Chapter 4

1047 Words
Vala’s POV Binigay niya sa akin ang address ng condo niya. Sinabi pa niya na hintayin ko siya sa parking area at doon niya ako kakausapin, na kung saan ay doon kami unang nag-meet. Sinamahan ako ni Claud papunta roon. Pagdating ko sa parking area, nakita ko ang isang napakagarang sasakyan. Sikat siya na mayamang nilalang dito sa Pilipinas kaya inaasahan kong sa kaniya ito. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagarang sasakyan. “Grabe, itsura pa lang halatang million ang halaga, tignan mo oh,” sabi pa ni Claud habang nakatuon pa rin ang pansin sa magarang kotse. Maya maya, may lumapit na sa amin na isang lalaki na magara ang kasuotan na para bang galing pa sa work. Kung titignan, mukha nga siyang CEO. Nakita ko kung paano malaglag ang panga ni Claud nang makita itong si Alaric Sullivan. Kahit ako, hindi ko rin napigilang titigan siya sa lakas ng dating niya. Naglalakad pa lang siya, pero sobrang lakas na ng dating niya. Nang una ko siyang makita, medyo magulo ang itsura niya, pero kapag nakaayos pala siya ay mas lalo siyang guwapo. Parang gusto tuloy umatras ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Pero, hindi. Hindi ako lalambot dahil lang sa pogi siya. “Wow! He’s even more handsome and attractive in person,” bulong ng katabi kong si Claud kaya siniko ko siya. We didn’t come here to flirt, but to confront this scammer. Paglapit niya sa amin ay hinarap niya agad ang cellphone niya sa mukha ko. “Look, that night, I immediately settled my payment with you. That’s my proof to you. I’ve already paid you because I really don’t like women who talk too much, especially those with loud voices when they speak. I never anticipated that we would cross paths again, and yet even now, you’re still causing a scene,” sabi niya na para bang nang-iinis pa. “Tanga ka. Mali ang number na na-send-an mo kaya hindi ko natanggap. Ayan oh, mali ‘yung isang number,” turo ko sa screen ng phone niya. Ngumisi rin siya. “I’m the type of person who doesn’t make mistakes when it comes to this. If there’s an issue, it might be with your card. Because I thoroughly checked your card before sending money to you.” Napapakunot tuloy ang noo ko. “Girl, hindi kaya ‘yong maling calling card na na-print ng staff natin ang naibigay mo sa kaniya kaya hindi mo talaga natanggap ang payment niya?” pabulong na tanong sa akin ni Claud kaya nanlaki ang mga mata ko. Nang gabing ‘yon, pagdaka na lang din akong nag-abot ng calling card sa kaniya. At hindi ko rin alam kung ‘yong maling calling card nga ba ang naibigay ko sa kaniya. Pero mukhang ako nga ang may mali rito. “Allaric, palalagpasin ko na ‘yong hindi ko natanggap na limang libong piso na bayad mo sa cake ko, pero ‘yong naging sira ng cake shop ko, baka naman puwede mo akong tulungan?” Mahinahon na akong magsalita sa kaniya. “No. The incident at your cake shop is no longer my fault. It’s your fault because you posted my photo and even slandered me on social media. You didn’t know that even though I’m not a celebrity, I am well-known and have many fans. Next time, before you take any action, you should think first, Miss Vala!” Nawala agad ang pagiging kalmado ko. “So, hindi mo talaga ako babayaran o tutulungan manlang?” tanong ko ulit sa kaniya. Umiling siya. Kaya naman doon na ako lalong sumabog. Nakakita ako ng isang matabang tubo sa may pader, pinulot ko ito at saka lumapit sa magara niyang sasakyan. “Gago ka pala eh. Kung hindi mo rin naman pala ako tutulungan, gaganti na lang ako sa ganitong paraan,” sabi ko at saka ko na pinagpapalo ng tubo ang bawat bahagi ng sasakyan niya. Binasag ko ang lahat ng bintana, sinira ko ang mga salamin at hindi ako tumigil hanggang hindi ito pumapangit. “Tama na, Vala, mali ‘yang ginagawa mo,” pigil sa akin ni Claud. Nang tignan ko si Alaric, nakatapat sa akin ang cellphone niya at tila kinukuhanan na ako ng video. “Ano ka ngayon? Ang sakit makita na sira-sira ang kotse ‘no?” galit kong tanong para masura ko siya lalo. “Do you even know the value of the car you’ve just damaged, Miss Vala?” Kahit sinira ko na ang sasakyan niya, kalmado pa rin siya. Napaisip naman ako bigla. Magkano nga ba ang kotse na ito? “Wala akong pakelam. Patas na ang laban. Nasira ang cake shop ko, nasira na rin ang kotse mo. Ngayon, aalis na ako dahil nakaganti na ako,” sagot ko sa kaniya. “You’ve damaged my seventeen million dollar car, Miss Vala. Do you think you can afford to pay for that? Even if I were to destroy a hundred cake shops, you wouldn’t be able to match the value of that car,” mahinahon pa rin niyang sabi pero nang marinig ko ang halaga niyon, natigil talaga kami ni Claud sa paglalakad. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Nangangatog tuloy ako sa takot dahil hindi ko alam na ganoon pala kalaki ang halaga ng magarang kotse na ‘yun. “S-sorry, Alaric,” sabi ko na lang bigla. “Magkita na lang tayo sa korte, Miss Vala,” sabi niya at saka ako tinalikuran. Tinignan ko ang kotse niya. Kahit sabihin ko pa na ipapaayos ko ‘yan ay mukhang imposible na rin dahil sa dami ng sira. Saka, siguradong sobrang mahal na rin ng presyo kapag pinagawa. “Patay ka ngayon, Vala. Siguradong makukulong ka dahil hindi mo kayang bayaran ang halos eight hundred eighty-four million pesos na halaga ng kotse na ‘yan,” sabi ni Claud na nakangiwi rin sa akin. Hindi nga talaga. Papunta na kaya sa billion ang price niyon. Paano ko mababayaran ‘yan? Napaupo na lang tuloy ako sa simento. Lalo akong nanlata dahil mukhang sa kulungan na nga ang uwi ko nito. Napakamalas ko naman at si Alaric pa na bilyonaryo ang nakalaban ko. This is the grave mistake I have made in my entire life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD