Lemuel fell silent after that and just nodded. Napailing siya at bumuntong hininga sa gilid. Nang makita ko na ang pantalan sa kabilang isla ay halos mapasigaw ako sa saya, pero nanatili akong tahimik. Nanlaki at kuminang ang mga mata ko nang may nakita akong ibang Bangka sa daungan. May nakikita rin akong sasakyan at mga taong nakapalibot doon. I also saw some police officers patrolling in the area. Napawi ang ngiti ko dahil doon. Nabitawan ko ang dalang maliit na kutsilyo at napatingin kay Lemuel. I saw how his eyebrows knitted because of my reaction. Hindi niya ba talaga nararamdaman? The authority is trying to find him! To track him! Pero anong ginagawa niya? He was just casually standing in there! “Lemuel,” tawag ko sa kanyang pangalan at tumigil na ngayon ang Bangka. Naramdama

