AGAD na dumiretso ako sa sinehan pagkatapos ng training ko, oo panonoorin ko yung Moana. Nagbanta na si Roana, kaya kailangan kong panoorin yon. Kailangan kong pahalagahan si Mother earth. Nagsimula na ang movie, pinigilan kong hindi maantok dahil inaantok na talaga ako, pagod pa ako dahil galing sa training. Di ko alam kung bakit umiiyak ako sa movie na 'to, ang galing galing Moana pucha. Napakatapang nyang babae, sa tulong na rin Maui kaya nabalik nila yung heart ni Mother Earth. At ang ganda ni Mother Earth, dapat nga talaga pahalagahan ang kalikasan. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit umiiyak si Roana sa movie na 'to, nakakainis dapat hindi ako umiiyak e, ang bakla kong tignan. Tumayo na ako at lumabas ng sinehan, nagsuot ako ng shades at ng mask. Mahirap na at baka may maki

