"Hi, i'm Roana. Oh my gad Aljun ang cute mo, hi Kib the captain. And Caracut, ang gugwapo nyo hehe." pagbati ko sa kanila. "Paano naman ako Wanana?" tanong ni Brent. "Hi brent, sawa na ako sa pagmumukha mo." napa-pout sya. I hug him tight. "Joke lang, i miss you." sabi ko sa kanya. "Roana bitaw ayoko pang malumpo." biglang sabi nya. Agad na binitawan ko sya, anong ibig sabihin nya? Sinundan ko ang tingin ni Brent, at kay Ricci sya nakatingin. Tinignan ko si Ricci. Uh oh. Masama ang tingin nya kay Brent. "Hoy Ricci, bat ang sama ng tingin mo kay Brent?" tanong ko sa kanya. Lumambot agad ang ekspresyon nya. "Anong masama? Di kaya. Baby, hug me." niyakap nya si Brent. "Pucha, di pa rin talaga nagbabago mga bakla pa rin." Kib said. "Kayo pa rin ba ni Desiree?" tanong ko sa kanya.

