Pagkatapos ng isang mahabang araw ay ramdam ko na ang pagod. Sa bawat galaw ko ay nagpapahiwatig na ang mga paa ko sa pag nginig, kasabay pa nito ang bawat tagak ng pawis na tumutulo sa buong parte ng aking katawan.
Isang napakahabang araw ang araw na ito dahil na rin sa sobrang daming nangyari sa akin.
Matapos ang shift ko ay nagpaalam na ako kila Jane at Mike na kanina pa nakaayos at nakahanda sa locker room.
'Mukhang may pinaplano ang dalawang ito ah.'
"Ano sophie, how's your feet?" Concerned na tanong ni Mike habang pinapaikot ikot ang susi ng kanyang kotse.
"Kita mong nakakapaglakad na ng maayos yung tao e tatanungin mo pa." Pabirong sumbat ni Jane na naka cross pa ang mga kamay.
"Okay naman na, kinailangan ko lang mag pahinga kanina." Sagot ko nalang para hindi na sila mag away pa sa napaka simpleng tanong.
Dito rin kasi tumatagal ang araw ko, sa dalawang 'to na parang aso't pusa kung mag away pero parang mag kasintahan naman pag nagkabati.
"Are you sure?" muling tanong ni Mike at kita naman sa kanyang mukha ang pag aalala at nagawa pa nga nitong lumuhod sa harap ko para tignan ang kondisyon ng mga ito pero ay hinatak ko naman siya kaagad para makaiwas kami sa kung anong chismis ang magagawa ng mga ka officemates namin.
"OKAY LANG AKO MIKE!" Nanggigigil kong sabi sa kanya at dali dali naman akong tinulungan ni Jane at hinatak niya nga ang tenga niya palayo sa akin.
"Ouch! Ouch! Ouch!" Pagmamakaawa nito habang pansin ang kanyang iniindang sakit galing kay Jane.
"Alam mo imbes na sa mga paa ka ni Sophie concerned, bakit hindi ka nalang maghanap ng mapupuntahan natin ngayong gabi huh?" sigaw sa kanya ni Jane.
"Are you sure?" Natutuwang sumbat ni Mike at nakawala na nga siya sa kamay ni Jane at napatingin siya sa akin gamit ang nag niningning niyang mga mata.
Pag ganito ang itsura ni Mike at para siyang isang pusa na ang ganda haplusin ng ulo at pag masdan na nag eenjoy.
"Are you coming too, Sophie?" dagdag niyang tanong sa akin.
Napaisip ako ng sandali at nagkasalubungan na nga ang mata namin ni Jane, nakangiti ang mga labi nito ngunit kabaligtaran ang ipinapahiwatig ng kanyang mga mata.
Mukhang dehado nanaman ako sa sitwasyon na ito dahil nagbibigay nanaman si Jane ng mga ganitong pag tingin at alam kong wala akong laban sa kanya.
Napakamot ako ng ulo para makapag palusot at mag isip ng pwede kong irason sa kanila.
Gusto ko na rin kasing umuwi at mag pahinga dahil sa pagod. Hindi naman sa ayaw ko silang kasama ngayong gabi pero alam ko kasi kung kaya ng katawan kong gumala at makipag jamming sa mga tao eh, at alam ko rin kung kailangan ko na talagang magpahinga at matulog nalang.
Pero dahil sa pagbabantang tingin na nagmumula kay Jane at sa nagmamakaawang mukha galing kay Mike, ay napapayag nila akong sumama sa kanila.
"Su-sure."! Napipilitang sabi ko ngunit hindi ko ito pinahalata para hindi naman sila magduda kung gusto ko ba talagang gumala.
"YES! YUHUUU!" Sigaw ni Mike sa locker room habang nag nandun pa ang iba naming ka trabaho.
Lumingon lang sila sa amin at binigyan ng malamig na pagtingin.
"Uhm, tara! Let's go na sa car. Hehe." Awkward na banggit ni Mike.
At nagkatinginan nga kami ni Jane para tumawa at sumunod sa kanya palabas.
~~~~~~~~~~~
INSIDE MIKE'S CAR
"I'm sorry if I couldn't control my feelings for you."
"I never thought I would do it. I really didn't want it to happen. I mean. I want it to happen. No. That's not what I meant."
"Anong iniisip mo? How could you do this to me, Mike?"
"Did you really intend for it to happen just to make me feel confused? Para lang iparamdam sa akin kung gaano ka kasama, katoper? Is this what you want me to feel, huh Mike?"
"That's not what I said. I didn't do it intentionally. Look, Jane please listen to me carefully. I'm really sorry."
~~~~~~~~~~
FLASHBACK INSIDE MIKE'S CAR (Before jamming at the bar)
Pag pasok namin ng kotse ay nagulat nalang ako nang biglang sa harap na nakaupo si Jane.
Tatawagin ko pa sana siya sa likuran para makapag kwento pa ako ng kung ano anong nasa isip ko ay nabigla nalang ako sa atmosphere na meron ang dalawang ito.
Ayaw ko namang mag conclude at gumawa ng sarili kong story kaya ay hinaayan ko nalang at hindi na ako nag isip pa ng malalim kung anong meron sa kanila.
At tsaka wala naman akong karapatan kung ano man ang namamagitan kila Mike at Jane eh, kung meron.
"So san tayo?" tanong ni Mike at bigla namang sumagot si Jane.
"Tara dun sa pinuntahan natin last friday."
Tumingin bigla si Mike sa akin na parang hindi alam kung anong gagawin at pati siya ay nagulat nalang sa naging response ni Jane.
"Ahh, you mean dun sa place where the THREE of us went last month? Right? Ano Jane?" Nahahalatang takot at parang may itinatagong pasagot ni Mike na napapatingin pa sa mga mata ni Jane, animo'y nag sesenyasan ang dalawa sa harap ko.
"Ahh, tama dun nga. HEHEHEHEHE." Napipilitang sagot ni Jane na natatakpan na nga pekeng ngiti ang mga mata nito at sinadya pa nga niyang iharap ito sa akin.
Akala siguro nila ay hindi ako marunong manghuli ng mga taong nag sisinungaling. Expert na yata ito pagdating sa mga ganyan.
Hindi ako madaling mauto kahit na madali lang akong pakisamahan. Lalo na pagdating sa mga ganitong bagay, hindi talaga ako papahuli, lalo na at si Jane pa ang involved.
Pero ayaw ko ring ipakita ang medyo nag tatampong itsura ko sa kanila, lalo na kay Jane kasi isa rin ang mga ganitong bagay na ikinasasama ng loob ko. Kapag hindi ako natatawag sa mga galaan, pero ayaw ko namang umalis ng bahay minsan, I mean madalas.
Ang gusto ko lang talaga ay yung ma feel na ma invite ako at alam ko ang mga lakad ng mga kaibigan ko, pero at the end of the day, almost all lakad, hindi talaga ako nakaka attend. I mean, hindi talaga ako umaattend.
Dahil na rin siguro ayaw kong makasalamuha ang mga iba kong kaibigan sa labas.
"Let's go." Sabi ko nalang na tinatakpan ang mga simpleng tampo sa aking dibdib habang nakaharap sa kanila ang masaya at masigasik kong pagmumukha.
Ngunit ayokong mag tanim ng sama ng loob kaya naman ay inisip ko nalang na may mga times talaga na gusto ng ibang tao na sila sila lang, at kung itong dalawa lang din naman ang mag kaka developan ay bakit ko hahadlangan. Yun ay kung merong pagkakataon, ngunit base sa mga tingin at mga pang araw araw na asaran ni Jane at Mike ay hindi talaga papasok sa isip ko na mag kakaroon sa kanila ng something.