KINABUKASAN ay pinatawag si Nicholas sa opisina ng head nila para kausapin ang tungkol sa nawawalang pera na ipinagkatiwala sa kaniya. Nanindigan siya na nawala iyon at hindi niya ibinulsa. Pero may mga nakapagsabi daw sa head nila na may nakakita daw sa asawa niya na bumibili sa mall ng mamahaling gamit. Isang katrabaho daw niya ang nakakita kay Ivana. Nangatwiran siya na pera ng kaibigan ng asawa niya ang pinambili sa mga gamit na tinutukoy ng nagsumbong sa head nila. Iyon kasi ang natatandaan niyang sinabi sa kaniyan ni Ivana—na kay Yssa galing ang mga bagong damit, sapatos at bag nito. “Sir, matagal na po ako sa company na ito at hindi ko po kayang sirain ang pangalan ko sa halagang thirty thousand pesos lang,” turan pa ni Nicholas. “Alam ko, Nicholas. Pero hindi rin hinugot

