"NAKIPAG-AWAY ho itong anak ninyo. Sinuntok nya ang kaklase nya." paliwanag ng principal. Tinignan ko si Rye na nakayuko lang, nasa tabi nya si Ricca. "Rye bakit mo sinuntok yung kaklase mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot, at mukhang walang balak sumagot. "Ma yung kaklase namin may kasalanan. Inaasar nya kami na wala daw po kaming papa." napatigil ako sa sinabi ni Ricca. Napatingin sa akin yung principal. Tumingin ito sa naka-away ni Rye. "Is that true Joseph?" tanong ng principal. Kasama neto ang nanay nya. "Totoo naman na wala po syang papa." sabi nung Joseph. Ayoko ng palakihin pa. "Sorry miss for my son punching your son. But i think it's his fault. Mam aalis na po kami. Sorry sa abala." pagpapaalam ko. Hinawakan ko ang kamay ng dalawa kong anak at lumabas sa

