Napatulala naman si Marikit sa sinabi ni Dave sa kanya habang magka harap sila na kumakain sa loob ng restaurant. Gulat din na naka upo si Sunshine sa likod nila at nang marinig niya ang sinabi ni Dave kay Marikit ay napakagat ito ng labi niya ngunit nakinig parin siya sa dalawa. Samantala naman, sina Dave at si Marikit ay nag kakatitigan lamang sa kanilang upuan habang tahimik na kinakain ang oras dahil sa libis na pag t***k ng mga puso nito. "Huwag mo ako mabiro biro ng ganyan ha pasasampal talaga kita porket sayo yung sagot ngayon ng kinakain natin huh," inis na saad ni Marikit. Napa hinga naman nang malalim si Dave at tinitigan si Marikit nang maigi. Napa isip naman ang binata na kahit anong paliwanag siguro nito ay hindi maniniwala si Marikit sa kanya. Ngunit kailangan niya parin n

