Nakapikit na mukha nalang ang tumambad sa akin pagkatapos kong madura.
Basa na pala ang mukha ni Earl ng kape. Tumutulo lang ang patak ng kape mula sa kanyang mukha papunta ng kanyang damit.
Nakakahiya!
Ano ba itong pinasok ko at puro na lamang aberya ang nangyayari sa akin maghapon. Wala ng nabago.
Hindi naman ako nakatapak ng dumi kanina pag pasok, isa pa, naligo rin naman ako bago ako pumasok no.
Ayoko namang maging masyadong maniwala sa mga pamahiin na yan, pero mukhang kahit hindi ko nalalabag ang mga ito ay patuloy pa rin ang pagdalas ng mga kamalasan sa buhay ko.
Kailangan ko na bang magpa albularyo, o di kaya naman ay paalisin ang mga espiritu na kasama ko, kung meron man? Sana naman ay wala.
Kasabay ng pag da day dream ko ay ang pagtawag muli ni Earl ng pangalan ko.
"Sophie." Mahinhin na tawag niya sa pangalan ko.
Nangangailan na nga ito ng pamunas.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko ng makita ko ang mukha niyang nakakatawa. Isang mukhang basang basa ng kape na galing pa sa bunganga ko.
Nagpipigil ako sa tawa dahil hindi ko akalain na magagawa ko ito sa taong hindi ko pa gaanong kakilala at ka close masyado.
Isa pa, mukhang isang mayaman at respetado ang nasa harapan ko tapos ay maduduraan ko lang nga kape? Sobrang nakakatawa yun para sa akin.
Kaya naman ay napayuko ako at nagsimulang pigilan ang nagpipigil kong tawa.
Ngunit nang hindi ko na mapigilan ay natawa na lamang ako ng malakas.
"HAHAHAHAHA!"
Halakhak ko sa kanya habang nakaturo pa ang daliri ko at humahampas naman ang isang kamay ko sa aking paa.
Ganito ako mag express nga tawa ko, kaya palaging kawawa ang katabi ko o di kaya namay ay bigla nalang silang nawawala sa mga nakakatawang pagkakataon dahil alam nilang masasaktan lang sila pag ako ang katabi nila.
"Uhm, do you mind handing me some tissue or towel?" Naiinis na pakiusap nito.
Ako naman itong hindi maka get over sa kanyang nakakatawang mukha kaya ay hindi ko na pinansin ang request niya at tuloy lang ako sa pagtawa sa sitwasyon.
"What's funny?" Lumakas na ang boses niya at tumaas na rin ang kanyang tono ng pagtatanong.
Tumigil naman na ako sa pagtawa at tinapatan ko rin ng seryosong pagtingin ang kanyang mga mata.
Hindi ko alam bakit naging masyado akong komportable sa kanya matapos niyang sabihing wag ko na siyang tawaging sir at tanging sa pangalan niya na lamang.
Ito siguro ang dahilan kung bakit mas naging komportable ako na ibaba ang boundary na normally ay meron ako sa ibang tao. Pero iba ang meron kami ni Earl ngayon, hindi boundary kundi parang isang malayang lupain kung saan pwede naming gawin kung ano ang gusto namin.
Kaya naman ng makapag titigan kami ng mga 30 seconcds na ay naputol ang seryosong atmosphere na namamagitan sa aming dalawa nang bigla itong napangiti at napakawalan din ang pinipigilang tawa.
"HAHAHAHAHAHA!"
Malakas na halakhak nito na siya namang nag udyok sa akin na tumawang muli.
Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahang ngayon ko lang napansin.
Mukhang gusto rin nitong makipagtawanan at mukhang malaya siya sa kanyang ginagawa.
"You really are a funny person," biglang singit nito habang nakangiti.
Makalipas ang ilang sandali ng tawanan ay muling bumalik ang oras ng seryosong pag uusap namin.
"So what do you think about my offer?" Tanong nito habang nag pupunas ng damit.
Hindi pa ako nakakasagot sa tanong niya ay agad agad itong tumayo sa harap ko at halatang kailangan niya ng magpalit ng damit dahil basang basa na rin ito, dahil nga sa kapeng hindi ko inaasang maidudura ko.
Bigla niyang inalis ang necktie niya at isa isang binuksan ang mga butones sa kanyang long sleeves.
"Why don't you think about it?" dagdag nito habang patuloy na hinuhubad ang kanyang suot.
Napapatingin naman ito sa akin na parang hinuhuli ang mga mata ko kung ako ba ay nakatingin sa kanya.
Hindi ko man gustong tumingin ay hindi ko rin mapigilan nang tuluyan niya nang hubarin ang kanyang damit at masilayan ko na nga ang mala body builder niyang katawan.
Putok na putok ang kanyang mga naglalakihang biceps at sumisipa naman ang kanyang naglalakihang chest. Parang mas matambok pa nga ito kaysa sa aking sariling monay kung tutuusin eh.
"Can you hand me more tissue?" Nakaabot ang kanyang mga kamay sa akin.
Ngunit hindi ko na ito narinig dahil mas naka focus akong pagmasdan ang malaki niyang katawan.
Manghang mangha ako sa laki at ganda ng hulma ng kanyang katawan, mukhang mahilig itong mag gym at baka ay nag bo-body builder pa nga ito.
Ngunit bigla na lamang gumalaw ang kamay ko ng kusa para kumuha ng tissue sa harap ko at kusa na itong lumapit para punasan ang abs ni Earl.
Bawat dampi ko ng aking kamay ay dama ko ang matitigas niyang abs, habang ang mga mata ko naman ay nakadikit na ang tingin dito.
Bigla nalang akong bumalik sa sarili nang biglang tumawa si Earl ng palihim at mahina.
"Ehem. I think I can do that on my own."
"But if you'd like, you can do it for me if you'll ask for it."
Parang pa poging sabi ni Earl at ako nga ay nagulantang nang tuluyan sa kahibangan na ginagawa ko ngayon.
Kaya naman ay napatayo nalang ako sa kinauupuan ko at binato ko sa kanya ng walang alinlangan ang tissue na ginamit ko at tumalikod at nagtungo kung saan saang parte ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko at pati ang mga nakaligpit na kutsara, tinidor, at injections ay nasa mga kamay ko na at inaayos ng isa isa.
"Are you okay?" Natatawang tanong nito sa akin, parang nang aasar pa nga.
"You can tell me if I'm making you uncomfortable, I'll get change first only if you'd hand me some nice clothes you have there."
"Meron dito." Sagot ko kahit na hindi ko pa naman alam kung meron pa ngang extrang damit dito sa drawer ng clinic.
Dali dali akong nagtungo at naghanap ng damit na pwede kong maipahiram sa kanya sa drawer at bumungad nga sa akin ang kulay pink na may picture ng isang aso.
Ito ang damit ni Jane, kasama ng kanyang pinaka mamahal na aso.
'Hmm. Akala mo pogi ka pa rin pag ito ang suot mo?' bulong ko sa sarili ko habang nakangiti at nag iisip na ng magiging itsura niya.
"What's taking you too long?" Pagmamadaling tanong nito kaya naman ay inabot ko na kaagad ang napaka cute na damit na gustong gusto kong maisuot niya para mailabas ko nang muli ang nagpipigil kong tawa.
"Ito, isuot mo ng walang reklamo. Yan lang meron dito sa drawer, kaya wag ka ng maarte."