Nag-dissmiss na at uwian, tinignan ko yung oras. 6 na ng gabi.
12 pasok ko, at 6 naman ng gabi ang tapos ng class namin.
"Ricci." tawag ko sa kanya.
"Ba-bye Ricci, ingat ka sa pag-uwi!" sabi ko sa kanya. Alam kong narinig nya ako, nauna na akong lumabas ng classroom.
May trabaho pa kasi ako sa isang fast food, malapit lang naman dito at sa taft rin. Nilakad ko na lang at nakarating na ako dun.
Tinext ko muna si kuya.
To: Kuya
Kuya dumeretso na ako sa trabaho ko, ingat ka.
Nagreply naman agad sya.
From: Kuya
Okay, ingat ka. May gig ako ngayon, 9 na ako makakauwi. Ganun din ang oras ng uwi mo diba? Gusto mo bang sunduin kita dyan?
Text ni kuya.
To: Kuya
Wag na kuya, lalakad na lang ako. Para makatipid rin.
Reply ko. Nagreply din naman agad si Kuya.
From: Kuya
Magjeep ka Roana, delikado sa daan.
Reply nya.
Tumawag na si kuya, sabi na nga ba e hahaha.
"Hoy Roana, magjeep ka!" sigaw nya. Ang ingay sa lugar nya, malamang bar yun e!
"Oo na kuya!" tumawa ako. Pero hindi ko rin naman sya susundin. Tsaka 1 kilamiters, oo 1 kilamiters lang naman ang lalakarin ko kaya keri na yon.
"Oo pero hindi mo naman susundin, basta mag-ingat ka. Magdadala na lang ako ng pagkain mamaya, i love you bunso." malambing nyang sabi.
"I love you too kuya ingat."
Pinatay ko na agad yung linya. Pumasok na ako sa fast food chain na aking pinagtatrabahuhan. Sinuot ko na ang uniporme ko at nagsimula ng magtrabaho.
Natapos ang tatlong oras at nakuha ko na ang pay ko. 350 pesos lang dahil 3 hrs lang naman ang pagtatrabaho ko.
As usual naglalakad ako sa oras na ito, mga 45 mins lang naman siguro ang paglalakad ko. Kasi kung sasakay ako ng jeep mas kakainin ang oras ko dahil bukod sa traffic mahirap sumakay kaya lakad na lang tayo noh.
Sa tantya ko mga naka-500 meters na ako. Charot, pero medyo malayo pa naman pero konting kembot na lang. Tumawid ako dahil wala naman medyong dumadaan pero nagkamali ako.
May bumusina ng malakas kaya naman napatumba ako sa gulat na akala ko nabundol na ako. Tumayo agad ako at kinatok yung bintana nung kotse.
"HOY ANO BANG PROBLEMA MO?!" sigaw ko pero mukhang walang balak buksan ng driver ang bintana nya. Tinted ang kotse, nakakahiya naman kung dudungawin ko ang nasa loob.
Umirap na lang ako at ipinagpatuloy yung paglalakad ko padako sa aming bahay.
Dapat talaga nag-jeep na lang ako. Muntik pa akong masagasaan.
Nakarating ako sa bahay at andun na si kuya. May pagkain na sa lamesa.
"O kumain ka na muna, alam kong naglakad ka dahil matigas yang ulo mo. Si mingming kumain na kaya wag ka ng mag-alala at tulog na rin sya." sabi ni kuya. Well mukhang magigising sya mamaya. Dahil guguluhin ko sya, swswswswswswsw.
Kumain na kaming dalawa ni kuya. Hindi na kami nag-usap pa at parehas kaming pagod din at gusto na magpahinga.
Bago ako pumasok sa kwarto ay humalik muna si kuya sa noo ko.
"Tulog na agad hah, wag munang ricci ricci na yan." tumango ako. Pumasok na ako sa kwarto ko na hindi kalakihan.
Nilatag ko yung kutson at pinatungan yon ng bedsheet.
Humiga muna ako at tinignan ang kisame.
Nastress ako kay Ricci, di ko akalain na ganito kahirap. Pero syempre never give up.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan yung twitter, nabasa ko ang mga nag-mention sa fanpage ko na nanghihinayang daw sila at tinatanong kung bakit inunfollow ni Ricci.
7K din kasi ang followers ng fanpage ko kaya marami ding nakapansin.
Papikit na ang mata ko kaya nagtweet na muna ako.
Hi, RicciRivero06. Good night papi, ingat ka lagi. Always remember, mahal ka namin.
Tweet Sent.
Binuksan ko naman ang isa kong account.
RicciRivero06, i still love u. Dito lang ako paps.
Tweet sent.
Alam kong hindi nya yon mababasa dahil flood yun lagi.
Hindi na ako nagbihis pa at natulog na.
Ricci's P.O.V.
Maraming nakapansin na may inunfollow akong isang fanpage.
Pero hindi ko na pinansin.
Tinignan ko ang orasan ko at 9 na ng gabi.
Nagtraining pa kasi kami, yun kasi ang gusto ni Coach. Para pag dating ng laban ay madali na lang.
Dumeretso ako sa kotse ko at nagdrive na. Tinahak ko ang kalsada, lumiko ako sa hindi traffic nang biglang may tumawid kaya naman bumusina agad ako.
Bat sya tumatawid nang hindi man lang tumitingin sa kaliwat kanan nya. Kinatok nung babae yung bintana ko at napagtatantong sya yung kaklase ko na fan ko.
Pati ba naman dito guguluhin ako ng babaeng to, at bakit ba kasi ngayon lang sya uuwi? Kanina pa ang uwian namin. Gabi na tapos babae pa sya tapos naglalakad pa.
"HOY ANO BANG PROBLEMA MO?" narinig ko yun kahit mahina dahil ang lakas ng sigaw nya. Hindi ko binaba ang bintana. Inirapan nya lang ako at naglakad na sya ulit.
Pinaandar ko na ulit yung kotse ko, hindi ko na nakita yung babaeng yun dahil ang bilis nya maglakad.
Matagal pa bago ako nakarating sa bahay. Humalik agad ako kay Mama.
"Ma si Prince?" tanong ko kay Mama.
"Tulog na. Ikaw kumain ka muna pagkatapos ay matulog okay?" tumango ako. Hindi kasi pumasok si Prince kanina at may sakit.
Hinalikan ako ni Mama sa pisngi at pumunta na sya sa kwarto nya.
Dumeretso ako sa kusina at kumain.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko.
Nakakapagod maging athlete at the same time estudyante. Pagod na sa training, pagod pa utak mo pag may klase na. Pero eto yung gusto ko, kaya kailangang mag-pursige.
Binuksan ko yung cellphone ko at tunog yon ng tunog.
Tinignan ko ang notifications ng twitter ko.
Maraming nagti-tweet pero isang tweet ang napansin ng atensyon ko.
/martineroana_
RicciRivero06, i still love u. Dito lang ako paps.
Pinindot ko ang profile nya. At nagulat ako na sya pala ang nagtweet sa akin.
Dapat ay mainis sya sa akin.
Pero mas lalo lang akong naiinis sa kanya.
Masisisi nyo ba ako, ang desperada nya sa atensyon ko.
Ako tao lang rin ako, nahihiya ako pag may nagpapapicture sa akin at sa loob pa ng school. Okay lang kung mga kaibigan ko or schoolmates pero sya fan, fan lang. Yes, i'm rude to her i admit it.
Ayoko lang sa kanya.
Pinatay ko na ang cellphone ko at pinikit na ang mata ko.
__
"Hi paps." bati nya. Di ko na lang sya pinansin.
Galing pa akong training, training sa umaga training sa gabi. Wala na akong pahinga tapos guguluhin nya pa ako.
"May binili ako, shawarma nabili ko lang sa labas. Gusto mo?" alok nya sa akin. Mabango yon at nakaka-akit ang amoy, pero hindi ko yun tinanggap. Ayoko lang.
"Okay." binalik nya na lang ulit yon sa bag nya.
"Alam mo paps kagabi may muntik na sumagasa sa akin, nakakainis." pagku-kwento nya.
Napangisi ako. "Ako yon."
"Hah? Ikaw yon? Hala sorry kung nasigawan kita. Di ko naman alam na ikaw pala yon." bigla nyang sabi. Hindi yan ang inexpect ko na sasabihin nya, ang akala ko ay magagalit sya pero hindi.
"Hindi ka lang ba magagalit?" tanong ko.
Nanlaki ang mata nya na agad na napalitan ng pag-ngiti at saka umiling. "Kasalanan ko rin naman. Tsaka mag-iingat na lang ako sa susunod." sabi nya.
"Bat kasi naglalakad ka dis oras na ng gabi." di ko maiwasang sabi. Dahil ako pag ganoong oras ay hindi ko gagawin na maglakad pa.
"Para makatipid paps, aba para saan pa tong mga paa ko kung hindi ko gagamitin tsaka one kilamiters lang naman."
Yeah one kilometers, with 's'.
Kahit gusto kong magreact ay hindi ko na lang pinansin.
Di na ako nakipag-usap sa kanya, i should distance myself from her.
I don't like her presence.
Pagka-dissmiss ay dumeretso na ako sa next subject ko, hindi na ako bumibili ng pagkain dahil after ng training ay kumakain na rin ako at busog pa ako.
Mabilis na nakarating ako sa next room ko nang makasalubong ko si Michelle.