“Amethyst! Ano nang ganap diyan? Hindi ka pa ba babalik dito sa Manila?” bungad na tanong ni Tanya sa’kin. Dapit hapon na iyun at habang nagluluto ako ay tumunog ang cellphone. Labis ang kalabog ng puso ko dahil sa pag-ring ng telepono. Mabuti na lang at walang tao dito sa bahay. Si Lemeul ay pumalaot kasama si Tiyo Delfo, habang si Aleng Marites naman ay nandoon sa palengke. Sinabihan niya akong kumain na lang ng mag-isa dahil baka pupunta pa siya sa kanyang kaibigan. Naku! Nakalimutan kong isauli ang cellphone kay Sebastian isang araw. Eh, paano ba naman kasi! Wala na ako sa huwisyo matapos mangyari iyung kahabag-habag na pangyayari isang araw. Napahamot ako sa ulo at kinagat ang pang-ibabang labi. Paano ba to? Anong sasabihin ko kay Tanya? “Ah… ano kasi Tanya…” “Ano? May problema

