GIGIL na gigil na pinatay ni Ivana ang telebisyon matapos niyang mapanood doon ang interview ni Giovana sa isang morning show. Kasama niya sa salas si Yssa ng umagang iyon. Sa pamamagitan ng Youtube ay nagawa nilang mapanood ang interview na iyon ng asawa ni Ian. “Bakit mo pinatay? Netflix naman tayo, ghorl!” reklamo ni Yssa. Magkatabi sila sa sofa habang nakataas ang mga paa. Wala doon si Ian dahil nasa trabaho ito. “Punyeta talaga `yang Giovana na iyan. Nakakagigil! Ginamit ang impluwensiya bilang artista. Kung gusto niya ng giyera, harapin niya ako ng personal at hindi iyong ipinakita niya ang pangalan at picture ko sa TV!” Kulang na lang ay umusok ang ilong ni Ivana sa labis na galit. Malamang ay alam na ng pamilya ni Ian at ng nanay niya ang lahat. Natatakot siya sa pweden

