Tatlong araw ang naglipas, ganoon pa rin naman ang nangyayari sa kanilang lahat. Sina Andrew at si Sunshine ay laging nakakahanap ng paraan na makasama sila Dave at si Marikit at sa pag labas nilang apat, ganon din na laging dinadal ng dalawa sina Marikit sa labas upang makasama pa lalo ang mga inanasaan ng mag pinsan. Samantalang sumasama lamang si Dave sa kanila upang bantayan si Marikit ngunit lagi namang dikit nang dikit si Sunshine sa kanya. Kahit hindi man nya gusto iyun na dumidikit ang dalaga sa kanya ngunit parang wala naman syang respeto sa babae kung ganon ang gagawin nyang lumayo. Pilit din naman ni Dave na lumapit kay Marikit ngunit ganon din na dikit nang dikit si Andrew kay Marikit. Parang wala rin naman iyun para kay Marikit na kinaiinis ni Dave dahil hindi sya pinapansin

