Vala’s POV Pakiramdam ko ay may tama na ako ng iniinom naming alak. Manginginom naman ako kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, pero kapag pala ganitong yayamanin ang alak, mabilis akong tamaan. “Vala, are you okay? Your face looks quite red?” tanong sa akin ni Herlyn habang nakangiti. “It seems like she might be drunk. Doesn’t she drink alcohol, Alaric?” tanong naman ni Grizelda. Siguro ay may tama na nga ako. Iba na rin ang pakiramdam ko eh. Parang kapag tumayo ako ay bubuwal na lang ako. “She’s used to drinking alcohol. That’s just how she gets when she starts feeling the effects of alcohol; her face turns red,” sagot naman ni Alaric kaya napangisi ako. Tinignan ko siya. Ang galing din niyang sasagot ng mga pakulo niyang salita. Mas lalo tuloy paniniwalaan ng mga pinsan niya na may

