Vala’s POV Ang sakit ng ulo ko nang magising ako. Pagdilat ng mga mata ko ay blangko pa ang isip ko. Para bang wala akong maalala sa nangyari kagabi. Napatingin ako sa magandang kisame nitong silid na kinaroroonan ko. Nasaan nga ba ako? Bumangon ako nang dahan-dahan at saka tinignan ang buong paligid. Doon ko lang napagtantong narito pa rin pala ako sa mansiyon nila Alaric. Dito na ako tuluyang nakatulog kagabi. Bumukas ang pinto at niluwa nito ang magkasalubong na kilay ng mama ko. Agad niya akong nilapitan. “Bilis, bangon na. Magbihis ka na.” Binigay niya sa akin ang dala-dala niyang damit na napakapangit. “Tulog pa silang lahat at wala pang gising kaya umalis ka na rito, anak.” Para akong magnanakaw. Wala naman akong ginagawang mali dito. Takot na takot siyang malaman na anak niya

