“Bagong mukha?” tanong ng isang matandang lalaki na naka-suit din kagaya ni Lemuel. He was the one whom we should meet tonight, pero late siya ng isang oras. Naghintay kami ni Lemeul, at ramdam ko ang inis niya sa lalaking ito. Maybe he is that important para manatili pa rin kami sa restaurant na ito. Napatingin ako sa table nila Emma at Evan. Nakatingin rin sila sa’min kung nasaan kami ngayon. It was the first time na gustong makipagmeet up ng client sa isang pampublikong lugar. Feeling ko kasi kapag nasa pribadong lugar kami ay mangyayaring hindi maganda. These man wouldn’t want to risk innocent lives. Or aren’t they? Wala ba silang pakialam kahit na nasa pampublikong lugar kami? I saw Emma hide a smile. Tinignan ko ang table nila at sinuklian ang kaniyang ngiti, subalit, labis ang

