Tulala ako buong gabi dahil sa ibinigay na gift sa’kin ni Lemuel. Kaya siguro alas syete na ako ng umaga nakabangon dahil sa kulang sa tulog. Kaagad akong bumangon at ginawa ang aking morning routine. Natataranta pa akong lumabas ng kwarto dahil baka mapagilan ako ni Aleng Marites, pero as usual, wala silang dalawa. Maliban kay Lemuel na nagluluto na ngayon sa kusina. Napalingon siya sa’kin. “Good morning,” kunot-noo niya lang sabi sa’kin. Ganoon talaga siguro ang kanyang reaksiyon sa mukha. Seryosong-seryoso si Lemuel sa kusina. Hindi ko mapigilang mapangiti at mamula. Ano ka ba, Amethyst! Tigilan mo na yan! Pero kahit ganoon ay kumuha ako ng mauupuan at umupo doon. Nakaharap lang ako kay sa likod ni Lemuel. Nagluluto siya? Napatawa ako sa kaloob-looban. Hindi siya marunong magluto…

