PAGGISING ko ay nandito ako sa isang kwarto, at ramdamn ko ang malambot na kama na kinahihigaan ko. "Okay ka na ba bunso?" tanong ni kuya. "Na-stress na ako kyah." tumawa naman ito. Nasa tabi ko si Rye at si Ricca naman naka-kandong sa mga binti ni Ricci. Bumangon ako at sumandal sa headboard. "Iwan ko muna kayo. Kambs, let's go." lumapit naman sa kanya yung kambal. "Hoy gunggong, umayos ka ng hindi dumikit tong mga kamao ko sa mukha mo." pagbabanta ni kuya. Tumango lang si Ricci. Tinignan nya ako at tinignan ko rin sya. Mukhang wala syang balak magsalita. "Happy birthday Ricci." bati ko sa kanya. Pero wala lang syang reaksyon. "Come to me." biglang sabi nya. "Hah?" napatanga ako. Ano daw? "I said come." pag-uulit nya. Edi lumapit nga ako. Wala pa rin syang pinagbago,

