“Amethyst!” tawag sa’kin ni Evan sa likod ng lalaking nabunggo ko. “S-Sorry!” nauutal kong paumanhin sa kanilang dalawa at kaagad tumakbo papalapit kay Evan. “Sino yan?” tanong ni Evan at napasulyap sa dalawang lalaking nasa likod ko. “Ah, nabunggo ko lang – nasa’n na yun?” biglang tanong ko sa sarili dahil nang tumingon ako sa likod ay wala na sila. “Nakita mo sila kanina, di ba?” tanong ko kay Evan. Kinuha niya ang braso ko at nagsalita. “Oo. Tara na. Kailangan mong makita to!” nagmamadaling sabi sa’kin ni Evan kaya wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kaniya. Nang bumalik kami sa bahay ni Aleng Marites ay nagsitawanan pa rin silang lahat. Hindi ako mapakali nang makita ang isang pamilyar na BMW na nakaparada sa harap ng bakuran sa bahay nina Aleng Marites. That’s one of t

