“Birthday mo pala,” nawiwindang na sabi sa’kin ni Evan. Tahimik lang si Emma sa gilid at hindi malaman kung ano ang gagawin. “Uhm, ilang taon ka na?” tanong ni Emma. “Eighteen,” sagot ko at ngumiti ng tipid. “Happy legality, then,” nakangiting sabi sa’kin ni Evan. Kinuha ni Evan ang braso ko. Nag-protesta pa si Emma pero hindi siya pinansin ni Evan. “Evan?” tawag ko sa kanya dahil nagsimula na kaming umakyat ngayon sa kanyang malaking hagdanan. “Evan! Don’t you dare touch her!” sigaw ni Emma sa ibaba. Namula ang mukha ko dahil sa kanyang sinabi. Kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Emma nang sumulyap ako sa kanya, pero kahit ganoon, kitang-kita ko rin ang lungkot. Ewan ko ba. Feeling ko may alam na si Emma ang tungkol sa nangyari sa’kin kahit na hindi ko naman ikinuwento sa kanilang dal

