Tinext ako ni Prince na pumunta sa bahay namin dahil may sasabihin sya. Hindi siya nakapaglaro kanina kaya hindi kami magkasama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Mga anak ko sila, mga anak ko. Hindi lang isa ang anak ko kundi dalawa. Mabilis akong nakarating sa bahay, maraming pagkain ang nasa hapag. At tila ako nalang ang inaantay. Hinalikan ko ang nanay ko sa noo, at si Papa naman ay niyakap ganun din sa mga kapatid ko. Nagsimula na kaming kumain. Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay nagsalita si Prince. "Eileen is pregnant." masaya nyang sabi. "Really kuya?" masayang tanong ni Riley. "Yes, kahapon lang namin nalaman." sagot nya habang may mga ngiti pa rin sa kanyang labi. "I'm so proud of you anak." sabi ni Papa. Ngumiti lang si Prince. Hindi ko a

