WALA na akong choice kundi pumasok dahil pinilit ako ni kuya.
Tamad na tamad talaga akong gumalaw.
Mabilis akong nakarating sa klase ko, napahiya pa ako dahil late ako.
E sa binagalan ko talaga yung paglalakad ko.
Naghead-down ako. Tinatamad akong makinig, gusto kong matulog.
May kumalabit sa akin. Si Ricci, gusto kong magsaya dahil kinalabit nya ako.
Di ko na muna sya pinansin at naghead-down lang ulit.
"Ms. Jacob!" sigaw ng proffesor namin. Wala talaga akong gana.
"Ms. Jacob!" sigaw ulit ng Prof namin. Di ko sya pinansin.
"Ms. Jacob get out of this classroom kung ayaw mong bumagsak!" dun na ako nagising, mabilis akong tumayo at kinuha yung gamit ko. Lumakad palabas ng classroom, nang nasa harap na ako ay dun na ako bumagsak, literal na bumagsak sa sahig.
Nakarinig pa ako ng sigaw bago mawalan ng malay.
__
Patay na ba ako?
Bat puro puti tong nakikita ko?
"Thank God you're awake." rinig kong sabi.
Si Brent? Hinawakan ko yung mukha nya tapos yung ilong yang cute. Si Brent nga.
"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya.
"Nahimatay kanina. Buti na lang at nasalo ko yung ulo mo kanina." paliwanag nya.
Ang gwapo nya.
May dumating na Nurse.
"Ms. Jacob." tawag sa akin ni Nurse.
"Can you please try this?" Pregnancy test?
"I won't judge you." nakangiting sabi ng Nurse. Tinignan ko si Brent at gulat na gulat ito pero walang bakas na panghuhusga.
Kinuha ko iyon at pumunta sa CR. Sinunod ko yung instructions.
Positive.
Tinry ko ulit baka sakaling magbagi yung resulta, naka-limang beses na ako at puro positive.
Lumabas ako ng CR at umupo sa clinic bed na hinigaan ko kanina.
"What's the result?" tanong sa akin ni Brent. Pinakita ko yung limang PT na puro positive lahat.
Napaiyak na lang ako. Agad akong niyakap ni Brent.
"Sshh it's okay, it's okay. Who's the father?" tanong nya.
Umiling ako. Ayokong sabihin sa kanya, sigurado ay masisira ang pagkakaibigan nila ni Ricci.
Saka ko na lang sasabihin sa kanya kung mapapanagutan ako ni Ricci.
"It's okay kung ayaw mong sabihin pero kailangan nyang malaman sa baby nyo okay?" tumango ako.
Nagbigay ng advice sa akin si Nurse at talagang pinakinggan ko yun.
Nagpaalam na sa akin si Brent dahil may training pa daw sya. Kinuha nya yung number ko at binigay ko yun.
Kailangang malaman ni Ricci itong dinadala ko. Halos ikutin ko ang buong school makita ko lang sya, at nakita ko sya papasok ng gym. Tinawag ko agad sya at natigilan sya.
"Pwede ba kitang makausap?" sabi ko sa kanya.
"Ano nanaman ba yon Roana? Pwede ba tumigil ka na. Ayoko---"
"Buntis ako." pagpaputol ko sa kanya.
"You're what? Pregnant?" gulat nyang tanong.
"Oo at sayo to!"
Napasabunot sya sa buhok nya. "Look Roana, that night is a mistake. That 'thing' is a mistake! Roana bata pa tayo!" sagot nya sa akin.
"So anong pinapalabas mo?" please, Ricci wag mong sabihin yung naiisip ko.
"Abort it." malamig nyang sabi. Sinampal ko sya ng malakas.
"Papatay ka ng batang walang kamuwang-muwang? Hindi mo man lang ba ipapakita sa kanya yung mundo hah?!" sigaw ko sa kanya.
"Kung hindi mo ipapalaglag yan, i'm sorry hindi kita mapapanagutan. Ayokong masira ang career ko, i have many responsibilities. At hindi ka kasama don, at mas lalong ayoko na ikaw ang magiging ina ng mga anak ko."
Parang bomba kung sumabog yung puso ko. Nabasag at nagkandapira-piraso.
Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa kwarto ko, nagmumukmok.
Paano ko sasabihin to kay kuya. Magagalit yun.
Bat pa ako nag-inom ng araw na yon.
I know this is a blessing, hindi ko pwedeng takasan to.
"Roana nandito ka na ba?" rinig kong sigaw ni kuya. Lumabas ako ng kwarto at nandun sya sa sala. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Roana bakit ka umiiyak?" niyakap ko sya ng mahigpit.
"Kuya buntis ako." humagulgol na ako ng iyak.
Tatanggapin ko kung sasampalin nya ako, kung sisigawan nya ako.
Humiwalay sya sa yakap at pinaupo ako sa upuan.
Galit si kuya. Nanahimik lang sya pero alam kong galit sya.
"Sino ang tatay Roana?" tanong nya.
Umiling ako. "Ayaw nya ako panagutan kuya."
"Sino Roana? Sagutin mo ako!" tumaas na yung boses nya.
"Si Ricci kuya." umiyak pa akong umiyak.
"Yung iniidolo mo? Ano ba naman yan Roana! Sinabi ko naman sayo non diba na walang maidudulot yan sayong maganda. Syempre hindi nya pananagutan yan." galit na galit si kuya. Tinakpan ko yung mata ko, nahihiya ako.
"Sorry kuya." nasabi ko na lang.
"Kakausapin ko sya Roana." biglang sabi nya. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Umiling ako. "Wag na kuya." desperada kong sabi. Wala ng nagawa si kuya kundi umo-o.
"Titigil ka na sa pag-aaral mo, mas kailangan mong magpahinga dito. Ako na ang magtatrabaho, bubuhayin ko kayo. Naiintindihan mo ba ako Roana?" tumango ako.
Niyakap nya ako at hinalikan sa noo.
"Mahal na mahal kita bunso." tuluyan ng bumuhos ang luha ko.
Sorry kuya.
__
INAAYOS ko na yung pagda-drop out ko. Ang dinahilan ko ay personal issue na totoo naman. Hindi ko sinabi na 'ano nabuntis po kasi ako' nakakahiya naman kung ganon.
Bago pa lang ako dito, hindi man lang tumagal ng isang buwan pero kahit ganon ay mamimiss ko to.
Nakita ko si Brent kaya agad na tinawag ko sya. Kumaway ako sa kanya, lumapit agad sya.
"Kamusta na kayo ni baby?" nakangiti nyang tanong.
"Okay naman." masaya kong sabi. "Nasabi ko na sa tatay." wala syang sinabi at nag-aantay lang sa sagot ko.
"Ayaw nya." malungkot kong sabi. Nalungkot din sya.
"Pero kakayanin ko naman e, kakayanin naman kaya chokey lang." i try to be okay but i failed.
"Magda-drop out na rin pala ako, yun yung gusto ni kuya."
"Mas mabuti yon Roana. Kailangan mong magpahinga na lang. Di na muna ako pupunta sa training, let's go ihahatid na kita sa bahay nyo." sabi nya.
Umiling ako. "Wag na, kaya ko pa naman."
"No tara na, biro lang yung di ako pupunta siguro malelate lang. Let's go." wala na akong nagawa kaya eto naihatid nya na ako sa bahay.
Kumaway ako sa kanya. Ngumiti lang sya at kumaway din pagkatapos ay umalis na rin. Pumasok ako sa bahay namin at dumeretso sa kwarto, kinuha ko yung cellphone ko at inopen yung twitter.
This will be my last tweet to him.
I should hate you but i can't, i still love you. But that love will rest now, ingat lagi! Bye for now. /RicciRivero06
Alam ko namang hindi nya mababasa yun.
Nagtweet din ako sa fanpage ko.
Bye fam.
Alam kong magtataka sila pero bahala na.
Pumunta ako sa kusina at binalatan yung mangga, limang mangga.
Kinain ko yung kasama yung alamang na niluto ni kuya.
Sarap talaga ng mangga.