Vala’s POV
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mabangga ako ng lalaking ‘yon. At isang linggo na rin akong naghihintay na i-send niya sa bank account ko ang bayad niya sa cake na sinira niya nang mabunggo niya ako. Mabuti na lang at nakuhanan ko siya ng picture. Pasensya siya, nag-warning naman ako sa kaniya na kapag nang-scam siya, ipo-post ko talaga ang litrato niya sa social media para mapahiya siya.
Lumabas na ako sa kuwarto ko. Paglabas ko, nakaabang agad sa akin ang bunso kong kapatid sa ina na si Vince. Nakalahad agad ito ng kamay sa akin para manghingi ng pera. Kapag sabado, ganito siya, hihingi ng pera sa akin para sa panggala niya. Well, he does deserve to be given money because he’s intelligent and has excellent grades in school. I took some money from my wallet and then handed him a thousand pesos. His smile widened immediately upon receiving the money I gave him.
“Salamat, Ate. I love you.” Yumakap pa siya sa akin bago umalis.
Pagpunta ko sa kusina. Nagkatinginan kami ng step-father ko na si Apollo. Kahit hindi pa siya tapos kumain, tumayo na siya at saka niligpit ang pinagkainan niya.
We’re not close anymore. Dati, oo, but when I confronted him while I was drunk about his joblessness, he started avoiding me and ignoring me. I know I was wrong na sinabi ko ‘yon sa kaniya, but I hope he at least considered that I was just intoxicated at that time. Pero wala na eh, nangyari na ang nangyari kaya hinayaan ko na lang.
Siya ang ama ni Vince. Pangalawang asawa ni mama. Kaming dalawa ni mama ang nagtutulungan sa mga gastusin sa bahay. Mayordoma si mama sa isang malaking mansiyon na hindi ko alam kung sino bang pamilya ang pinaglilingkuran niya. Hindi naman kasi siya makuwento sa amin tungkol sa trabaho niya. Basta ang palagi niya lang sinasabi sa amin ay malaki ang kita niya roon at madali pa ang trabaho niya.
Wala na si mama dito sa bahay ngayon, madaling-araw pa lang kasi ay umaalis na ito para pumunta sa trabaho niya. Kaya naman ang step-father ko na lang na si Apollo ang tagaluto at tagalinis sa bahay para kahit pa paano ay nakakatulong manlang siya rito sa bahay. Kaya siya walang trabaho ay dahil naputol ang paa niya dahil sa isang aksidente. Dahil doon, hindi na siya makapag-work. Wala nang tumatanggap sa kaniya kaya talagang naging tahimik na tao na siya simula ngayon, na dati ay masayahin at sobrang ligalig talaga. Kawawa nga eh, tapos nakalasingan ko pa. Pakiramdam ko tuloy ay ang sama-sama ko sa kaniya. Pero hindi ko naman balak na patagalin ang alitan namin. Hihingi rin ako ng tawad sa kaniya, pero hindi muna sa ngayon dahil nahihiya pa ako.
**
Papunta na ako sa cake shop ko nang buksan ko ang phone ko. Nagmamaneho na ako ng sasakyan ko nang mamilog ang mga mata ko sa nakita kong napakaraming notification na galing sa social media ko. Nang pindutin ko kung ano ang dahilan nang maraming notification ay dahil pala sa lalaking nai-post ko.
“Hoy, ang kapal ng mukha mo, Miss Vala, para ganiyanin si Allaric!”
“CEO ‘yan ng sikat na alak dito sa pilipinas, imposibleng i-scam-in ka niya!”
“Limang libong piso, lolokohin ka ni Allaric, hell no! Story maker, papansin ka lang siguro sa kaniya.”
“Turuan ng leksyon ang babaeng ito!”
“Bobita ata ‘yan. Hindi kilala ang isang Allaric Sullivan na halos kahit anong bagay ngayon sa mundong ito ay kayang-kaya na niyang bilhin.”
“Si Alaric kaya ang isa sa kakilala ko rito sa Pilipinas na may mahal na kotseng nabili. Hundred million ata ang halaga niyon kaya talagang hibang ata itong babaeng nag-post na ‘to.”
“Bilyonaryo na si Allaric. Baka nga hindi lang eh. Kahit buhay mo, kayang-kaya niyang bilhin, Miss Vala!”
“Ang feeling niya. Akala naman niya masarap ang mga cake niya, pwe!”
“Tara, pagkaisahan natin siya. Ngayon na!”
Nagulantang ako sa mga nabasa ko sa comment section sa picture ng lalaking ‘yon. Hindi ko naman alam na sikat pala siya at mayaman. S-sino ba kasi ang lalaking ‘yon? Totoo ba ang sinasabi nila? Kung mayaman siya, bakit hanggang ngayon ay hindi niya mabayaran ang nasira niyang cake?
Nag-ring ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Claud kaya agad ko itong sinagot.
“Yes, Claud?”
“Where are you, Vala? The fans of Allaric are causing chaos here in front of your cake shop. They’re already throwing rocks at the glass walls of your cake shop. Many glass panels have been damaged and shattered. We’re getting scared here too,” sabi niya kaya lalo na akong naalarma.
Puta, tila nagkamali ata ako nang pag-post sa lalaking ‘yon. Hindi ko naman alam na sikat pala siya.
“Tumawag ka na ng mga pulis. Bakit ako pa ang tinawagan mo!” bulyaw ko pa tuloy sa kaniya.
“Sige, sige, pero pumunta ka na rin dito at natatakot na talaga kami,” sabi pa niya. Dinig ko sa background niya ang ilang mga salamin na patuloy na binabasag ng mga fans ng lalaking ‘yon. Kawawa naman ang shop ko. Tila sinira na nila.
Napabilis tuloy ako nang pagmamaneho at saka pinatay ang linya ko.
Pagdating ko sa cake shop ko, wala na ang mga fans ng lalaking ‘yon. Pero nang tignan ko ang mirror wall sa harap ng cake shop, halos lasog-lasog at sira na.
Ang mga buwisit na ‘yon, sinira ang magandang harap ng shop ko.
Napapayukom tuloy ako ng kamao. Kung naabutan ko lang sila, baka pinagbabato ko rin ng bato ang mga mukha nila. Nilabas ko ang cellphone ko. Kinuhanan ko ang lahat nang sinira ng mga fans niya rito. Naka-mention si Alaric sa comment section kaya hindi ako nahirapang hanapin ang social media account niya. Nag-message ako sa kaniya habang kumukulo ang dugo ko. Pinasa ko sa kaniya ang mga sinira ng mga fans niya.
“Mayaman naman pala, pero scammer. Ano na, Allaric, isang linggo na ang nakakalipas simula nang pangakuan mo akong babayaran sa sinira mong cake, pero hanggang ngayon ay wala. Naging grabe pa ang nangyari dahil sinira ng mga bobo mong fans ang harap ng cake shop ko. Basag-basag ang mirror wall ng shop ko. Bayarin mo at ipagawa mo ito dahil ikaw ang may kasalanan nito.”
Matapos akong mag-message sa alaric na ‘yun, pumasok na ako sa loob ng cake shop ko. May mga pulis na roon at kausap ang ilan sa mga staff ko. Sinabi ko sa mga pulis na hulihin ang lahat ng makikitang tao sa kuha namin ng CCTV dito sa harap ng cake ko para maipakulong ko sila. Ayoko ng ganito. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nilang ito.
Sayang ang isang araw dahil wala akong nagawa kundi ang isara muna ang cake shop dahil sa nangyari. Pinauwi ko na lang din muna ang mga staff ko.
Pauwi na ako nang matanggap ko ang reply ni Alaric.
“Hey, Miss Vala ng baril, let’s meet. It looks like you’re the one at fault, not me. I’ve already paid you; the night you gave me your calling card, I settled your payment immediately.”
Napakunot ang noo ko sa nabasa kong reply niya. Gago pala siya eh. Ni wala nga akong natanggap sa bank account ko ng gabing ‘yon. Ako pa ang palalabasin niyang mali ngayon. Lalo tuloy kumukulo ang dugo ko sa kaniya.