Hindi ako mapakali habang hinihintay si Emma na matapos maligo. Nandito ako ngayon sa kanyang kwarto habang naririnig ko ang pag-agos ng tubig sa sahig. Namumula ang mukha ko nang Makita ko ang sariling repleksiyon sa malaking salamin na adjacent lang sa kanyang kama. “Ano, Emma? Tapos ka na?” tanong ko sa kanya sa labas. Napahalakhak naman si Emma dahil sa sinabi ko. “Anong chika ba yan, Ames? Di ka na mapakali no?” natatawang tanong niya sa’kin. Hindi ko maiwasang mapatango kahit na hindi naman niya ito makikita. “Teka lang! Malapit na!” sigaw niya at napatango ulit ako. Nagpakawala ako ng buntong hininga at pilit inaalis sa isipan ang nangyari sa’ming dalawa ni Lemuel sa Yulo Falls. “Ah, sorry may gagawin lang ako Lemuel – “ Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko at tumakbo na sa k

