Nakakakatunaw ang titig ni Earl.
'Gusto niya ba talagang gawin to dito? Like, ngayon na? Kahit na alam niyang meron yung girlfriend niyang si Sophie sa labas?'
Tumaas pa ang tensyon nang naglaro ang kanyang kamay patungo sa aking mukha.
Hinahaplos ang bawat sulok at bahagi nito at naamoy ko naman ang panglalaki niyang pabango.
Napaka bango nito na tila gusto kong kagatin ang bawat daliri niya, hindi ko mapigilan ang panggigigil dito.
At nang mapadaan ang kanyang daliri sa aking bibig ay huminto ito nang tuluyan.
Dumampi ang kanyang hinlalaki at hinaplos niya pababa hanggang tumalbog ang aking malambot na labi.
Kasabay nito ang hindi mapigil na pagtibok ng puso ko.
"They are so beautiful."
"All of your features." Sabi nito habang hinahawi ng isang kamay niya ang buhok ko.
"Can I kiss you?" tanong nito nang walang alinlangan at nahuli niya na nga ang aking mga matang nakatingin sa kanya.
"Bakit ako?" inosente kong tanong dahil alam kong mali ito at meron siyang girlfriend at kasama pa ito, nasa labas nga lang nag aantay ng ice pack na hiningi niya.
"You know nasa labas lang si Ma'am Sophie." dugtong ko pa ngunit hindi pa rin nito inaalis ang mga kamay niya sa mukha at buhok ko.
"You ask too many questions, don't you?"
"Why don't you just close your eyes and let me do the work. How's that?" Pilit niyang sagot at bumibigat na ang hagod niya sa likod ng ulo ko.
Nang hindi ako makasagot ay sinunggaban niya ang aking tenga kasama ng mabibigat niyang paghinga na siyang nagpakiliti sa akin at nagpatayo ng balahibo ko.
"I know you want me." Bulong nito nang may pang aakit.
"You'll lose the opportunity if you act this cold." Dagdag pa niya at saka siya humarap sa akin, inalis ang kanyang mga kamay at tumayo na ng tuwid.
Ngumisi lang siya at tumitig ng mga limang segundo sa akin ng walang imik at saka kinuha ang dati nitong damit na nabasa sa may higaan at saka muling lumapit sa akin.
"Call me if you have your decision. I'll be happy to welcome you warmly." Sabay abot niya ng kanyang business card na color black matte, mukhang mamahalin ang dating.
Pagkatapos nito ay tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin at saka dire-diretso nang binuksan ang pintuan at hindi na muling lumingon sa akin.
Parang napakarami at napakabilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nananaginip ako ng hindi maganda kasama si Ethan, ngayon dumating naman itong si Earl nang may pang aakit sa akin.
Pwede bang hinay hinay muna sa pagbibigay ng mga eksena sa buhay ko? Kung may nakikinig man diyan sa akin.
Tinitigan ko lang ang kanyang business card at saka nag decide na ilagay nalang muna ito sa drawer.
'Ano kayang iniisip ni Earl, cheating na rin ang ginagawa niya eh.'
Well, baka kagaya lang din siya ng mga gwapong mayayaman na kahit may mga girlfriend na ay nakukuha pa ring manglandi ng ibang babae, akala kasi nila makukuha nila at matitikman lahat.
Matapos nitong mahabang pag kontempla ko ng mga bagay bagay ay naisipin ko na ring lumabas at magtungo na ng dining para kamustahin ang sitwasyon.
Habang naglalakad ako sa hallway ay nasalubong ko si Jane, may hawak na ice compress.
"Ano kamusta yung customer?" tanong ko habang nag aayos ng damit.
"You mean si Sophie the suplada girl?" sabay ngiti nito sa akin.
"Oo siya." Napatawa kaming dalawa.
"Ayun, kalalabas lang nila ng boyfriend niya."
Hindi ko man pansin ay naramdaman ko ang biglang pagbabago ng facial expression ko kaya naman ay ito ang naging dahilan para pagdudahan ako ni Jane.
Tumahimik siya bigla at nag cross arms na nga ito, nagpapahiwatig na magsisimula na ang pagiging imbestigador niya.
Ako naman itong gustong kumawala mula sa mga tingin niya ay kunwaring may nakalimutan sa loob ng clinic at napalingon na nga ako sa likod.
"May naiwan pala ako sa loob!" Pasigaw kong sabi tsaka kumaripas ako ng takbo.
"Hoy Sophie! Di ka makakatakas sa'kin! Bumalik ka dito!" Pasigaw na habol sa akin ni Jane sa likod.
At nang lumingon ako sa kanya ay malapit na siya sa akin kaya naman ay binilisan ko pa ang pagtakbo at kita sa mukha ko ang pang aasar kay Jane at nakuha ko pa ngang dumila. Pero bigla nalang akong natumba.
May nabangga pala akong tao at napatumba at atras ako sa sobrang lakas.
"Ahh! Aray!" Nasasaktan kong sabi habang nakasalumpak ako sa sahig at hawak ang aking ulo kung saan ako nabunggo.
"Hindi kasi tumitingin sa daan e!" Sigaw ko at napatingin nga ako sa harap ko.
"You are the one na hindi kaya tumitingin sa daan no." Nang aasar na sumbat ni Mike at saka ito lumapit sa akin para itayo ako.
"Hay sa wakas nahuli din kita!" masayang sigaw sa akin ni Jane at nakahawak pa nga ito sa damit ko na para akong isang kriminal na nahuli sa di ko alam na kaso.
"HAHAHAHAHA" tawa naming dalawa habang hinihingal pa siya at ako naman itong iniinda ang sakit.
"Oh. Somethings going on you two, ano yon?"
"Share niyo naman oh." Nagmamakaawang sabi ni Mike.
Nagkatinginan kami ni Sophie at bigla nanamang bumuhos ang kasiyahan sa amin at napahalakhak nga kaming dalawa. Nadamay na rin si Mike sa pagtawa na alam namin ay peke lang.
"Sorry girls time." Sabi ni Jane habang hila hila ako at nag paalam na kay Mike, wala naman akong magawa, para talaga akong hayop sa ginagawa ni Jane sa akin. Lagi nalang akong kawawa sa kanya pagdating sa pisikalan.
Mukhang pasmado itong si Jane at hindi mapirmi ang kanyang kamay sa pananakit sa akin.
Mabuti na lamang ay nasasabayan ko ito, dahil kung ibang tao siguro ay hindi na sila nakatiis at nagsimula ang world war 3 dito sa restaurant na ito.
Wala naman akong ibang nasabi kay Mike kung hindi ang mag wave ng ba-bye sa kanya. Naiwan naman itong tulala at hindi alam ang magiging reaksyon.
At pagdating naman namin sa tapat ng clinic ay bigla nalang akong inihagis ni Jane habang nakatingin kay Mike ng masama, mukha siyang kriminal sa ginagawa niya na siyang nagbigay ng takot kay James.
Matapos nito ay dali dali namang sinara ni Jane ang pintuan at saka ni lock.
"Anong nangyari sa inyo nung sir na 'yun ha?"
"Sumagot ka, Sophie! Sumagot ka!" Curios na tanong ni Jane habang papalapit ito.
"Uhm ano, wala lang nagpunta lang siya dito para i check kung okay ako tapos ayun lumabas na rin agad." Pasinungaling kong sagot at hindi ako makatingin sa mga mata niya.
At nang magawi ulit ang mga mata ko sa kanya ay nakataas na ang kilay nito at alam kong may mangyayaring masama sa akin kung hindi ko ito sasabihin sa kanya.
"Oo na ito na sasabihin na, hindi ka naman mabiro oh." Paglalambing ko sa kanya habang pinaupo ko muna siya sa higaan.
"Feel ko may gusto sa akin si Earl."
"Ay talagang wala ng 'sir' ah."
"I mean, si sir Earl, feeling ko may gusto sa akin."
"Like pano? Hinalikan ka ba niya?"
"Muntik na, pero umiwas ako."
"Yung totoo?"
"Totoo nga. Alam ko namang may girlfriend yung tao at tsaka nabigla lang ako sa aura ni sir kaya nadala na rin ako."
"Hindi ko nga alam kung may feelings ba ako sa kanya, siguro konting crush lang?"
"Crush lang ba talaga Sophie?"
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Jane. Napaisip pa nga ako.
'Crush nga lang ba talaga?' May kakaiba kasi kay Earl na bigla nalang nagpaakit sa akin.
Ewan ko, may mga ganito sigurong tao na kayang magpatibok ng puso mo kahit sa unang pagkikita niyo palang no?
Siguro ganito nga ang meron ako sa kanya ngayon. Malay natin diba? Hindi lang pala ito ang nararamdaman ko sa kanya.
When the time comes, dun nalang siguro natin malalaman.
May mga tao kasing akala natin sila na kahit unang pagkikita palang natin.
May mga tao rin namang matagal matagpuan bago talagang magkatuluyan habang buhay.
Pero hindi lang panahon ang nagsasabi o nag dedesisyon kung sino ang makakatuluyan natin, tayo rin.