Kabanata 24

1071 Words
Mukhang masunuring tao itong si Earl at pati ang katuwa tuwang request ko na suotin niya na lamang ng walang reklamo ang damit na binigay ko sa kanya ay talagang sinunod niya nga ito. Para siyang isang tuta na marunong sumunod ng commands na sinasabi ng amo niya. Well, hindi naman siya mukhang aso, dahil sa kagwapuhang angkin niyal. Siguro ay kung ihahambing siya sa uri ng aso ay isa siyang Golden Retriever, dahil napaka masunurin nito at halatang gustong makipag laro at biruan. Litaw na litaw din sa kanya ang kagwapuhang nadadala niya ng tama. "So, how was it?" at humarap siya sa akin na parang batang nag susukat ng damit kung ito ba ay maganda para sa kanya. "Maganda~" napipilitang compliment ko gamit ang mataas kong boses na may patango tango pa para mag mukhang totoo ang sinasabi ko. "But your face doesn't say so." Nakasimangot niyang sabi sa akin habang ang mga labi nito ay nakakunot na rin, parang gusto ko nang kurutin ang cheeks niya dahil sa ka cute-tan na ginagawa niya. Nang hindi mapigilan ng mga kamay ko ang pagka cute na itsura ni Earl ay dali dali itong napunta sa kanyang mga pisngi at napisil ko nga ito nang tuluyan. "HMMM." Panggigigil ko kasabay ng pag pisil ko sa mga pisngi niya. Nahatak magkabilaan ang mga pisngi nito at hindi ko na nga namalayang narito na pala ang mga kamay ko sa pisngi niya. 'Anong ginagawa mo Sophie?' mabilis kong realization habang nakahawak pa rin ang mga kamay ko sa kanyang pisngi at dahan dahan ko ngang inalis ang madiin kong pagkurot dito. Hanggang sa gumalaw nalang bigla ang bibig niya para magsalita. "You know you can do all these things if you become my girlfriend." Malabong pagsasalita nito dahil nakahawak pa ang mga kamay ko sa pisngi niya. Bigla ko nang inalis ang mga kamay ko sa pisngi niya at itinago ito sa aking likuran habang nakayuko na ako sa hiya. "Uhm, hindi ko napigilan, hehe. Bigla nalang..." "Ano yung kamay ko kasi medyo malikot, pasensya na..." Nahihiya kong excuse sa kanya at di na mapakali ang mga mata ko at kung saan saan nalang ako tumitingin, sa sahig, kisame, at iba't ibang lugar na ito nakakarating, wag ko lang masalubong ang mga mata niya dahil hiyang hiya na ako sa mga pinag gagawa ko. Bigla nanamang nag iba ang atmosphere dito sa loob ng clinic. Bakit nararamdaman ko nanaman ang awkwardness dito sa loob at parang gusto ko na lamang magpakain sa lupa. Mas lalo pa itong naging intense nang dahan dahang lumapit si Earl sa akin gamit ang malilit niyang hakbang sa harap ko. "I said, you can do..." dahan dahan niyang sabi habang papalapit na ito sa akin at nararamdaman kong nagiging mainit na ang sitwasyon at seryoso na ang usapan. Kaya naman sa bawat hakbang niya ay siya namang sagot ng mga paa ko patalikod. "... all you want with my body..." sinabayan pa ito ng mabilis na pag t***k ng puso ko na parang hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya dahil lalabas na ata ang puso ko sa dibdib ko sa sobrang kaba. "... if you will become my girlfriend" at napasandal na nga ako sa table at wala na akong aatrasan pa kaya naman ay napalingon ako sa table na siya namang muntikan ko nang ikatumba. Mabuti na lamang ay nakahawak ang mga kamay ko sa lamesa ngunit nang mahawakan ko ito ay bigla namang dumampi sa aking mga kamay ang malaki at malamig niyang mga kamay. Hindi na ako makagalaw dahil napaupo na ako sa table at nasa harapan ko naman si Earl. Napapalibutan niya na ako at parang nasa teritoryo niya na ako at wala ng kawala sa mga kamay niya. Napisil pa nga nito ang mga kamay ko ngunit banayad lang, yung saktong press lang ng kamay ko, hindi naman ako masyadong nasasaktan, mukhang alam nga nitong maging maingat pagdating sa mga babae. Napatingin ako sa aking harapan at dibdib niya na lamang ang nakikita ko. Bumabakat pa nga ang mga muscles nito. "Sophie." Nakakabilabot na bulong nito sa aking kanang tenga na siya namang nagpapikit ng mga mata ko. Ang bulong na iyon ay napaka manly. Talagang tumaas lahat ng balahibo ko. "So-phie." Muling ulit nito na siyang nagpainit ng pakiramdam ko sa loob. Para akong nasa isang karera na handa ng tumakbo kahit anong oras at isang signal na lang ay kakaripas na ako ng takbo. Ganitong ganito ang nararamdaman ko ngayon. "Kabog! Kabog!" Sigaw ng dibdib ko na parang sinusuntok na nga ako medyo sumisikip na rin ang dibdib ko at malapit na akong hindi makahinga ng maayos dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Napakainit pa ng kanyang hininga at dumadaloy ang echo nito sa aking mga tenga patungo sa lahat ng muscles ng aking katawan. Pagkasabi niya nito ay parang may mainit na humahagod sa aking katawan magmula sa aking tenga, papunta sa leeg kong nababali na patungong kaliwa, patungo sa aking dibdib na parang pinaglalaruan na ang mga ito. Mukhang nagising na rin ang mga natutulog na mga bundok dahil lang sa napaka makapangyarihan at mapang akit na bulong ni Earl. Hanggang sa makarating ito sa maselang parte ng katawan ko ay parang unti unti akong nakakaramdam ng pawis sa bawat sulok nito. Mukhang naaatat na dahil ngayon lang ulit ako kinilabutan ng ganito at nakarinig ng pang aakit na pati ang libog ko ay nabuhay dahil lamang sa bulong niya. Naramdaman ko naman ang paghinga nito galing sa kanyang ilong na nasa harap na ng aking mukha dahil ang bawat pag hinga nito ay tumatama na sa aking noo. Alam kong pinag mamasdan niya na ang reaksyon ko dahil nakapikit lang ako at hindi niya siguro masyadong masilayan ang mukha ko kaya naman ay kumakabog ang dibdib ko habang nakapikit ay naramdaman ko ang kamay niya na dumampi sa aking baba at dahan dahan itong iniangat at ipinaharap ito sa anggulong natitipuhan niya. Bakas pa rin sa mukha ko ang kahihiyan dahil sa hindi mapakaling pag kurap kurap ng aking mata. "Your eyes are so beautiful, why don't you show them to me?" Mahinahon niyang pakiusap at ewan ko kung paano niya ako napasunod ng ganito at dahan dahan ko ngang binuksan ang takip ng aking mga mata at nasilayan ko ngang muli ang napaka manly niyang aura. 'Sakupin mo na ako!' Sigaw ng isip ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD