Kabanata 2

2041 Words
Mabigat ang ulo ko at ramdam ko parin ang pagkabagsak ng aking katawan. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Napakaamo ng mukha nito na animo'y parang anghel. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya'y sumilip ang mga mata nito at bumakat ang katotohanang si Mike ito. "Aah!" sigaw ko at napatayo ako sa aking kinahihigaan. Naramdaman ko rin na wala akong damit, bra at panty lang ang suot ko. Dali-dali kong hinatak ang kumot na nakabalot sa kanya at ipinantakip ito sa aking katawan. Napabangon ito sa gulat na para bang normal lang ang lahat. "Mike, an- anong nangyari kagabi?" nauutal kong tanong sa kanya habang nakahawak ako sa kumot. Ang mga mata niya'y tila nagsasabing kagigising lang nga nito at gusto pang matulog. "Hindi mo ba naaalala ang mga nangyari kagabi?" tanong nito habang nagkakamot ng ulo. "Uhm, ano" pilit kong inaaalala ang mga kaganapan kagabi at ang tanging naaalala ko lang ay ang pagsesex namin ni Ethan sa banyo. "Hindi eh," pasinungaling kong sagot sa kanya. Ngunit tila dismayado ang mukha ni Mike pero ngumiti ito. "We had some fun," malumanay na sabi nito at tumayo na nga sa kanyang pwesto. Nakasuot lamang ito ng boxer's, medyo bakat din ang kanyang ari at itinaas na ang blinds ng bintana. Paglingon nito sa akin ay nasisilawan ng araw ang kanyang machong katawan. Uminom ito ng tubig at nagtungo sa may wardrobe sa aking tabi. Naghanap ito ng damit at sinuot ang normal na suot ng mga mayayaman, ang ternong pajama set. "Magluluto lang ako ng breakfast. Maligo ka muna, pili ka nalang din ng damit diyan," ika nito. Dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ay napatango nalang ako sa hiya. Nang makalabas ito ng kwarto ay hinanap ko kaagad ang cellphone ko para tawagan si Jane. Tumayo ako at nakita ko ito sa table sa gilid ko. Tinatawagan ko si Jane pero hindi ito sumasagot. Blangko ang laman ng isipan ko at kinakagat ko na ang aking kuko. Alam kong may nangyari kagabi na hindi ko alam dahil parehong wala kaming damit ni Mike at magkatabi pa sa iisang kama. Ngunit paano nangyari ito kung ang alaala ko lamang kagabi ay ang nangyari sa amin ni Ethan. Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang mga pangyayari sa bar kagabi at wala ni isa dito ang pagpunta ko sa condo ni Mike at ang pagtatabi namin sa iisang kama. Hindi ko na alam ang gagawin kaya binaba ko na ang cellphone at nagdesisyon na nga akong maligo muna para mausawan. Pagkatapos kong maligo ay naghanap na ako ng damit sa wardrobe ni Mike. Nakakita ako ng white oversized t-shirt at pajama. Nag ayos ako ng konti at nag ikot-ikot sa kwarto nito. Mukang mayaman si Mike at maganda ang taste niya sa interior design dahil minimalist ang concept ng kanyang kwarto at sobrang ligpit at linis din nito sa gamit. "In-fairness ha," ika ko. Habang naglalakad-lakad ako ay may nagpahinto ng aking mga paa, ang isang painting kung saan kumpleto ang pamilya ni Mike. Ngunit habang pinagmamasdan ko ang larawang ito ay napansin kong may isang lalaki sa kanyang kanan, si Ethan. Alam kong si Ethan ito dahil kamukhang-kamukha nito ang nasa painting. Napalapit ako dito at lumakas bigla ang t***k ng puso ko. Posible kayang siya ang nagdala sa akin dito sa condo ni Mike? Nang malapit na ako at hahawakan ko sana ang larawan ni Ethan ay biglang nagsalita si Mike sa tabi ng mukha ko. "Ako nag paint diyan," bulong nito na may ngiti sa kanyang mga labi. Nagulat ako dito at napaubo. "Kanina ka pa diyan?" tanong ko. Ngumiti lang ito. "May kapatid ka pala?" tanong ko uli habang pinagmamasdan ang painting. Hindi ito agad nagsalita at parang malalim ang iniisip, pinagmamasdan lang ang kaniyang painting. "Kuya mo o ading?" tanong ko dahil curious ako kung anong relasyon nilang dalawa ni Ethan. "Half brother ko, si Kuya Ethan yan." Sabi nito at tumalikod kaagad. "Halika na kain na tayo," tawag nito habang naglalakad paalis. "Ah- sige," sagot ko at tumalikod narin ako para sundan siya. Nang nasa kitchen na kami ay mukhang mahilig siya sa pagluluto dahil sa hightech na lutuan at magarbong design ng kanyang kitchen. "Ohhhh," salitang lumabas sa aking bibig dahil nagandahan ako sa kitchen niya. "Wow, ang ganda ng kitchen mo," dagdag ko habang nakatiklay. Bakat sa mukha ko ang excitement dahil pangarap ko rin ang ganitong kitchen. Mahilig din kasi akong magluto. Parang bar ang theme ng kitchen at naupo na nga ako. "One vodka please!" pabirong sabi ko na parang nasa bar lang. "Haha. Breakfast muna," sagot nito sabay abot ng plate na may egg, hotdog at fried rice. "Thanks!" natutuwang sabi ko at sinimulan ko na ngang kumain. "Dahan-dahan lang Sophie, walang aagaw sayo niyan," payo nito at sumabay narin sa pagkain. Ganito ang paborito kong umagahan at masaya ako dahil ito ngayon ang umagahan ko. Habang puno pa ang bunganga ko ng pagkain ay pumasok muli ang mukha ni Ethan. Kaya naman ay tinanong ko ito. "Nashan mala shi Edan," hindi maunawaang pagtatanong ko kay Mike dahil nagsasalita ako habang kumakain. Napatawa ito sa ginawa ko. "Ano?" tatawa-tawang tanong nito. Nang inulit ko ay bigla akong nabulunan. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko at hawak naman ng isang kamay ko ang aking leeg, tinatapik-tapik ito para ipaalam kay Mike na may bumara sa aking lalamunan. Bigla namang tumayo si Mike para kumuha ng tubig at inabot agad ito sa akin. Hindi ko na ito nainom dahil hindi narin ako makahinga. Napayuko na ako at namumula na ang aking mukha. Kinakabahan na ako, ayoko namang mamatay dahil lang sa katangahan kong kumain. Tumayo si Mike sa upuan nito at bigla akong nilapitan. Inilagay nito ang kaniyang mga kamay sa palibot ko at idiniin sa aking tiyan. "Kalma lang, okay?" bulong nito at idiniin na nga ang mga kamay nito sa aking tiyan para tulungan ako. Pinayuko niya ako ng bahagya. 'Ngayon mo pa ba ako gustong iskoran na nabubulunan na ako.' Sabi ko sa isip ko dahil ramdam ko rin ang kargada nito sa aking pwetan. Nang biglang tinulak nito ang kaniyang mga kamay sa aking tiyan ng tatlong beses at nailabas ko na ang bumara sa aking lalamunan. "Ahh, ahh, ahh," mga salitang nasabi ko. Ngunit napatigil ako ng nakita kong nakahawak parin si Mike sa tiyan ko at animo'y gustong ituloy ang iniisip nito. "Okay na ako," naghihingalong sabi ko kay Mike at inalis ang kamay nito sa akin. Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang tissue sa table. Uminom din ako ng tubig para pakalmahin ang sarili. Habang si Mike naman ay kinuha agad ang walis para linisin ang kalat na ginawa ko. Nahiya ako bigla kaya naman ay tinanong ko kung saan ang banyo. "Saan yung banyo?" "Ayun," turo nito sa may bandang kanan at itinuloy ang paglilinis. Nagtungo ako ng banyo para mag-ayos ng sarili at mag mumog. 'Ano bang katangahan yun Sophie, pati ba naman sa pagkain ikamamatay mo pa?' sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin. Naghilamos ako at nag-ayos muli. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong naghihiwa si Mike ng apple. Lumapit ako at tumikim. "Kain ka ulit," ika nito habang itinutuloy ang paghiwa. "Hindi na, okay na ko. Apple nalang, hehe. Thank you," sabi ko. "Siya nga pala-" dahan-dahan kong sabi. "Hmm?" sumbat nito. "Yung kuya mong si Ethan, ano- asan siya?" pasimpleng tanong ko. "Interesado ka sa kanya no?" pabirong tanong nito. "Huh! Hindi no, tinatanong ko lang." "Sus!" "Ano, asan nga siya?" "Nasa Korea," sabi nito na ikanalaki naman ng mata ko, dahil ay nakita ko lamang siya kahapon sa restaurant. Hindi kaya niya alam na nandito na siya sa Pilipinas? "Huh, 'bat siya nandon?" tanong ko para malaman kung anong istorya ang meron sila. "Andun kasi yung papa niya, tsaka dun narin siya lumaki. Minsan lang siyang bumisita dito." Sabi nito at tumikim narin ng mansanas. Umupo siya at mukhang nais na nitong mag-share ng life story sa akin. Ako naman itong si chismosa na hindi nagpapahalata. "So, anong story niyo?" tumingin ito kaagad. "I mean, kung okay lang na malaman, alam mo na-" nahihiyang dagdag ko. Napatigil ako sa pag-nguya nang makita kong maging emosyonal ang mga mata ni Mike. Nakatitig ito sa malayo at kakaibang awra ang ibinibigay nito, hindi ko mawari kung galit o lungkot ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Matigas din ang postura ng kanyang panga kaya't hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang may na trigger ako sa kanyang memory kaya ganon na lamang ang reaksyon niya. Dahil marunong naman akong makaramdam ay iniba ko nalang bigla ang usapan. "Uhm, you know what, ang ganda nitong condo mo," papuslit kong compliment sa kanyang condo para maiba ang mood. "Ah, oo, thank you," nahihiyang sagot nito na may pakamot pa sa likod ng ulo. "Magkano bili mo?" pabiro kong tanong sa kanya na alam ko namang ayaw niyang sabihin. "Ano, basta." pilit nitong sagot. Sa wakas ay nakita kong muli ang masiglang mga mata nito kaya naman ay tinanong ko muli siya ng iba pang tanong para lang mabaling ang atensyon niya sa ibang bagay. Mas naintindihan ko na ngayon na sensitibo pala para sa kanya ang pag-usapan ang family niya. "So, Mike, may gusto akong malaman," pasuspense na tanong ko dito. "Ano?" sagot nito at inilapit pa nga ang kanyang mukha sa akin. "Anong nangyari kagabi? Huh! 'Bat ako nakahubad at 'bat magkatabi tayo sa kama mo?!" binigyan ko siya ng malisik na pagtingin at nakangusong bibig. Itinawa niya ito ng malakas na siya namang nagpawala ng seryoso kong mukha. "Oh, anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya. "Ang cute mo palang magalit," sabi nito at hindi parin mapigilan ang pagtawa nito. Bigla namang namula ang mukha at tenga ko sa sinabi nito. Hindi ko alam na ang pag compliment nito sa akin ay magbibigay sa akin ng hiya. "Wala! Ano kaba. Walang nangyari sa'ting dalawa," seryosong sagot nito. "Sure?" "Sure." Ika nito ngunit parang hindi parin ako makapaniwala na walang nangyari sa aming dalawa. Hindi naman sa ikinalulungkot ko na walang nangyari sa aming dalawa pero kung iisipin ay hindi ko aakalaing magkakatabi kami sa kama ni Mike at nakahubad pa. "Ang lakas ng tama mo kagabi e pati rin ako. Ikaw nga rin naghubad ng damit mo eh," sabi nito na animo'y nanloloko. Pinalo ko ito ng malakas sa braso. "Anong ako, wala nga akong maalala sa nangyari kagabi eh," sabi ko. Iniisip ko parin hanggang ngayon kung meron ba sa alaala ko na nagpunta ako sa condo ni Mike ngunit wala akong mahalungkat ni isa. "Ang alam ko lang nag-iinuman at nagsasayawan tayo at-" naputol ang gusto kong sabihin dahil lumabas ang larawan ni Ethan sa aking imahinasyon. Ang masarap na s*x experience ko sa kanya ay hindi ko mawari kung nangyari ba talaga o hindi. "At?" tanong nito. "Ano, yun lang. Wala na. 'Di ko na alam ano sumunod na nangyari" dagdag ko. "At nakatulog ka sa bar! Hahaha!" tawa nito ng malakas. Iba rin talaga ang trip nitong si Mike, halos lahat ng kagagahan ko ay pinagtatawanan. "Dinala kita dito sa condo kasi sabi ni Jane hindi niya alam kung saan ka nakatira. Umuwi narin siya no'n, may kasamang lalaki nakuha niya sa bar," sabi nito. Nag-iinit ang ulo ko nang malamang sinabi ito ni Jane. Parang may usok na lumabas sa aking mga tenga. 'Anong hindi niya alam kung saan ako nakatira e palagi nga yun sa bahay pag iniiwan ng mga jowa niya. Makita lang kita Jane sinasabi ko sayo,' bulong ko sa aking sarili. "Huy, anong sinasabi mo diyan?" tanong ni Mike. "Ah, ano wala. Hehe," sagot ko ng nakangiti na akala mo'y sarcastic. Naputol ang pag-uusap namin ni Mike nang biglang may tumawag sa aking cellphone. Hospital. Sinagot ko kaagad. "Ma'am, may emergency po. Si Ma'am-" tumakbo akong bigla sa kwarto ni Mike para kunin ang mga gamit ko. "Oh, bakit?" ika ni Mike na nakasunod sa akin. "May emergency, kailangan ko nang umalis. Thank you ah. Kita nalang tayo sa work," sabi ko sabay alis sa condo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD