Pagkatapos magpasalamat ng bride and groom kay Ethan ay nag iwan ito ng maikling message para sa bagong kasal.
Nang maiabot sa kanya ang mic ay tumingin muna siya sa kanyang paligid at ang mukha ng mga kababaihan ay animo'y excited marinig ang nakakaakit nitong boses.
"Uhm-" ika palang nito ay may umagaw na ng eksena sa likod na napasigaw ng-
"I LOVE YOU ETHAN!"
Napatingin ang lahat at nakita nila ang nagsisitalon na babae na katabi ni Jane.
Napatawa nito ang lahat at naghiyawan ang mga tao, nahawa na rin sa tawa si Ethan kaya sinumbatan niya ito.
"Saranghae yo" sambit nito na nag pa baliw sa kaibigan ni Jane. Kaya naman ay tinakpan na lamang ni Jane ang bunganga ng kasama niya at parang bata ang dalawa na naging dahilan muli ng tawanan ng lahat.
Nang magbalik sa tamang pag iisip ang kaibigan ni Jane ay kumalma na rin si Ethan at handa na siyang magbigay ng short message.
"I know how great my friend Paul is, and I know how loving he can be." Naantig naman ang bride sa mga matatamis na salitang nanggagaling kay Ethan.
"And I also know how naughty he was," napangiti ang marami.
"But despite that, I know he'll give you everything and that he's ready to love you for eternity. I wish you all the best in life."
Naglakad si Ethan patungo sa table sa gilid at kumuha ng glass of wine saka tinuloy ang sinasabi.
"Cheers to the newly wedded bride and groom! May they live a happy and bountiful life!" masiglang bati nito.
Kaya naman ay nahikayat din ang mga bisita na mag celebrate at itinaas ang kanilang mga baso para sabay sabay na sabihing-
"CHEERS!" isang malakas na sigaw ang bumati para sa bagong mag asawa. At naghalikan muli ang mga ito at saka nagpalakpakan ang mga tao.
Sa kabilang dako ay tapos ko nang maipinta ang painting na ginawa ko. Dahil ngayon lang ako nakaranas maimbitahan para mag live painting ay nakakapanibago sa pakiramdam pero nang maging magaan na ang loob ko at maging comfortable na ako sa mga tao ay nawala na rin ang kaba ko kaya naman ay naibuhos ko rin ang aking galing sa pag pinta.
Matapos magpasalamat muli ng groom at bride kay Ethan ay bigla naman nila akong pinasalamatan.
"And to our invited painter, thank you very much. May you please show us your work? So that people here can see how good you are Ma'am."
Nang marinig ko ang mga salitang ito ay biglang kumalabog ang puso ko dahil lahat ng mga tao ay nasa akin ang atensyon. Dahil nga first time ko ang mag live painting sa isang kasalana ay wala sa isip ko kung magugustuhan ba ito ng mga tao o hindi. Nang mapunta ang tingin sa akin ni Ethan ay parang nabuhayan ako ng sigla na para bang gusto kong ipakita sa kanila ang hirap at pagod ko kahit ano pang maging reaksyon nila.
Kaya naman ay dahan dahan kong inikot ang painting sa kanila at nang maipakita ko na sa kanila ay katahimikan ang aking natanggap na reaksyon.
"Panget ba?" sabi ko sa isip ko dahil bakit wala man lang reaksyon ang mga tao.
Mga sampung segundo siguro silang walang imik at nakadikit lang sa aking painting ang kanilang mga mata.
Naputol ito nang magsalita ang bride.
"Perfect!" sigaw nito nang may palakpak.
"Ang ganda!" dagdag pa niya habang papalapit sa akin sabay niyakap niya ako.
Nag palakpakan at naghiyawan ang lahat ng mga tao.
Akala ko ay hindi nila ito magugustuhan dahil sa tagal mag react ng mga tao dito. Napangiti ako ng sobra at gumaan ang loob dahil napasaya ko hindi lang ang bride at groom pati na rin ang mga bisita.
Dumagsa pa ang mga tao at nagsimula na silang kumuha ng litrato na ikinatuwa naman ng aking puso.
"Sophie!" kinikilig na sigaw ni Jane papalapit sa akin sabay tinalunan ako nito at niyakap.
"Hindi nga ako nag kamali sayo!" sabi nito at napatingin na rin sa bride.
"Buti nalang talaga nandiyan ka Jane." sumbat naman ng bride.
"Sabi ko naman sayo, ako na ang bahala eh. Basta ikaw na bahala sa big tip ni Sophie ha?" pabirong bato ni Jane.
"Hahaha! Ano ka ba, wag kang mag-alala Sophie, malaki ang matatanggap mo." natutuwang sabi ng bride sa akin.
At hindi naman maitago ang pag abot ng magkabilaang tenga ko.
"O siya, just enjoy the night ha, be happy ngayon! Dapat happy lang!" payo ng bride.
"Sure!" sagot naman ni Jane kasabay ng pag play ng music at sinamahan niya paalis ang bride.
Sumenyas siya sa akin at napatango nalang ako. Wala ng makakasira ng araw ko sa tuwa at galak na nararamdaman ko.
Nang matapos ng makakuha ng pictures ang mga bisita ay napag isipan kong mag simula na ring mag ligpit ng mga gamit.
Habang inaayos ko ang mga gamit ay napansin ko sa aking peripheral vision ang pag lapit ng isang pamilyar na lalaki. Si Ethan.
Nag kunwari akong may kinukuhang gamit para ma kumpirma ko kung siya ba ito at humarap ako at nakita ko nga ang makisig nitong itsura. Nakakatunaw ng pagka babae ang pagkatao niya. Para siyang isang anghel na masculine at parang alpha kung susumahin. Napatigil ito sa harap ng painting ko.
Seryoso ang tingin at hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya.
Nagsimula na akong mag overthink dahil hindi ko mabasa ang mga galaw nito.
Hindi ito mapakali sa pag alis at pag balik ng naka fold niyang kamay. Minsan naman ay nakapatong ang mukha niya sa kanyang kamao. Ngunit iisa ang sinasabi ng mga mata niya. May gusto pa itong makita at malaman.
Napatingin siya sa akin na para bang hinuhuli akong nakatingin din sa kanya.
Nagulantang ako at aligaga na sa mga pinag gagawa. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin at kung ano ang ginagawa ko kaya naman ay natawa ito ng bahagya at dali dali naman akong tumalikod sa hiya.
"Sophie, ano ba? Masyado ka kasing pahalata." bulong ko sa sarili ko.
"Sophie, right?" tanong nito sa gilid ko.
At napatapon ako ng mga brush sa gulat kaya hindi ako nakasagot agad.
"Sorry, sorry," kinakabahang sagot ko at agad agad na pinulot ang mga brush na hawak ko.
Hindi ko na rin mabilang kung ilan ang mga ito kaya naman tumulong siya sa pagpulot ng ilan sa mga natira.
"Here." sabay abot ng mga brush.
"I'm Ethan, by the way." at inialok ang kanyang kanang kamay para makipag shake hands.
Tulala ako at parang naitangay nanaman ng bagyo ang utak ko. Ganito ako palagi kapag may mga nakakaakit na tao ang lumalapit sa akin kaya minsan hindi na ako kinakausap ng iba. Pero iba si Ethan.
"Sophie?" tanong nitong muli.
"Are you alright?" muli pa niyang tanong.
Ako naman itong nagdududa na dahil mukhang concern na concern si Ethan sa akin pero mukha naman akong okay.
Nang biglang paulit ulit nalang ang binabanggit at tinatanong niya sa akin.
"Sophie, are you alright?"
"Sophie?"
Animo'y nag eecho ang bawat salita niya at nag umpisa na ngang umikot din ang mundo ko nang napunta ang tingin ko sa ibang direksyon.
"Anong nangyayari sa katawan ko?" nanghihina kong tanong sa sarili ko.
Dahil alam kong okay pa naman ako pero mukhang hindi na kaya ng katawan ko.
Unti unti na ring bumabagsak ang takip ng mga mata ko pero pilit ko itong nilalabanan para makita lang ang nag niningning na mukha ni Ethan.
"Sophie?" tanong niyang muli.
"Ethan" bulong ko at nagsimula na ngang bumagsak ang katawan ko.
Pero naramdaman ko ang pagsalo niya sa akin. Narinig ko ang sigaw ng mga tao sa paligid ko na parang nakahawak ng mic ang mga ito at naka set ng echo ang mga ito. Pilit kong iminumulat ang mga mata ko pero anino na lamang ng mga taong nasa paligid na nakapaligid sa akin ang naaaninag ko. At tanging hiyawan na lamang ang naririnig ko.