Kabanata 3

1221 Words
Paglabas ko ng building ay dali-dali akong pumara ng taxi. Mabuti na lamang ay maraming taxi sa daan at nakasakay ako kaagad. "Saan po tayo Ma'am?" tanong ni kuya driver na nakatingin sa salamin. "Luminous Hospital po," nanginginig kong sagot. Umandar na ang taxi at tumingin muli si kuya driver sa salamin at animo'y nais malaman kung bakit ganoon na lamang ang nginig ng boses ko. "Okay ka lang ba Miss?" masusing tanong nito. Hindi pa man ako nakakasagot ay tumulo nalang bigla ang luha sa aking mga mata. Mukhang may nagtulak ditong lumabas dahil matagal tagal na rin noong huli itong lumabas at nakalaya sa aking mga mata. "May emergency lang po," sagot ko habang pinupunasan ang aking luha. Ang simpleng tanong ni kuya na "okay ka lang?" siguro ang dahilan kung bakit ako biglang naluha. Wala na kasing nangangamusta sa akin ng ganito dahil nakahiga na ang tanging taong nagtatanong kung okay lang ako. Hindi mapakali ang dibdib ko at parang pakiramdam ko'y may masamang nangyari kay Mama. Minsan lang kasi tumawag ang hospital sa akin, at madalas pa ay kapag may bad news patungkol sa kondisyon ni Mama. Na-comatose kasi si mama. Isang taon na rin siyang nakahiga sa apat na sulok ng puting kwarto at ang tanging naririnig lang ay ang makina at oxygen na nagbibigay sa kanya ng buhay. Ni minsan ay hindi ko pa nakitang dumilat ang mga mata nito o gumalaw man lang ang mga daliri. Walang senyales kung kailan ba siya gagaling at magigising, ang tanging pinanghahawakan ko nalamang ay ang presensya niya. Nang dahil dito, patuloy parin akong naniniwala na gagaling si Mama at makikita kong muli ang matatamis niyang ngiti at maririnig ang makukulit niyang kwento. Naantala ang pag-iisip ko nang makita kong magsimulang umulan.At habang patuloy ang takbo ng sasakyan ay napahinto kami dahil sa traffic. Rush hour na nga pala. Maya-maya pa'y may umagaw ng atensyon ko. Nakita ko ang isang magulang at ang kanyang anak na tumatakbo dahil as ulan. Masayang-masaya ang bata at hawak hawak nito ang kamay ng kanyang Mama. Naalala ko tuloy ang ganitong eksena namin ni Mama noong bata pa ako. Hindi niya ako pinapalo kapag naliligo sa ulan, 'di tulad ng ibang bata na pinagbabawalan maligo dahil magkakasakit ang mga ito. Bagkus ay sinasamahan pa ako ni Mama na maligo at maglaro sa labas habang umuulan dahil malakas naman ang resistensya ko at bihira lang ako magkasakit. Siguro ay dahil ito sa maarugang pag-aalaga ni Mama sa akin kaya ganon nalang ang lakas ng katawan ko. Tumulong muli ang mga malulungkot na luha sa aking mga mata at hindi ko na namalayan ang pagtingin ni kuya driver sa akin sa salamin na tila alalang-alala sa aking sitwasyon. Parang wala na ako sa mundo, at tanging nananaginip nalang sa loob ng taxi na ito habang inaalala ang masasang pagkakataon na kasama ko si Mama. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa Hospital. "Bayad po," sabay abot ng bayad kay kuya. "Thank you," sagot nito. "Ah- miss," pahabol niyang sabi nang makalabas ako ng taxi. "Po?" "Magiging okay din ang lahat," sabi nito sabay ngiti na may pagkaalala. Tumango nalamang ako at sinarado ang pinto. Lumingon ako at nagsimula nang tumibok ng malakas ang aking dibdib. Huminga muna ako bago nagsimulang maglakad. Pagpasok ko ng kwarto ni Mama ay sumalubong sa akin ang mga tunog ng makina at ang amoy ng typical na kwarto sa mga hospital. "Miss?" tawag ng doctor sa akin habang papalapit ito, seryoso ang mukha. "I'm afraid I have some bad news. Overdue na kasi ang bills ng Mama mo at lumaki na ang babayarin ninyo." Naramdaman ko ang tuhod ko na parang bibigay ang mga ito. "Ano pong ibig sabihin niyo Doc, magkano na po?" tanong ko na naginginig ang boses. Nagdadalawang isip ang doktor at yumuko ito sa clipboard na hawak nito. "Malaking halaga na ito. At kung hindi niyo ito mababarayan sa loob ng isang buwan, I'm afraid to tell you na kailangan na naming ilipat ang Mama mo sa ibang hospital." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Lumaki ang mga mata ko at parang luluha ulit. "Ibang hospital?-" nauutal kong sabi habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. "Hindi po pwede Doc, please po. Baka may pwede po akong magawa 'wag lang po siyang ilipat," at tumulo na nga ang luha ko. :Huminga ako ng malalim habang hinahabol ko ang paghinga. "Baka pwede pong installment Doc, please po." Umiling and doktor, matigas ang postura ng mukha nito. "I'm, sorry, pero that's not possible. Kailangan mabarayan ang bills in full. Binibigyan ka ng hospital ng isang buwan, pag wala pa, I'm afraid we'll have no choice but to transfer her." Naramdaman kong muli ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko makayanan ang kaisipan na hindi ko makikita ang Mama ko na gumising muli, na wala ako sa tabi niya pag hinanap niya ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko," bulong ko sa aking sarili. Ipinatong ng doktor ang kamay nito sa aking balikat. "Alam kong mahirap ang sitwasyon mo ngayon, but I assure you that we'll do everything para panatilihin ang magulang mo dito. In the meantime, you can reach out to your friends and family for help, o find any organization na nag-ooffer ng medical assitance." Tumango lang ako habang patuloy parin ako sa pag-iyak. Ang tanging iniisip ko nalamang ngayon ay kung saan ako makakahanap ng malaking halaga para solusosyonan ang problemang ito para hindi na mailipat si Mama. Ito na kasi ang pinakamurang hospital na napuntahan ko at ang iba ay hindi na kaya ng ipon at sweldo ko mula sa iba't ibang part time ko. Hindi ko na napansin si doc sa pag-alis. Lumapit ako sa higaan ni Mama at hinawakan ang kamay niya, nakatitig lang sa hindi magalaw na katawan nito. "Hindi kita pababayaan Mama. Gagawa ako ng paraan para hindi ka na mailipat sa ibang hospital. Promise." Hinalikan ko ang kamay nito at nagsimulang humagulgol sa pag-iyak. Nakaupo lang ako sa tabi ni Mama ng ilang oras. Walang malay sa nangyayari sa labas. Sa bawat minutong dumadaan ay patuloy ang pagdarasal ko na sana matulungan ako ng maykapal. At patuloy din ang pagmumuni-muni ko kung sino ang pwedeng makatulong sa akin. Pero habang iniisip ko ito ay mas lalo akong nawawalan ng pag-asa dahil ni isa ay wala akong kamag-anak at kaibigang mapupuntahan. Nahihiya naman ako sa mga katrabaho ko dahil may mga sariling pinagkakagastusan din ang mga ito. Tsaka ko lang napansin na gabi na pala nang may pumasok na nurse sa kwarto. "Check-ko lang po si Ma'am," ika nito. Lumapit ako at hinalikan ko si Mama sa noo at naglakad na paalis ng kwarto niya. Lumabas ako na punong puno ng emosyon at pati ang kalangitan ay tila pinaparamdam sa akin kung gaano kalala ang nararamdaman ko ngayon dahil sa walang tigil na lakas ng ulan at dilim ng paligid. Napatigil ako sa gitna ng kalsada at tuluyan nang nagpadala sa buhos ng ulan. Pumikit ako at huminga ng malalim. Tumigil na ang luha ko at iniisip ko na lamang ang matatamis na ngiti ni Mama. Minulat ko ang aking mga mata at nagpatuloy ako sa paglalakad. Determinado akong makitang masigla si Mama kaya naman ay nag-para ako ng taxi at nagtungo pauwi ng aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD