“I'm excited to see Lola,” nakangiting sabi ni Joaquin sa kanyang ama. Nasa airport sila upang sunduin si Donya Gabriela na galing sa ibang bansa para bisitahin ang nag-iisang kapatid.
“Yeah, she had been away for a month,” dagdag ni Joaquim.
“Ang akala ko ay aabangan mo si Camila kaya ka nagpunta dito,” sabi naman ni Nicole na agad na sumama ng makitang paalis ng kumpanya ang mag-aama.
Normally ay hindi hinahayaan ni Dylan na magpunta ang kambal sa kumpanya. Kaya naisip ni Nicole na may lakad ang mga ito kaya hindi na siya nagsayang ng pagkakataon.
“Kaya ka ba sumama ay inakala mong ai Camila ang sadya namin dito?” tanong ni Dylan sa babae na alanganing ngumiti bago tumugon.
“Y-Yes. Naisip ko, baka kailanganin mo ng–”
“Kasama ko ang mga anak ko. Alam mo na hindi ako nagtatrabaho whenever they're with me.” Walang kahit na anong emosyon si Dylan ng tumugon. Ayaw niya kasing isama talaga si Nicole ngunit nagpilit. At dahil kahit papaano ay malapit ang kambal sa kanya, hindi na kumibo pa ang lalaki.
Nagtinginan sina Joaquin at Joaquim dahil dama nilang hindi gusto ng kanilang ama ang presensya ng kanilang Tita Nicole. Naisip nila na bad mood na si Dylan ng dahil sa kanila.
“Tita Nicole, nangako sa amin si Dad na sa amin ang oras niya ngayon,” sabi ni Joaquin sa babae.
“Aba, talaga ba? Magandang balita yan ah,” masayang tugon naman ni Nicole. “At least sa pagdating ng lola niyo ay kumpleto tayo ngayon.”
Ang lapad ng ngiti ni Nicole sa sobrang saya dahil naisip niya na maghapon silang magkakasama ni Dylan. Ngunit hindi niya napansin ang pagsimangot at paninigas ng panga ng lalaki.
“Juliette is not here, paanong kaming naging kumpleto?” tiim ang bagang na tanong ni Dylan. Kita sa mukha niya ang disguto sa narinig na mga salitang lumabas kay Nicole.
“Ang ibig kong sabihin ay–” Hindi na naituloy pa ni Nicole ang sasabihin dahil biglang nagsalita si Joaquim na mas matanda lang ng ilang minuto kay Joaquin.
“We will never be complete hanggat hindi pa bumabalik si Mommy, Tita.” Bakas sa mukha ng bata ang lungkot.
“Mommy!!!” Sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Joaquin ng bigla itong sumigaw. Ang mga mata ay nakatutok sa kanilang kanang bahagi at nanghahaba pa ang leeg na tila pinipilit na makita ang taong isinisigaw. “Mommy!!!”
Nanakbo si Joaquin at dala ng pag-aalala ay mabilis siyang hinabol ng kanyang ama na hawak na rin si Joaquim. Malakas ang kabog ng dibdib n Dylan. Although hindi siya totally naniniwala sa nakita ng anak dahil sa nakalipas na limang taon, halos lahat ng nakikita nito na babae na kamukha ng ina ay hinahabol din nito, ay hindi niya mapigilan ang makadama ng pag-asa.
“Dylan, wait–” Hindi na nagawa pang matapos ni Nicole ang pag-awat at nanakbo na lang din para sumunod sa mag-aama. “Damn, bwisit kang Juliette ka. Talagang hindi mo patatahimikin si Dylan ah!”
“Mommy!” sigaw ulit ni Joaquin bago tumigil sa pagtakbo. Naabutan siya nila Dylan at Joaquim na umiiyak. “Dad, nakita ko si Mommy. I’m sure she saw me dahil tumingin siya sa atin but she just turned her head and walked away…”
“Shh… Hindi ang Mommy mo yon dahil hindi niya magagawang talikuran ka or si Joaquim. Mahal niya kayo,” sabi ni Dylan upang palubagin ang kalooban ng anak.
“No, Dad. Galit siya sa amin kaya kaya hindi niya ako pinansin. And she has kids with her too. Dad, may iba na kayang pamilya si Mommy? May iba na ba siyang anak? Hindi na niya kami mahal…”
Nakadama ng awa si Dylan para sa anak. Hindi niy alam kung totoo pa ba ang pinaniniwalaan niya na hindi matitiis ni Juliette ang kambal, pero iyon parin ang gusto niyang isipin. Pinilig niya ang ulo at tsaka hinarap ang kambal.
“Mahal kayo ng Mommy niyo, tandaan niyo yan. Lahat ng nanay ay ganon. They can get mad at their husbands but never with their children, okay?”
“What if totoo ang sinabi ni Joaquin?” biglang tanong ni Joaquim dahilan upang tumingin sa kanya ang ama.
“What do you mean?” tanong ni Dylan.
“What if totoo ang sinabi ni Joaquin na may kasamang ibang bata si Mommy. What if may iba na siyang family? Will she still love us?” Hindi nakasagot si Dylan dahil hindi din niya alam ang sasabihin. Pero isa lang ang sigurado siya.
“Your Mom and I are married kaya hindi siya makakapag-asawa na lang basta. Kaya ‘wag kayong masyadong mag-isip dahil mananatili niyo siyang Mommy kahit na anong mangyari.” Nagdasal si Dylan na sana ay maging okay na ang mga anak. Hindi niya gustong nakikita na nalulungkot ang kambal, lalo na tuwing sinisisi ng mga ito ang sarili sa pag-alis ni Juliette.
“Wag kayong mag-alala, nandito naman ako. I can be your Mom kung–”
“Shut up, Nicole. This is not the time para pasukan mo ng kung ano-ano ang isipin ng mga anak ko.” Masama ang tingin na pinukol ni Dylan sa babae.
“I-I’m sorry. Naisip ko lang na masyado ng nasasaktan ang mga bata dahil sa kapabayaan ni Juliette tapos sila pa ang–”
“Hindi naging pabaya si Juliette sa kanila. Alam mo yan.” Puno ng pagbabanta ang tinig ni Dylan na kung sakaling hindi pa titigil si Nicole ay hindi na niya alam kung ano ang magagawa sa babae.
Dama naman na ni Nicole ang galit ni Dylan kaya hindi na siya nagsalita pa. Pero sa loob-loob niya ay mas lalo pang tumindi ang galit niya kay Juliette.
Samantala, kakarating lang ng mag-iina ni Juliette sa airport at palabas na ng maulinigan niya ang pag-uusap ng isang pamilyang pilit niyang kinakalimutan. At hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang kambal at si Dylan na kasama parin si Nicole.
Narinig niyang darating ang lola ng kambal at naisip ni Juliette na mukhang maayos ang buhay ng mag-aamang iniwanan niya.
“Mommy, what are you looking at?” tanong ni Gener sa kanya dahilan upang ibaling niya ang tingin sa bata. Ngunit bago yon ay nagtama muna ang mata nila ng isa sa kambal.
“Mommy!” Narinig pa niyang tawag ni Joaquin ngunit hindi na niya ito nilingon pa at nagpatuloy na sa paglalakad kasama ang mga anak, si Camila at ang kuya nito na si Andrew na siyang sumundo sa kanila.