig naming dalawa. Hindi rin siya umiimik at mukhang paubos na ang mga kape namin ay wala pa rin talagang nag sasalita.
"Would you like to be my girlfriend?" Biglang tanong nito na siyang nagpa dura sa iniinom kong kape.