Kabanata 8

1306 Words
Nang makalabas ako ng main building ay hinayaan nalamang ako nila Ruby na magpatuloy sa paglalakad. "Diretso lang Ma'am," banggit nito habang nakaturo sa may 'di kalayuan na lugar kung saan natatanaw ko na ang mga palamuti na lamesa at mga upuan. Ngunit 'di ko masilayan ang lalaking nag invite sa akin dito. Kaya naman ay nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Dama ko ang lamig ng hangin dahil gabi na rin at nasa beach kami. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa beach, nararamdaman ko ang peace of mind na matagal ko na ring hinahanap. Nang malapit na ako ay nakita kong nakatalikod ang lalaki na may kausap sa kanyang cellphone. "I told you, we're done!" pasigaw nitong sumbat sa kanyang kausap sabay baba ng cellphone. Nang tumalikod ito ay nakita niya ang mga mata ko, napa ubo at napailing ang mga mata ko sa pinakamalayong mararating ng mga ito dahil sa hiya. "Oh, there you are. Come here." Lumapit siya at inalalayan ako papunta sa upuan. Umupo na rin kaming dalawa. Halata sa kanya na mukha siyang gentleman, o di kaya naman ay marunong lang maging magalang sa mga babaeng nakikilala niya. "Are you okay now?" dugtong nito. Napaisip naman ako agad, ang tinutukoy pala nito ay ang kaganapan kaninang nawalan ako ng malay. Napapunas ako ng mukha at tila tumulo na rin ang pawis sa mukha ko sa hiya. "Uhm, yeah. Thanks for asking." sagot ko sa kanya nang hindi tumitingin sa kanyang mga nakakaantig na mga mata. "You already know my name, right?" "Ethan. Right?" "Ethan Kim" dagdag nito. Inalok niya ang kanyang kanang kamay para makipag shake hands at napatingin naman ako agad dito. Hindi ko alam kung makikipag shake hands ba ako sa kanya dahil sa sobrang kaba, namamawis na rin kasi ang mga kamay ko. Nakakahiyang makipag shake hands pag ganito. Kaya naman ay palihim ko munang pinunasan ang kamay ko sa damit ko at nakipag kamay sa kanya. "Nice to meet you," sabi niya. "You too." pilit na sabi ko na may pilit ding ngiti. Sana ay 'di niya naman nahalata na pilit lang ang mga ito. Maya maya pa ay dumating na rin ang mga pagkain. Isa isang dumating ang mga service crew dala dala ang mga nakahandang pagkain. May mga takip pa ang mga ito na animo'y special talaga ang mga lutong ito. Nang maiserve na ang mga ito ay sabay sabay nila itong binuksan at namangha ako sa kagandahan ng plating ng mga ito. Dahil sa napakagandang plating ay napatakam ako bigla, hindi na maitago ang kagutuman sa mukha ko. Pero naisip ko ulit na dapat maging kalmado lang ako sa paningin ni Ethan. "This is our Main dish for tonight called Boeuf Bourguignon. This dish was named after the famed red wine from the Burgundy region of France; this dish combines a nice, fatty cut of beef with a dry pinot noir and plenty of fresh vegetables to create a hearty and indulgent stew." banggit ng Chef in French tone. Napaka sosyal ng pagkakaluto at pagkakahain. Parang nahihiya akong sirain ang kagandahan nito. Mukha namang interesado si Ethan at napaka natural lang ng reaksyon niya, tila sanay na sa ganitong style ng dinner. Maya maya pay binanggit itinuro naman nito ang iba pang pagkain at di ko na rin alam at matandaan ang bawat pangalan ng mga ito. Nang mapansin ni Ethan na hindi ko na mapigilan ang gutom ko ay ki-nut niya sa pagsasalita ang Chef. "Okay! This is such a wonderful presentation of food. We'll surely enjoy this food of yours, Chef. Thank you very much for your time and effort cooking all these dishes." Biglang sabi nito na gusto na ring patigilin ang pagka haba habang memorized na linya ng Chef. "Okay sir. Enjoy your food, Ma'am, Sir." Nakangiti pa ring sabi nito at inaya na rin ang kanyang mga service crew at tuluyan na nga silang umalis sa harapan namin. Napahinga naman si Ethan ng malalim at sinabing. "So, let's start eating. I know you've been waiting for so long staring at these dishes." Sabi nito ng may pag aalala. "No, no, no. I'm not that hungry." Pilit ko namang tanggi kahit na halata na sa mga mata ko at tumunog nga ng malakas ang tiyan ko na nag deny sa lahat ng sinabi ko. Napatawa na lamang ng malakas si Ethan. "HAHAHA! You definitely are hungry!" pabirong sabi at sabay patuloy parin ito sa kanyang pagtawa. Nang makalma ito ay naglagay na ito ng towel sa kanyang harapan. At dahil wala akong experience sa mga ganitong bagay ay nagkunwari akong alam ko habang tinititigan kung paano niya ito ginawa. Inumpisan ko agad agad na gayahin ito habang hindi pa ito nakatingin sa akin ngunit habang kinukuha ko palang kung paano ito gawin ng tama at kaaya aya ay tapos na ito sa paglagay ng towel sa kanyan dibdib. Napatigil ako sa hiya at inalis nalang ang towel na hindi ko pa natatapos ilagay. Nagulat naman ako bigla nang bigla itong tumayo at akala ko galit dahil sa ginawa ko nang bigla niyang kinuha ang towel sa kamay ko at kusa niyang nilagay ito sa aking dibdib. Napailing ako ng tingin dahil malapit ang mukha nito sa mukha ko at nararamdaman ko ang bawat pag hinga nito. Bawat galaw ng kamay ni Ethan ay katumbas ng isang bombang natatapakan ng isang na trap sa isang mine field. Ganon na ganon ang nararamdaman ko, bawat pagdikit ng mga kamay nito sa parte ng katawan ko ay sumasabog din sa kaba ang puso ko. Alam na alam niya kung paano magpatibok ng puso ng isang tao. Nang matapos ito ay napatingin ito sa mga mata ko at nagkasalubong nga ng matagal ang mga mata namin. "You have beautiful eyes." sabi niya sabay alis at umupo na sa dati niyang upuan. Napatingin nanaman ako sa malayong lugar at napa ubo ng onti, buti nalang ay may orange juice sa aking harapan at yun nga ang nagpaalis ng kati ng lalamunan ko. "Let's eat." Banggit nito. Nagsimula na nga kaming kumain at dahan dahan kong ninamnam ang mga putahe na nakaserve sa aming harapan. Ngayon lang ako naka experience ng ganitong mamahalin na pagkain at sa beach pa mismo. Masasabi kong memorable rin talaga ang araw na ito kahit pa marami ang tumatakbo sa isip ko. Habang nasa kalagitnaan kami ay napatingin ako kay Ethan, at mukang gutom na rin ito at ineenjoy lang din ang pagkain. Medyo matagal ding walang imik sa pagitan naming dalawa ngunit puro lamang "Hmm" at "Waah" ang sagutan ng aming bibig, senyales ng aming pag agree sa sarap ng pagkain. Nang tumagal tagal pa ay hindi ko akalain na hindi talaga magsasalita si Ethan. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero ito rin ang pinaka unang experience ko sa isang date na walang usap. Na hindi nag uusap ang dalawang tao at puro kain lang. Kung sa tutuusin, ang sinabi lang naman nila Ruby kanina ay Dinner lang daw, so dapat ba hindi na ako nag expect ng usap? Wala ba sa rules niya ang pag uusap habang kumakain? O sadyang gutom lang siya at gusto lang na kumain ng taong ito. Medyo weird pero parang medyo nagustuhan ko rin ang intensyon niya ngayong gabi. Na wala dapat akong asahan kundi kung ano lang ang sinabi ng isang tao. Natapos ang dinner namin ng hindi talaga kami nag uusap. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa experience na ito o dapat ko bang ipag pasalamat na nakatikim ng mamahalin at masarap na dinner, either way, panalo pa rin ako kaya wala namang nasayang sa ginawa ko. "Uhm, thanks for tonight," sabi ko sa kanya, kahit ako pa rin ang nakarami sa aming dalawa. "My pleasure," sabi naman ng nakangiti na kala mo'y nanalo ng lotto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD