HINAWAKAN ko ang dalawang kamay ng dalawa kong anak. Umalis na sila Roana at kuya nya. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang nangyari, she's a great mother. Napalaki nya ng maayos ang anak namin. Inutusan ko si Gelo na tawagin lahat ng kapatid namin at si Mama pati Papa pati na rin ang Manny Team na pumunta sa dining. Naabutan ko naman na nandun sila. Lumipat ang tingin nila sa dalawang bata na hawak ko. "Who's that Little kiddos Ricci?" tanong ni mama. Nakangiti ito habang tinitignan ang dalawa. Pero napalitan ito ng pagtataka at tinitigan yung dalawa. Binuhat ko ang dalawa sa magkabilang braso ko. "Mga anak ko ma." Expected ko na ang magiging reaksyon nila. Nagulat silang lahat specially mom and dad. Tumingin ako sa Manny Team, they look shocked except Brent na ikinata

