Iminulat ko nang bahagya ang mga mata ko at nasilayan ang mukha ni Mike na nakatitig sa akin.
"Sophie."
"Sophie, can you hear me?"
Napabangon ako bigla kahit hindi pa bumabalik ang kaluluwa ko. Inalalayan naman ako sa pagbangon ni Mike.
Inusisa ko ang paligid at ang tanging nakikita ko lamang ay ang kamang hinihigaan ko at ang tanawin sa labas, ang beach at ang mga puno.
"Nasan ako?" tanong ko nang biglaan kay Mike habang dinadamdam ko pa ang sakit ng ulo ko.
"Dinala muna kita sa room mo, you passed out earlier eh. 'Di mo ba naaalala?" sagot ni Mike habang nakaupo sa aking higaan.
Binalikan ko ang nangyari kanina at ang alam ko ay si Ethan ang nasa harapan ko na umalalay sa'kin nang mahimatay na ako.
"Pano ka nga pala napunta dito?" mausisang tanong ko kay Mike.
"Eh wala ka naman kanina sa wedding." dagdag ko pa.
"Na late kasi ako kanina, I had important things to do first kaya I got stucked on my way here." Pagkatayo ni Mike ay biglang may kumatok sa kwarto.
"Come in," ika ni Mike.
Pumasok ang isang maganda at dalagang staff ng hotel para magbigay ng gamot sa akin.
"Gamot niyo po Ma'am," naka ngiting sabi nito sabay abot sa akin ng gamot at tubig.
Wala na akong nagawa at inabot ko na agad ang gamot dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako.
"Ma'am, siya nga po pala." singit nito.
Napatingin ako at napahawak sa baso. Hindi alam ng staff kung sasabihin niya ba ito dahil napapansin ko na hindi ito makapag salita at tingin ito ng tingin kay Mike, mukhang ayaw niya itong ipaaalam sa kanya. Binigyan naman ng nakakatakot na tingin ni Mike ang staff kaya pumagitna na ako at sinabing-
"Go ahead."
Nagdadalawang isip parin ang babae dahil tagatak na sa pawis ang mukha niya.
"Ma'am bawal po kasing malaman ng iba eh, pagagalitan po ako." takot na takot na sabi nito.
Wala akong nagawa at sinenyasan na si Mike na lumabas muna. Wala rin siyang nagawa at naglakad na papalabas ng kwarto.
Lumapit ang staff sa akin at binigay ang isang business card.
Number lang ang nakalagay dito wala ng iba.
Tumingin naman ako sa kanya para humingi ng paliwanag.
"Ah, may nag-iinvite po sa inyo mamayang 12 midnight. Magbihis daw po kayo."
"Huh?" nanlaki agad ang mga mata ko sa gulat.
Hindi ko pa na pa-process sa isip ko ang sinabi ng staff ay nagtungo ito sa pintuan at pinapasok ang dalawa pang staff na may dalang mga damit.
"Teka, teka, teka." napatayo ako sa kama at nakapreno na ang mga kamay ko sa kanila.
"Wait, wait, wait lang," pakiusap ko sa kanila habang palakad lakad lang ako nang paulit ulit.
"Ma'am, Ma'am?" hinawakan ako ng staff na kausap ko kanina at napatingin ako sa nameplate niya, Ruby.
"Ruby, pwedeng paki explain ang nangyayari?" nakakunot na ang noo ko sa kanya.
"Okay, Ma'am. Relax. Okay?" sabi nito at tinuruan pa akong mag inhale at exhale. Kahit na alam ko namang huminga ng normal.
"May VIP po na naghihintay sa inyo at gusto niya pong makasama kayong mag dinner."
Napatingin ako sa oras ay saktong 10 o'clock na ng gabi at hindi pa nga ako nag gagabihan. Hindi rin ako makapag isip ng maayos dahil sino ba naman ako para ma invite ng isang VIP at makaharap sa hapag.
Tumalikod ako kay Ruby at nag isip ng malalim.
'Hindi ko naman kilala kung sinong VIP ang tinutukoy niya, mamaya sindikato pala ang mga 'to at gusto lang kunin ang lamang loob ko?'
'O 'di kaya baka holdapin lang ako at molestyahin!'
Ito ang mga pumapasok sa isip ko, malay ko ba, pagdating sa mga ganitong bagay ay madali akong makapag isip ng puwedeng mangyari, pero mostly negative kaya naman ay hindi ako nakakapag decide agad. Pero nagsalita si Ruby.
"Ma'am, I know kinakabahan po kayo, pero let me make you feel better. We know the VIP who would like to have dinner with you. At maaasahan niyo po ang name ko." Nakita ko sa mga mata ni Ruby ang sincerity niya at the same time ay ang takot niya na hindi ako makumbinsi.
"Please Ma'am?" isa pang pilit nito.
Alam ko namang 'pag hindi ako pumayag ay siya ang malilintikan, kaya naman ay tumingin ako sa mga mata niya at sinabing -
"Dinner lang ha, sure yan?" Tumingin si Ruby sa mga kasama niya nang nakangiti at parang nakasungkit ng gintong bunga.
"Yes Ma'am!"
Napangiti din ang mata ko dahil nakakahawa ang kasiyahan nila. Kaya naman ay wala pang ilang minuto ay nag simula na si Ruby sa pag instruct sa mga iba pang staff. Dalawang palakpak niya lang ay agad ng kumilos agad ang dalawang kasamahan nito. Hinila nila ako sa harap ng salamin at saka isinukat sa harap ko ang mga dala nilang damit.
"Dahan dahan lang naman po ano," napipilitang sabi ko at parang hindi ako narinig ng mga ito at tuloy parin sila sa pag pili ng bagay na damit sa akin.
"Next. Next. Next. Next. Next." ito lang ang paulit ulit kong naririnig na sinasabi ni Ruby sa tuwing hindi niya nagugustuhan ang mga isinusukat sa akin. At nang hindi ko na matiis ang napakatagal at nakakairitang mga galaw nila ay napasigaw ako.
"Ako na!" sigaw ko at napatigil silang lahat.
"Ako na ang pipili okay?" sabi ko sa kanila.
"Pero Ma'am-" sumbat ni Ruby.
"No! Let me choose the dress I want to wear okay? At least now give me a chance to decide for myself. Pinagbigyan ko na kayo na makikipag dinner ako sa taong hindi ko naman kilala. Give this time to me okay?"
Nagtinginan silang tatlo at sa wakas ay nagkasundo rin ang kanilang mga mukha na pagbigyan akong mamili ng damit na gusto ko.
Kinuha ko ang mga damit na dala nila at binitbit ang mga ito sa banyo. Dahil may salamin naman akong nakita roon ay hindi ko na inabala pang buhatin ang salamin na nasa kwarto.
"Hintayin niyo nalang ako dito okay? Maliligo na rin ako at dun na ako sa loob magpapalit."
"Okay po Ma'am." sumbat ni Ruby at mukhang naiparating ko na rin na ako pa rin ang may huling salita.
Pumasok na ako sa banyo at tinitigan ang mga damit na nasa aking harapan. Mga nasa sampu ang mga ito at alam kong hindi lahat ay bagay sa akin. Kaya naman ay pinili ko ang napupusuan ko, ang simple white dress na kahit kita ng bahagya ang balikat at dibdib ko ay naipapakita naman nito kung gaano ako kainosente at kanais nais na babae.
'Dapat lang na ako ang mamili ng damit ko no, tignan mo ngayon, ang ganda mo tuloy Sophie.' Sabi ko sa sarili ko upang kumalma ako dahil sa bawat segundong lumilipas ay nakakaramdam ako ng kaba.
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang white dress at dahan dahan kong binuksan ang pinto at lumabas.
Napatayo ang tatlong staffs at nakatakip ang mga kamay nila sa kanilang bunganga. Tila hindi makapaniwala ang mga ito sa kinalabasan ng damit ko.
"Angelic." nabibighaning sambit ni Ruby habang siya'y papalapit sa akin.
"Kamusta? Okay lang ba?" nahihiyang tanong ko sa kanila.
"Hindi mo na kailangang tanungin pa Ma'am. Sobra ka pa sa maganda." sagot ni Ruby at napatango naman ang dalawang kasama niya at naririig ko ang mga mahihinang tili ng mga ito. Uminit at mga tenga ko, mukha atang kinilig ako sa reaksyon nila.
"Alright girls, let's do this!" sigaw ni Ruby at dali dali nanaman akong pinaupo ng mga ito at inilabas ang mga gamit pang make up.
Habang inaayos ng isa ang make up ko ay inaayos naman ng isa ang buhok ko. Mukhang marami akong naging first time ngayong taong ito at hindi naman madalas masama ang kinalalabasan kaya okay na rin.
Matapos ang mahabang panahong pag aayos sa akin ay natapos din ang lahat. Pinapikit ang mata ko at lumakad kami patungo sa salamin.
"Open your eyes, Ma'am."
Isang taong hindi ko kilala ang nakita ko sa salamin. Lumapit ako sa salamin para titigang mabuti ang isang babaeng hindi ko inakalang ako.
'Ako ba 'to?' bulong ko. At medyo naluluha ang mga mata ko dahil ngayon lang ulit ako nakapag ayos ng ganito at hindi ko inaasahang ganito kaganda ang kalalabasan.
"Bawal pong umiyak Ma'am, masisira ang make up." Paalala ni Ruby.
Napatawa kaming lahat at nagpasalamat ako sa kanila. Kita ko rin sa kanilang mga mata ang tuwa at galak.Habang nagpapalitan kami ng saya ay nag ring ang cellphone ni Ruby.
Sinagot niya ito na parang isang kidlat.
"Yes sir, she's ready." sabi niya sabay baba ng cellphone.
"Your guest is waiting Ma'am, shall we go?" magalang na tanong nito at napatango naman ako.
"Let's go." sagot ko at lumabas na kami ng kwarto para pumunta sa lugar kung saan nag aantay ang lalaking sabik na sabik akong makita at makaharap sa hapag.