"Nood kayo game ko please, please." pagpipilit ni Brent. "Sinabing hindi nga pwede diba! Paano pag nakita kami ni Ricci don." sabi ko sa kanya. "Maraming tao bukas sa Araneta, imposible yon, tsaka patron naman yung tix nyo kaya medyo malayo. Dapat nga VIP pero hindi pwede, please Roana ko!" pagpipilit nya. Napangbuntong-hininga ako. Ano pa nga bang magagawa ko. "Oo na sige na!" napangiti sya at hinalikan ako sa pisngi. Agad ko sya tinampal sa pingi. Nangunot yung noo nya at napahawak sa pisngi. "Sinabi ko bang halikan mo ako sa pisngi hah?" singhal ko sa kanya. Inirapan nya lang ako. Aba naman. _ HINDI ko alam kung ano ang ginawa ni Brent para papasukin ang dalawa kong anak dahil sa edad ng mga anak ko ay bawal pa. Nakaupo kami sa patron seat, ang ganda ng pwesto namin at hal

