01

1574 Words
"Oh my gad, he liked me tweet!!" tumili ako at nagtalon-talon sa maliit kong kwarto. "Ano nanaman ba ang nangyayari sayo Roana?" tanong ni Kuya. "Ni-liked ni Ricci yung tweet ko sa kanya kuya!" masaya kong sabi. Napa-iling na lang sya at ngumiti. Alam ni kuya kung gaano ako kabaliw kay Ricci at sinusuportahan nya ako don. Ako ang admin ng Official Riccinatics, at talagang inaangat ko ang fansclub ni Ricci para masuportahan sya. At this school year ay mag-aaral na ako sa La Salle, we're in the same year, he's sophomore and i am too. Lahat ginawa ko para makapasa sa test dahil twenty slots lang ang inopen para sa scholarship. At isa ako don sa nakakuha, ganon ko kamahal si Ricci. At gagawin ko ang lahat para lang makapasok sa La Salle. At sobrang excited na ako makapasok sa La Salle, kahit malayo sa bahay namin aba okay lang. Magiging worth it naman. Kung ano ang course na kinuha ni Ricci ay yun din ang kinuha ko, dahil para maging kaklase ko sya. Alam kong ang desperada ko pero wala e, masyadong nabihag ni Ricci ang aking puso. Kinuha ko yung cellphone ko na Samsung na second hand na lang nung binili ko, inipon ko pa iyon para lang mabili ang cellphone na to. Binuksan ko yung twitter account ko at as usual, flood na naman. The great thing is na-followback na ni Ricci yung Riccinatics fanpage ko. Post lang ako ng post ng pictures nya, mga updates sa kanila. Mga BrenCci, ang loveteam sa Green Archers. E pano ba naman kasi mas matamis pa sila sa asukal kung maharutan ang dalawang yon. Sa periscope, sa IG live nila. At syempre sa family mismo ni Ricci, ang Rivero Fam. I really admire their family, simulan natin kina Tita Abi at Tito Paolo. They love each other, yung relationship nila ay sobrang strong. At yung Rivero Brothers, lahat sila lalaki at wala man lang babae. Kaya nga kung makakabuo pa sina Tita Abi at Tito Paolo, nako ang swerte ng magiging bunso nila at kung babae pa yon. At sana ako na lang yon, charot. Ako ang magiging future Mrs. Ricci Rivero. Minsan okay lang talaga mangarap mamsyi. Sana nga ganon din ang pamilya ko, sana buo kami ngayon. Sana hindi kami iniwan ni Mama at Papa, sana hindi sila nagkaroon ng ibang pamilya. Ang unfair nga e! Alam mo yung ang sakit lang, na kami ni Kuya ay kailangan pang maghanap-buhay para lang mabuhay kaming dalawa. Mayaman ang pamilya ni Papa, masaya ang pamilya ni Papa ngayon. Okay sila, tatlong ang anak ni Papa. Ganda't gwapo, syempre nasa genes ni Papa. Pero mas maganda at gwapo kami ni Kuya. Si Mama naman ay ganon din, nakapag-asawa si Mama ng mayaman. Masaya sila, okay sila. Ano pang magagawa namin, e okay na sila. Bakit pa namin sila guguluhin. "Basta ikaw Roana, wag puro Ricci ang atupagin mo sa school na yon. Mag-aral ka ng mabuti." tumango-tango ako habang nakangiti. "I know that kuya." confident kong sabi. "O sige matulog ka na, at bukas na ang pasok mo diba?" tumango ako. Oo bukas na ang pasok ko! Andito na ako sa school na to, parang kagabi lang excited na excited na ako. At eto na, nandito na ako. Sana makita ko si Ricci, makapagpapicture lang naman ako sa kanya. Tinignan ko yung sched ko, pumunta na agad ako sa room ko. Ang ganda dito, ang laki ng school. Tapos yung mga tao dito halatang mayayaman talaga pero mukhang mababait naman. Yung iba nga lang na babae, medyo mataray dahil may nanaray sa akin kanina. Habang lilinga-linga ako sa school ay may nakabangga ako, nakakainis naman. Napaupo ako sa sahig. "Look i'm sorry miss, but i think it is your fault." sabi ng boses na lalaki. Tinignan ko kung sino yan. Parang tumigil yung mundo ko. "R-ricci?" utal kong sabi. Tumaas ang isang kilay nya. "What?" "Sobrang fan nyo po ako!" masaya kong sabi. Pero wala lang syang reaksyon. Akala ko ngingiti sya o matutuwa, pero mas naging iritado yung mukha nya. "Look miss, i'm really tired. Galing pa ako ng training." mahinahon nyang sabi. "Talaga? Galing ka sa training?" parang mangha kong sabi. "Yes kaya pwede ba, pagpahingahin mo muna ako. May next class pa ako." iritado nyang sabi at parang pagod. "Sige sige pero pwede ba papictu---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil umalis na sya sa harapan ko na parang wala ng pake sa sasabihin ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero nasaktan ako. Pero sabi nya pagod sya, kaya iintindihin ko na lang. Siguro next time na lang ako magpapapicture sa kanya. Kahit mahirap ay inisip ko na wala na lang nangyari kanina. Pumunta na ako sa classroom ko nang lutang ang isip. Deretso akong pumasok sa room. "Hindi ka lang ba mag-gigreet sa proffesor mo?" mataray na sabi ng prof namin. Bumalik agad ako sa may pinto, yung lutang kong isip ay nawala. First day na first day late ako, shunga mo Roana!! "I'm sorry i'm late po ma'am." sabi ko. "I SAID GREET! TANGA KA BA?" nagulat ako ng biglang sumigaw yung prof namin. Tumawa yung mga kaklase ko. "Good morning po mam." agad na sabi ko. Bumulong pa sya ng 'bobo' na nabasa ko sa bibig nya. Umupo ako sa pinakadulo, napahiya agad ako unang araw pa lang. Maraming diniscuss si Ma'am. May isa pang late, tinignan ko kung sino yun at si Ricci yun. Bumati sya sa prof at hindi man lang ito nagalit kahit late na late na sya. Ano nga namang magagawa ko, athlete si Ricci. Pero bago ako mainis ay naisip ko na magiging kaklase ko si Ricci, omg! Umupo sya sa tabi ko dahil yun na lang ang vacant. "Hi Ricci!" bati ko sa kanya. Tumingin sya sa akin. "Tsk, ikaw nanaman?" iritado nyang sabi. Ipinagwalang bahala ko ang pagiging iritado nya. "Sabi ko na nga ba e! Magiging kaklase kita, omg i'm so lucky." masaya kong sabi. "Masaya ka?" malamig nyang sabi. Tumango ako at ngumiti. "Ako? Hindi ako masaya." malamig nyang sabi, umikot ang mata nya at itinuon ang pansin nya sa harap. Siguro pagod lang sya. "Ayaw mo ba yon Ricci, marami kang fans. At isa ako don diba." masigla kong sabi. Hindi nya ako pinansin. Ngumiti na lang ako, siguro mamaya ko na lang sya kakausapin. Nagpatuloy ang pagdi-discuss ng prof namin about his rules and regulations. At hindi na ako nakinig, bat ko sya papakinggan pinahiya nya kaya ako kanina. Kung may attitude sya, may mas attitude ako. Dahil sa nakikita ko, may favoritsm sya. Mabilis na nag-dissmiss. Tumayo agad si Ricci. "Ricci!" hinawakan ko yung braso nya. "What?" iritado nyang sabi. "Baka pwede ako sumama sayo, hindi ko kasi kabisado pa yung school." totoo yon. Hindi ko pa kabisado kasi ito. "Find it yourself Miss, i don't entertain a fan." malamig nyang sabi. Hinawi nya yung kamay kong nakahawak sa braso nya. May narinig akong tumawa, tinignan ko sila at inirapan lang nila ako at saka sila tumawa ulit at sinabihan pa akong loser. Hindi ko na lang sila pinansin. Lumabas na ako ng room, tinahak ko ang mahabang hallway. Bumaba ako at nakita ko ang cafeteria. Tumakbo agad ako at pumasok sa loob. Grabe ang laki at ang ganda, tapos airconditioned pa. Pumila ako. Nang ako na ang nasa unahan ay nalula ako sa price ng pagkain. Napatingin ako sa mga pagkain. "Hindi ka ba bibili? May nakapila pa sa likod mo." sabi ni ateng namamahala. Tinignan ko ang wallet ko. 57 pesos lang yung pera ko tapos yung mga pagkain ay nasa 200 pataas. Umiling ako. "Hindi na po hehe, busog pa po pala ako." umalis na agad ako don. At lumabas ng cafeteria. Ang mahal naman ng bilihin dito. Gutom na gutom na ako, nakulo na ang tyan ko. Pero wala akong magagawa kundi magtiis. Pumunta na ako sa next subject ko. Naabutan ko si Ricci don. Tumaas ang sulok ng mga labi ko. "Hi Ricci!" bati ko sa kanya. Hindi nya ako pinansin pero alam kong narinig nya ako. Nagce-cellphone sya, nagti-twitter exactly. Umupo ako sa tabi nya at tinignan kung anong ginagawa nya. Nagbabasa lang sya ng twitter feed nya. "Ricci yung na-follow mo na Riccinatics akin yon." masaya kong sabi. "Really?" ngumiti sya ng sarcastic. Pumunta sya sa profile ng fanpage ko at nagulat ako nung inunfollow nya yon. "Hala bakit mo inunfollow?" gulat kong sabi at nanghihinayang. "Bakit? Bawal mag-unfollow? Twitter ko naman to." mapang-asar nyang sabi. "Alam mo namang pinaghirapan ko yun diba na mapansin mo ako non?" parang magka-c***k na yung boses ko pero tinatagan ko pa. Pinakita nya pa sa akin na may finollow syang isang fan din. "Ricci i-follow mo ulit please." pagmamakaawa ko. Umiling-iling lang sya. "Why would i? Kung ikaw rin naman pala nagha-handle edi mas better na i-unfollow right?" tumawa sya. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya pero alam kong mabait sya, mabait sya sa mga fans nya. He treat his fan as his friend, mas lalo na sa mga babaeng fan nya. Binuksan ko yung cellphone ko at nag-notif agad sa akin na minention ako ng ibang fps ni Ricci na inunfollow ako hindi na naka-follow si Ricci sa akin. Pinatay ko na lang ulit. "Sige okay lang na i-unfollow mo yun, parang yun lang." siniglahan ko yung boses ko. Hindi ako susuko sayo Ricci, papatunayan ko sayo na ako yung number one fan mo. Na ako yung deserving na makuha yang atensyon mo. Ako yon Ricci, ako yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD