Nakasandal si Marikit sa isang cabinet habang may pinapanood sa TV. Nagbabantay kase sya ng karenderya ng lola nya kaya pati panonoof ng TV ay nakasanayan na nyang gawin dito sa lagi nyang pagbantay ng restaurant.
"Hoy Marikit, bibili ako ng isang mangkok ng menudo tsaka isa ng dinuguan nyo," saad ng isang lalaki na laging customer nila Marikit.
Nakapa focus parin ang mga mata ni Marikit sa TV kaya tinapunan nalang ni Kiko ito ng tissue paper.
"Hoy!"
Agad naman napatingin si Marikit kay Kiko at napangiti, "Bwesit nito nanonood pa yung tao e," saad ni Marikit.
"What can I have you?" Dag dag naman ni Marikit.
"Bobo, what I do to you yun," angal naman ni Kiko sabay kuha ng mangkok para lagyan ng ulam nya para sa tanghalian nya.
"Anong pinag aawayan nyo, and by the way, what can I do for you yun. Hindi yung what can I have you tsaka yung what can I do to you mo kiko," bigla namang dumating si Dave sa kanila habang may dala dalang libro.
"Ah Mar, isang sinigang na baboy tsaka isang kanin nga," ani naman ni Dave sabay upo sa pinaka malapit na upuan.
"Your order will come sir!" masiglang saad ni Marikit sabay punta ng lutuan ng karinderya. Napailing nalang si Dave sabay bukas ng libro nito.
Bigla namang dumating si lola Karen na lola ni Marikit na may ari naman ng karinderya. Agad naman nya pinuntahan si Dave nang makita ang binata na nag babasa ng libro.
"Dave anak ko, nandito ka pala kamusta naman pag aaral mo ha. Ang sikap sikap talaga ng batong to," ani ni Lola Karen sabay haplos ng ulo ni Dave. Napatayo naman si Dave at agad nag mano kay lola Karen.
"Okay lang po la. Malapit na rin po finals namin kaya nag aaral na po ako ng advance para naman 'di na ako mahirapan," sagot naman ni Dave.
Malapit na malapit talaga ang pag trato ng lola ni Marikit kay Dave dahil sa kadahilanan na kagaya talaga ni Dave ang anak nitong yumaong apat na sampung taon na ang lumipas. And hindi lang alam ng matanda na kung bakit hindi gumaya ang apo nitong si Marikit sa papa nya pero kahit ganon parin ang apo nito ay mahal na mahal nya parin ito.
"Kain ka na tapos punta ka agad ng school nyo ha. Nasaan na pala si Marikit?" Ani naman ni lola Karen sabay punta sa loob ng kusina.
"Pre, ang swerte mo naman dito, laging libre yung soft drinks," saad ni Kiko. Kasalukuyan syang nakaupo sa harap ni Dave na naka focus lang sa dala dala nitong libro. Napakurot naman ang noo ni Kiko dahil hindi sya pinansin ng binata.
"Grabe naman to. Oo na matalino ka na, balik na nga ako construction site," ani ni Kiko ngunit bagi sya umalis ay bumili muna sya ng isang bote ng coke kay Marikit at umalis.
"Anong balita pareng Dave?" Tanong ni Marikit nang mailagay na nya ang pagkain na inorder ni Dave. At ng dahil ganon parin na hindi sya pinapansin ni Dave, kinuha nya ang libro ng binata dahilan upang mapatingin sa kanya ng masama si Dave.
"Kalma ka lang. Ayan na nga, may nakita ka bang pogi para sa akin?" Kumikinang naman ang mga nito nang mag tanong kay Dave.
Tinitigan lamang sya ni Dave ng tahimik at masama parin ang tingin ng binata nito sa kanya.
"Ang sungit naman nito nagtatanong lang eh," ani ni Marikit at binuksan ang libro ni Dave.
"Ano to?"
"Libro."
"Alam ko pero ano to, tungkol sa ano to?" Inis na tanong ni Marikit. Napahinga naman ng malalim si Dave bago ginulo ng buhok nito.
"Statistic yan," sagot ni Dave. Napag isipan na nya lang na kumain para hindi na sya guluhin no Marikit pero panay parin sa pag tanong ang dalaga sa kanya.
"Anong tungkol dyan ha anong meron dyan sa tastistik na yan."
"Statistic hindi tastistik. Hindi mo na kailangan malaman and may exam kami bukas kaya inaaral ko to," ani ni Dave sabay subo ng pagkain.
"Ah mahirap ba to? Paano mo yan inaaral?" Tanong ulit ni Marikit. Napatingin naman si Dave sa kanya habang may ningunguyang pagkain. Agad naman kinuha ni Dave ang libro nya sa pagkakahawak ni Marikit at tinago ito na ipinatong sa binti nya.
"Napaka sungit mo talaga. Ewan ko ba bat mahal na mahal ka ni lola," ani ni Marikit sabay tayo sa kinauupuan nya.
Naupo nalang sya sa upuan nya kanina malapit sa mga naka display na mga pagkain aa harap at nanood ng TV.
"Magsisimula na tayo sa larong pera o kaldero. Sa lahat ng kalahok ngayon dito, manalangin na ang lahat dahil sa pagtapos ng laro na ito ay makakatanggap ng isang reward na special, so ayan magsisimula na tayo sa palarong ito," saad ng host na napapalabas sa isang TV show sa TV. Napangiti naman si Marikit nang mag simula na ang paboritong palabas nito sa TV.
"Okay, sa unang round, ibabanggit ko ang tanong at ang gagawin nyo lang ay pumunta sa letra na sa palagay nyo ang sagot ngunit dahan dahan lang sa pag buo ng linya mga hija at mga toto," dag dag pa ng host.
Maiging nanood si Marikit sa ginagawa nila sa TV. Sa totoo ay balak talaga nyang sumali sa palarong iyun upang mapalunan ang pera at mapalago ang karinderya ng lola nya at makapag aral na rin sya ng college.
"Sa unang tanong, ano ang capital city ng Russia. A Tokyo, B Manila, C Moscow, and D Berlin. Uulitin ko ang tanong. Ano ang capital city ng Russia, A Tokyo, B Manila, C Moscow, and D Berlin. Ready, set, go!" saad ng host. Pinanood naman ni Marikit kung paano nagsi takbuhan ang mga kalahok sa TV.
'D akin,' saad ni Marikit sa isip nito.
Pagkatapos namang pumunta sa mga letra ang mga kalahok ay may sinabi na ang host.
"Ikaw Dave, anong sagot mo?" Tanong ni Marikit. Uminom naman si Dave ng soft drinks nito sabay salita.
"C. Moscow yung sagot," ani ni Dave.
"Weh? Sure ka na nyan?" Tanong ni Marikit. Hindi na sya pinansin ni Dave at tumayo na ang binata sabay punta sa kusina ng karinderya.
"Hoy, saan ka pupunta?"
"Magpapaalam ako kay lola Karen," ani ni Dave. Tumango tango naman si Marikit at nagpatuloy sa panonood ng Pera o Kaldero.
"Okay, sa susunod na tanong. What is the name of the world's longest canal? A Pasig River, B Nile River, C sss River, and D, Yangtze River," saad ulit ng host. Nag sipunta naman sila ulit sa mga letra kung saan ang mga sagot nila.
"Alright, the time has stop. Kung gusto nyo pa mag palit ng sagot, we weill give you ten seconds na chance para umiba ulit ng answer ninyo," saad ng host. Bumiling naman ito hanggang sampung segundo at ilan sa mga player ng laro ay nag palit talaga ng mga sagot nila.
Ilang segundo pa at bigla na lumabas si Dave galing sa loob na kung saan sila lola Karen at ilang mga kasamahan nila Marikit na nag luluto doon.
"Aalis ka na?" Tanong ni Marikit nang makita si Dave na lumabas.
"Obviously."
"Wag mo 'ko ma english english dyan ha. Mapilay ka sana papuntang school!" Sigaw ni Marikit dahil nakalabas na ng restaurant si Dave.
Nagpatuloy naman sa panonood si Marikit ng Pera o Kaldero sa TV nang biglang lumabas si Lola Karen mula sa kusina, "Kaylan mo ba balak mag par register para maka sali ka na dyan hm?" Tanong ni lola Karen at naki upo sa harap ni Marikit.
"Ewan ko nga la kung sasali ba talaga ako don or wag na kase baka mag mukha lang akong tanga doon eh. Isa pa kahit ngayon nga mga mali yung sagot ko eh," ani Marikit habang malungkot ito na naka tingin sa lola nya.
"Hayaan mo at hahanapan kita ulit ng libro na mababasa mo para naman sa pag sali mo sa laro na yun eh may natutunan ka naman. Isa pa kahit hindi ka manalo may limang libo ka pa naman na ibibigay nila eh kaya wag kang susuko," tumango tango naman si Marikit at napahinga ng malalim.
Nagiging emosyonal sya dahil sa ginagawa ng lola Karen nya sa kanya ngunit sa ka totohanan ay kailangan nya talaga na sumali doon. Bigla naman napangiti si Marikit sa naisip nyang plano.
"Akong bahala la. Baka next week o sa mga susunod na araw eh makaka sali na ako don. Ako na po ang bahala don," ani ni Marikit.
"Aw sige basta mag iingat ka lang lagi ha. Sabihan mo lang ako para maka pag desisyon ka na agad. Sabihan mo na rin ang mama mo nang maka pag handa kami sa pag alis mo," ani ni lola Karen. Tumango naman si Marikit sabay ngiti sa lola nito. Naputol ang kanilang pag uusap nang nagsi datingan ang ilang mga estudyante na kumakain sa kanila kung tanghali kaya agad naman napa gawa si Marikit at nag simula syang mag hakod ng pera mula sa kanilang niluto.
Dumating ang gabi at marahan na isinara ni Lola Karen at ni Marikit ang karinderya nila at kasama parin nila si Haya na kasama rin ni Marikit sa oag babantay ng restaurant.
"Mag iingat ka sa pag uwi Haya. Kay manong Tino ka sumakay para ma ingat ka na makauwi sa inyo," ani ni Lola Karen kay Haya.
"Opo la salamat kayo rin po. Mar, alis na 'ko, la," ani ni Haya at sabay na umalis ng mabilis. Sumakay naman sila Lola Karen at si Marikit sa nakakatandang kapatid ni Marikit na si Henry.
Umuwi ang tatlo ng mabilis dahil sa tricycle na dala ni Henry. Nang maka uwi sila lola Karen, Marikit at si Henry at agad naman silang nag hapunan at kinain ang inihanda ng ina nila Marikit at ni Henry.
Nakalapag lang ito sa mesa sa kusina ngunit ang ina nila ay maaga ng na tulog dahil pagod itong nag bebenta sa palengke.
Pagkatapos naman nilang kumain ay lumabas ulit si Henry para mamasada sa tricycle nito habang sila lola Karen naman ay sumunod na rin na natulog kaya ang naiwan nalang ay si Marikit na nag babasa ng ilang libro sa salas nila.
"Tinatamad ako pero gusto ko matuto," angal ni Marikit sabay gulo ng buhok nito. Bigla naman na pumasok sa isip nito ang naplano nya kaya kinuha nya agad ang cellphone nito at pinadalhan ng mensahe si Dave. Tinatamad ako pero gusto ko matuto," angal ni Marikit sabay gulo ng buhok nito. Bigla naman na pumasok sa isip nito ang naplano nya kaya kinuha nya agad ang cellphone nito at pinadalhan ng mensahe si Dave.
"Gising ka pa?" Ang saad sa message nya para sa binata. Ilang minuto pa ay nag reply na rin sa wakas si Dave sa kanya, "Hindi."
Napairap naman si Marikit bago nireplyan ang binata, "Punta ka agad mag tanghali sa karinderya, may sisig kami tsaka beef steak," ang reply nya.
"Oh tapos?"
'Ang sungit talaga ng p*tangina na to,' saad ni Marikit sa isip nito.
"Basta punta ka lang bukas. Ang daldal mo y*wa ka," ang huling message ni Marikit sabay off sa screen ng cellphone nito. Nag ting naman ang cellphone nya at nakita ang reply ni Dave.
"Ikaw yung madaldal eh."
Hindi na ito pinansin ni Marikit at nag patuloy nalang sa pag babasa ng libro kahit ilan ddon ay hindi nya masyado na naiintindihan.
Nag patuloy si Marikit sa pag babasa ng libro hanggang sa tinamad na talaga ito ng husto at naiispan ng matulog.
Kinaumagahan, lagi sila lola Karen at Marikit nagigising ng maaga pa sa mga manok dahil marami pa silang lulutin sa karinderya. Maaga rin umaalis ang ina nila papuntang palengke na nag titinda ng ilang gulay at mga halaman. Inihatid din sila ni Henry ng indibiwal dahil namamasada rin naman ito buong araw.
Sa buong araw hanggang tanghali ay marami na rin naging customer sila Marikit dahil sa mga construction worker narin na ilan sa mga kasama ni Kiko at na kumain ng umagahan at tanghalian sa kanilang karinderya.
Pag sapit ng tanghali ay agad naman hinintay ni Marikit si Dave dahil kakausapin nya talaga ito tungkol sa plano nya. Hindi na rin sya mapakali dahil sa maganda nyang plano na siguro syang gagana talaga sa pag sapit ng araw.
Nang dumating si Dave ay agad nya ito binigyan ng mga pagkain na ipinagtaka naman ni Dave. Sino ba naman 'di mag tataka kung sa tanghalia mo e ang dami dami mong kakainin.
"Upo ka na mag uusap tayo," ani ni Marikit.