KANINA pa palakad-lakad si Ivana sa salas na akala mo ay pusang hindi mapatae. Uupo siya, tatayo tapos lalakad. Paulit-ulit. Manaka-naka ay kinakagat-kagat niya ang mga daliri niya sa kamay. Ganoon ang ginagawa niya kapag nate-tense siya at hindi alam ang gagawin. Kakagaling lang kasi niya sa isang ospital upang ipa-check kung ano ba ang ibig sabihin ng pagsusuka niya kaninang umaga. May hinala siya na buntis siya. Una ay naisipan niyang bumili ng pregnancy testing kit pero baka maling resulta lang ang makuha niya doon kaya nagdesisyon siyang mapa-check up nang mag-isa. Matapos ang check up niya ay nalaman niya na dalawang buwan na siyang buntis. Napaisip tuloy siya. May posibilidad na si Ian ang ama ng dinadala niya dahil parang ganoon na katagal simula ng unang beses na may man

