Chapter 6

1654 Words
“Sir, nakarating po sa amin ang balita na ang StoryBank ay may opisina na dito sa Pilipinas.” Nag-angat ng tingin si Dylan at nakita ang kanyang assistant na nakatayo na sa harap ng kanyang table, hawak ang cellphone na tila may tinitignan doon. “Sigurado ka?” tanong niya na tinugon ni Meynard ng marahan na tango. Napaisip si Dylan na mukhang ang pagkakataon na mismo ang nagsasabi na ituloy niya ang project na matagal na niyang pinaplano. “May exact location na ba kung saan?” tanong pa niya. “Ayon sa source natin, sa Romano Building nakarehistro ang kanilang opisina. Two weeks ago pa po ito kaya malamang na maging operational na sila.” “Anong dahilan ng pagkakaroon nila ng physical office dito?” takang tanong pa ni Dylan. Hindi sa mahalaga sa kanya ang tungkol sa bagay na yon. Matagal na kasi niyang gustong isapelikula ang mga story na eksklusibong nasa app nila. “Walang malinaw na dahilan. Pero maaaring dahil gusto din nila na magproduce ng pelikula mula sa app. According to our sources as well ay lumapit sila BDR to invest on them,” tugon ng kanyang assistant. Para kay Dylan ay napakahirap makontak or makita manlang ng “big boss” ng app. Wala itong social media account at tanging si Camila na kasosyo nito ang humaharap sa lahat. Kaya marami ang naku-curious. “Can you arrange a meeting? Once na masettle sila, gusto kong makausap ang big boss na tinatawag nila o kaya naman ay si Camila. Basta kahit na sinong may kakayahan na makipagtransact sa atin,” sabi ni Dylan na walang kamalay-malay na si Juliette na kanyang dating asawa ang siyang may-ari ng StoryBank. “Ano pong magiging reason natin, Sir? Mag-i-invest po ba tayo or yung plano niyo parin na kumuha ng rights para isapelikula ang ilang story sa app nila?” “Find out kung anong story ang isasapelikula nila. Tsaka tayo magdecide,” tugon ni Dylan. “Copy, Sir.” Tatalikod na sana si Meynard ngunit pinigilan siya ni Dylan. “May kailangan pa po kayo, Sir?” “What about Juliette's whereabouts?” Napayuko si Meynard sa tanong na iyon ng kanyang amo. Hindi niya mapigilan na makadama ng awa para dito dahil sa nakalipas na limang taon ay hindi din ito tumigil sa paghahanap sa babae. “Wala parin po, Sir.” Mahina lang ang boses ng assistant, halos ayaw lumabas ng salita sa kanyang bibig. “I see. Still, don't stop searching.” Bakas sa mukha ni Dylan ang lungkot ng sabihin ‘yon. “Yes, Sir.” Tumalikod na si Meynard matapos tumugon habang napapailing na lang. Hindi niya lubos maisip kung bakit ayaw parin tumigil ng kanyang amo sa paghahanap sa asawa gayong nung kasama pa niya si Juliette ay binabalewala naman din ni Dylan. “Mahalaga naman pala, bakit hinayaan niyang umalis?” sabi ni Meynard sa sarili ng tuluyan na siyang makalabas ng opisina. Alam niya na hindi pwedeng marinig ng kanyang amo iyon. Samantala, si Dylan na naiwan mag-isa ay sumandal sa kanyang upuan at inikot paharap sa floor to ceiling glass wall ng kanyang opisina. Nasa 35th floor siya at walang ibang makikita kung hindi ang iba pang gusali na mas mataas pa sa kinaroroonan niya, ngunit titig na titig parin siya sa labas na akala mo ay nandoon ang matagal na niyang hinahanap. Napapikit si Dylan, at sa kadiliman ay bigla niyang nakita ang nakangiting mukha ni Juliette kasunod ang alaala ng mga panahong magkasama pa sila. Mga panahon kung saan sinasalubong siya nito pagdating mula sa trabaho. Mga panahon na inaalagaan pa silang mag-aama. Natigil ang pag-iisip ni Dylan kasabay ang pagdilat ng biglang may magsalita. “Dylan, is it true?” Excited ang boses ni Nicole na tila hindi makapaniwala. “What is it?” tinatamad na tanong ni Dylan kasabay ng pag-ikot ng kanyang swivel paharap sa kanyang table at nakita na niya doon nakatayo si Nicole. Nanlalaki ang mga mata at tila mahahati na ang mukha sa pagkakangiti. “Totoo ba na nagpaplano kang makipag collaborate sa StoryBank?” Napakunot ang noo ni Dylan. Katatapos lang nilang mag-usap ng kanyang assistant at wala pang konkretong plano tungkol doon ngunit heto na ang babae at nagtatanong. “Saan mo naman nalaman yan?” Dinampot ni Dylan ang isang folder na naglalaman ng kontrata ng isa nilang artist na dapat ay wala na siyang balak i-renew ngunit nakiusap ang manager nito kaya gusto niyang pag-aralan na mabuti. Hindi niya gusto na may isang tao na mawalan ng trabaho ng ganon-ganon lang din. “I overheard Meynard. H-Hindi ko naman sinasadya dahil napadaan lang ako. He was talking to someone over the phone asking for an appointment with the big boss of StoryBank.” “Sinusubukan palang niya na magka-appointment. Kilala ang big boss ng StoryBank na metikuloso kaya hindi ko pa inaasahan ang magandang resulta,” tugon ni Dylan. “Ahm, kung gusto mo talaga ay kakausapin ko ang pinsan ko na nagtatrabaho don.” Ang mga mata ni Dylan na nakatutok sa kontrata ay agad na pumaling kay Nicole. With that, alam na ng babae na nakuha na niya ang atensyon ng lalaki. “Ang pinsan ko ay assistant ni Camila. I can ask her to schedule a meeting if you want.” “May kilala kang nagtatrabaho sa StoryBank? At sa opisina mismo ni Camila?” Bakas ang disbelief sa mukha ni Dylan ngunit wala naman siyang maisip na dahilan upang magsinungaling si Nicole sa kanya. “Yes. Last week pa nagsimulang mag-operate ang office nila. At in two days ay padating na si Camila dito sa Pilipinas.” “Ibig sabihin bago pa lang ang pinsan mo. Sa tingin mo ba ay mapagbibigyan siya agad ni Camila?” tanong ni Dylan. “Kung by appointment naman, bakit hindi?” confident na tugon ni Nicole. Naisip ni Dylan na maaaring tama ang babae kaya tumango siya. “Kung magagawa mo yon ay thank you. But I am not forcing you to do it dahil inutusan ko na si Meynard. Ayaw kong isipin ng StoryBank na gumagamit ako ng under the table tactic para lang makaharap sila.” Hindi nakaimik si Nicole at tumango na lamang. Kapag seryoso si Dylan ay hindi na siya nagpupumilit pa dahil alam niyang magagalit lamang ito. Pero she reminded herself na tawagan ang pinsan niya para i-prioritize ang appointment na hinihingi ni Dylan. Gusto niyang magkaroon ng puntos sa lalaki dahil simula ng umalis si Juliette ay napansin niya na dumistansya na lalo sa kanya ito. Ang balak niyang pang-aakit dito ay hindi natutuloy. Ang kambal na malapit sa kanya ay palaging bukambibig narin ang kanilang ina, bagay na hindi nagugustuhan ni Nicole. “Kung wala ka ng sasabihin ay makakabalik ka na sa pwesto mo. May mga kailangan pa akong gawin,” malamig ang boses na sabi ni Dylan bago muling hinarap ang mga papeles na nasa table niya. “Are you still thinking about her?” tanong ni Nicole. Ang kamay ni Dylan na naglipat ng pahina ay nanatili sa hangin, nakaangat. “Simula ng umalis si Juliette ay puro na lang trabaho ang inatupag mo.” Matalim ang mga matang tinignan ni Dylan si Nicole na ngayon ay binalot ng takot. “Nandito ka sa kumpanya para magtrabaho at hindi para punahin ang mga ginagawa ko. I appreciate you looking after my kids kaya nga malaya kang nakakalabas-masok dito sa opisina ko. Pero hindi ibig sabihin non ay may “say” at pakialam ka sa mga gusto kong gawin.” “D-Dylan, w-wala naman akong ibig sabihin. Ayaw ko lang nakikita ka sa ganyang ayos mo ngayon.” “At anong ayos ko?” taas ang kilay na tanong ni Dylan. “Puro trabaho ka na. Halatang doon mo nililibang ang sarili mo. Kailangan ka ng mga bata, hindi ko mabibigay sa kanila ang atensyon na gusto nilang makuha mula sa kanilang ama.” Kung titignan ay parang concern talaga si Nicole. Kaya naman isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dylan dahil naisip niya na naging harsh siya sa babae. “I'm sorry, hindi ko intensyon na pagsalitaan ka ng hindi maganda.” “Wala iyon, alam ko naman na nahihirapan ka din na alagaan ang kambal na mag-isa. Kaya nga sana, makakita ka na ng babaeng tunay na mag-aalaga sa inyo.” Alam na ni Dylan ang gustong sabihin ni Nicole. Nalalaman din niya na ang pakikipaglapit ng babae sa kanya ay upang muli silang magkabalikan. Ngunit para sa kanya, tanging si Juliette lamang ang tanging babaeng pwedeng mag-alaga sa kanila ng kambal. “Kapag nagbalik na si Juliette ay maayos narin ang lahat.” Naikuyom ni Nicole ang kanyang mga kamao na sa sobrang higpit ay halos bumaon na ang kanyang kuko sa kanyang palad. Pero hindi siya nagsalita, bagkus ay ngumiti pa siya kay Dylan bago nagsalita. “Kung ganon, mas dapat na ihanda mo ang iyong sarili. Ayaw ko mang sabihin ngunit limang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon ay wala ka paring balita tungkol sa kanya. Hanggang ngayon ay ni hindi manlang siya tumawag sayo upang kumustahin ang kambal.” Sa loob-loob ni Dylan ay totoo ang sinabi ni Nicole. Alam din niya na maaaring siya lang ang umaasa sa pagbabalik ni Juliette. Ngunit naisip niya na ina parin siya ng kambal ay naniniwala siyang hindi niya matitiis sina Joaquin at Joaquim. “No matter what, hahanapin ko parin siya. At once na makita ko na siya ay gagawin ko ang lahat upang bumalik siya sa akin. Upang bumalik sa aming mag-aama si Juliette.” May pinalidad sa pagsasalita si Dylan. At base sa kanyang ekspresyon, alam ni Nicole na mahihirapan siyang akitin ang lalaki. ‘Wag na wag ka ng makabalik-balik Juliette,’ bulong ni Nicole sa isip habang nakangiti kay Dylan na walang kaalam-alam sa iniisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD