I didn’t answer. Katahimikan ang namutawi sa pagitan naming apat sa loob ng comfort room. Nakita kong pinipigilan ni Romualdo ang mga taong mag-ci-CR sana dahil sa nangyayari sa loob. Hindi naman pumalag ang mga taong ito kung kaya’t nanatili kaming apat sa loob. “Ah, wala naman to…” pagsisinungaling ko kay Evan pero mas lalo lamang siyang nanghihinala nang makitang pilit kong tinatago ang aking palapulsuan. “Uhm guys? Ngayon lang ta’yo nagkita. Huwag namang ganyan, oh!” Natatawang sabi ni Emma sa likod ko at hinigit ang braso ko upang hawakan ang balikat ko. She rested her head over there, and looked both Lemeul and Evan. Naramdaman ko ang tension sa pagitan nilang dalawa, kaya mabuti na lang at nandito si Emma upang umalis na kami sa loob ng banyo. “Sige na, Kuya..” sabi ni Emma s

