Kabanata 9

1313 Words
'Ito na ba yun?' 'Wala na ba siyang sasabihin o wala man lang kaming pwedeng pag usapan?' tanong ko sa isip-isip ko. Natigil lamang ang mga tanong kong ito nang bigla niyang nasabing: "Do you know what? You really look familiar to me." napatagilid ang ulo nito sa kaliwa at animo'y inaalala ako sa kanyang memory. "Have we seen each other before?" dugtong pa niya. Nagulantang lalo ako sa mga tanong niya dahil hindi ko pwedeng sabihin na pati siya ay familiar sa akin. Dahil nasa panaginip ko na siya noon at nagkataon pa na may nangyari sa panaginip ko na kasama siya. "I don't think so sir." nahihiyang sagot ko. "You can just call me by my name, you already know my name, right?" Tumango nalang ako. Nang wala na kaming mapag usapan ay bigla niyang inilabas ang kaniyang cellphone at may tinawagan sandali. Agad agad namang dumating ang isang service crew na may dalang ice bucket at dalawang bote ng wine. Tumayo si Ethan at iniabot ang ice bucket sa akin habang naka lean-forward siya sa akin. "Let's have a walk by the beach," sabi nito at kinuha na ang dalawang bote ng wine na akala naman ay mapapasama ako dahil hindi na rin talaga ito lumingon sa akin. Pero ano bang mawawala kung sasama ako at maglalakad lang naman kami. Isa pa, gusto ko rin munang maglakad lakad sa tabi ng alon para mahimasmasan ako sa mga bumabagabag sa isip ko. Walang alin langan ko namang kinuha ang ice bucket at sumunod sa kanya. Nasa harapan ko siya at habang naglalakad kami ay parang hindi ibang tao ang nasa harapan ko. Parang isang matagal ko nang kakilala na pakiramdam ko komportable akong kasa kasama. Maya maya pa ay tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa aming kanan, napatingin din ako at natatanaw namin ang alon ng dagat kasabay ng pag ihip ng hangin at ang perfect na liwanag ng buwan na tumatama sa bawat mukha ng tubig. Hindi ito maikukumpara sa mga magagandang tanawin na napuntahan ko, dahil mangilan ngilan palang din naman ang mga lugar na napuntahan ko. Naglakad siya papunta malapit sa alon ng dagat at naupo. Habang ako ay nakatayo lang at tinititigan siya. Hindi ko akalain na wala siyang kaarte arte sa katawan. Alam kong bibihira ang mga ganitong mayayaman, dahil marami na rin akong nakasalamuha na mayayaman na ayaw marumihan pati ang konting parte ng damit o hibla ng buhok ng mga ito. Lumingon siya sa akin at sinabing "Come here, sit with me." Dali dali naman akong naglakad patungo sa kinauupuan niya at tumabi sa bandang kanan niya. Medyo malakas na ang hangin kasi nasa tabi na kami ng dagat at malalim na rin ang gabi kaya naman nakakaramdam na ako ng ginaw sa katawan. Mabuti na lamang ay mabilis makiramdam si Ethan at napansin na kanina ko pa hawak ang mga braso ko sa lamig. Tinanggal niya ang coat niya at lumapit siya ng bahagya sa akin. Itinaas niya ang kanyang mga kamay para ipatong sa aking mga braso ang kanyang coat. Nakakahiya mang sabihin pero nakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam na ginawa niya ito. Mukha ring maalagang tao si Ethan. Kaya naman ay napasabi nalang ako ng "Thank- you." Napatingin siya sa dala kong ice bucket at kinuha na ito. "May I?" tanong nito. "Sure, go ahead," sumbat ko naman. Inilabas niya ang dalawang baso galing sa ice bucket at nilagyan na ang mga ito ng ice. Saka niya binuksan ang isang wine, habang yung isa naman ay naka pwesto lang sa tabi niya. Mukang kulang sa kanya ang iisang wine. Nang malagyan niya ang parehong paso ng wine ay inaabot niya sa akin ang isang baso at agad ko naman itong inabot. Nakangiti niyang bati sakin "Let's toast to our newly buildup friendship. May we start to get close after this." ika nito habang nakataas ang kaniyang baso nag aabang ng ka toast. Napalaki ang mga mata ko sa narinig ko dahil gusto ng tao na ito na makipag close sa akin at hindi ko talaga iyon inaasahan. Ngumiti nalang ako at nakipag toast ng malakas. "CHEERS!" sigaw ko, at sabay naming ininom ang wine. Matamis at masarap ang wine na ito. Dahil sanay na rin naman na ako sa mga inuman, masasabi kong masarap at kakaiba ang wine na ito. "How long have you been painting?" biglang tanong niya. "Uhm, I've been painting since I was young, like 6-7 years old." nagulat siya sa sagot ko na tila namangha sa sinabi ko. "Wah! That's been so long, you're really a great artist aren't you?" "Hindi naman" sa sobrang komportable ko na ay nakalimutan kong nakapag salita pala ako ng tagalog. Napatingin tuloy siya na mukhang litong lito sa sinabi ko. "I mean, I'm not really good at painting, I just, probably started painting young." "Hmm. So maybe if I had just painted at an earlier age, then maybe I would be as great as you are!" pabirong masayang sagot nito. "So did you had any interest in painting when you were young?" Napatingin siya sa akin ng malalim ng ilang segundo at tumingin muli sa mga hampas ng alon. "I did,' sabi niya sabay hinga ng malalim. Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ko gaya ng kanina. Tila napalitan na ang pinta sa kanyang mukha na dati ay punong puno ng saya, ngayon ay parang itim na alaala na lang ang pumapalibot dito. Napayuko ito at akala ko ay umiiyak na ito ngunit huminga lang siya ng malalim at bumalik sa maayos na pagkakaupo sabay kinuha ang bote ng wine at nilaklak agad ito. Nagulantang naman ako sa mga pangyayari at agad agad kong pinigilan si Ethan. "Hey, hey, hey! Ethan, stop it. Take it easy okay? Just slow down a bit." concerned kong sabi sa kanya habang pinipigilan ko ang pag inom niya ng wine. At saka na nga ito nag umpisang mag seryoso. Tumingin siya sa mga mata ko na parang nangangailangan ng isang taong makikinig ng mga hinaing niya sa buhay. Nang aakit ang mga mata ni Ethan na parang gusto akong kunin at gusto akong ikulong sa tabi nito upang pakinggan ang kinikimkim na lungkot ng puso niya. "I had an interest in painting as well, but not as early as you had, probably." "It was my Dad who wanted me to try painting. I really don't have any interest in it.' Medyo nagiging emosyonal na ang bawat pag banggit niya ng kaniyang mga salita at pansin kong mahirap sa kanyang ibahagi ito sa iba kaya naman ay tahimik lang ako at taimtim na nakikinig sa kwento niya. "It was the only way for my Dad and Mom to become one and happy family again." "I really did my best back then to keep my family close and not be ruined by mistress." "It was Dad who cheated first, he hid it from Mom, but when she found out, that's when all the tragedies of my life started." nagsimula nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Dad started beating me when Mom flee from home and had another family in the Philippines" "He beats me when I don't get the first place in class." "He beats me when I lose a painting contest." "He beats me when I'm doing nothing." Humagulgol siya sa iyak at napatingin siya sa akin sabay hindi naman na napigilan ng puso ko na yakapin siya. Bigla ko siyang nayakap at mahigpit nga ang binalik nitong yakap sa akin habang patuloy pa rin ang pag hagulgol nito. Ako naman ay patuloy ang pag tahan ko sa pag iyak niya at kusa lang na gumagalaw ang kamay ko para tapikin ang likod niya. Hindi ko man alam kung gaano kasakit ang naramdaman niya noon pero ramdam ko na kailangan niya ng makikinig at magpapakalma sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD