Chapter 23 "Yehey! Yehey! Daddy will go with us today!" pumapalakpak na ani Sam at tumatalon talon pa. Kusa niyang ikinapit ang kanyang maliit na kamay sa kamay ng ama. Nakangiti itong hinawakan ni King at tumingin nalang kay Yuka na tumatawa saka siya hinila ni Sam pasunod sa kanyang kakambal na nauna ng sumakay sa kotse. Parehong nasa front seat ang dalawa habang nagmamaneho si King patungong DIS. "Wala kayong nakalimutang assignments? Requirements?" tanong niya sa dalawa nang diretso ang tingin sa daan. Matinis ang halakhak nina Christian at Sam habang nagkikilitian at sabay na sumagot ng, "Nothing, daddy!" Humahalakhak na kinuha ni Sam ang cellphone ni King. Ini-enter nito ang password ng daddy niya at bumukas ito. Tumahimik ang kambal at nakatuon lang ang atensyon sa vid

