Buong buhay ni Dave, kahit isang tao lalong lalo na ay babae ito, hindi nya hinayaang hawakan sya sa bente nito at kahit sa dibdib nya ngunit nang mga oras na iyun, kasalukuyan na naka higa si Marikit sa dibdib nya habang iyak nang iyak. Nalasing kase ito nang uminom sila nong mga hapon na iyun na sa birthday pa rin ni Sunshine. Pilit nya itong pinapa tigil sa pag iyak ngunit parang wala lamang ito kay Marikit at patuloy pa rin sa pag hikbi sa bisig ni Dave. "She's not used o alcohol, right," saad ni Andrew na naka upo lang din naman sa harap nila Dave at ni Marikit. Si Marikit lamang kase ang nalasing sa kanilang apat at sa mga oras na iyun, kailangan nya na talagang matulog dahil sa kalasingan nya. Hindi naman talaga sana gusto ni Dave na uminom si Marikit ng alcoholic drinks ngunit d

